LYKA “ANONG kundisyon, Verex?” kalmadong tanong ko pa rin sa kaniya sa kabila ng mahigpit na pagkakakuyom ng aking mga kamay. “Ano ang gusto mo? Handa akong ibigay ‘yon.” Hindi ko na iniisip ang mga katagang lumalabas sa aking bibig. Kahit hindi ko pa alam kung kakayanin ko ba o hindi ang hihilingin ng ex-husband ko. Masiyado na akong desperado na madugtungan ang buhay ni Pablo. “Gusto ko na ipakilala mo ako kay Pablo na ama niya at dito kayo titira sa akin habang nagpapagaling siya.” Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Nakakunot ang aking noo. Naghihintay ako nang iba pa niyang sasabihin. “That’s all?” tanong ko para putulin ang pananahimik niya ng ilang minuto na nakatingin lang sa akin at pinag-aaralan ang aking reaksiyon. “Yeah.” Tumango-tango si Verex. “Gusto kong makab