CHAPTER 4—MY UNCLE IS MY JOWA

1741 Words
LYKA TAPOS na kaming kumain ng dinner. Sa totoo lang, ang daming pagkain ang nakahain sa lamesa kanina na ipinahanda ni Madam Lucila sa kusinera para sa pagdating ni Unle Verex. Halos lahat daw ng iyon ay mga paborito niya. Nakakatuwa nga. Dahil paborito ko rin ang mga iyon. Katulad na lang ng adobong pusit at halabos na hipon. Siyempre, kinilig na naman ang lola ninyo. Unang pagkikita palang pero natuklasan ko na may similiraties na agad kaming dalawa. Pero hindi ako nabusog. Hindi kasi ako nakalunok nang maayos dahil nade-destruct ako sa presensiya niya kanina. Tapos panay pa ang kumusta niya sa akin. Kung hindi na raw ba ako nahihilo. Na para bang alalang-alala talaga siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti hanggang ngayon. “Ganiyan ba ang pakiramdam kapag nakasabay sa pagkain ang kasingguwapo ni Dok Verex? Panay ang ngiti?” tukso sa akin ni Neneng nang mahuli niya akong ngumingiti na naman habang kumakain kami. Dahil nga hindi ako nabusog kanina kaya nakisabay ako sa kanila. Dito sa dirty kitchen ang kainan ng mga katulong. Hindi ko naman first time na makisabay sa kanila. Dahil kapag wala sina Nanay at Daddy Arman, hindi ako pinapayagan nina Madam Lucila at Stella na kumain sa dining room, lalo na ang makisabay sa kanila. “Bakit, Lyka? Crush mo rin ba si Dok Verex?” parang nanunukso na tanong sa akin ni Ate Len-Len. Isa rin siyang helper na kagaya ni Neneng. Pero twenty-seven years old na siya at may asawa na. Nasa probinsiya lang ang pamilya niya kaya bihira lang kung umuwi. “H-ha? Hindi po, ‘no!” mabilis na tanggi ko. Pero ramdam ko na pinamulahan ako ng pisngi. “Mabuti naman kung gano’n dahil crush ko si Dok Verex,” sabi sa akin ni Neneng na agad din naman niyang binawi. “Charot lang! Wala namang problema kung crush mo rin siya. Paghanga lang naman ‘yon. Walang masama roon. At saka isa pa, may boyfriend ako, di ba?” Humagikhik pa siya. “Hindi ko nga po siya crush,” todo tanggi talaga ako. Kahit mamatay man ako, hindi ko aaminin sa kanila na hindi ko na lang basta crush si Uncle Verex kundi ‘love at first sight’ pa. Masiyadong madaldal si Ate Len-Len. Baka hindi niya mapigilan na tuksuhin ako. “Ang tanda na kaya niya. Thirty years old na siya at twenty lang ako. Tapos simula ngayon, tatawagin ko na raw siya na ‘Uncle Verex’ sabi ni Daddy Arman. Kaya ang labas, parang tiyuhin ko na rin siya,” mahabang paliwanag ko. “Kaya nga ang sabi ng iba age doesn’t makker, di ba?” “Ano’ng makker ka diyan? ‘Age doesn’t matter’, Ate Len-Len!” pagtatama ni Neneng na ikinatawa lang namin. “Ah, basta. Ang importante magkatunog.” Tumawa lang si Ate Len-Len bago niya ako tinukso na naman. Bisaya kasi siya at hindi pa nakapagtapos ng elementary kaya may mga salita na hirap siyang bigkasin nang tama kahit matagal na siya rito sa Maynila, “At saka hindi mo naman siya totoong angkol, eh. Kaya puwedeng-puwede.” “Oo nga naman, Lyka,” sumang-ayon din sa amin si Manang Rose. Forty years old na siya at siya ang kusinera dito sa bahay. Isa siyang biyuda at lahat ng mga anak niya ay nasa probinsiya rin. “Hindi naman masama ang magka-crush sa mas may edad sa’yo. Eh, kung pareho naman kayong malaya. Ang masama, kung nagkagusto sa taong may iba nang mahal at pamilyado na. Iyon ang iiwasan mo. Lalo na sa katulad mo na masiyado pang bata. Baka umasa ka lang at masaktan ang batang puso mo.” “Ay, sabagay,” biglang bawi ni Ate Len-Len. “Hindi nga pala natin alam kung singgol pa ba si Dok Verex. Ang tagal na rin nang huli siyang umalis dito. Wala pa siyang nobya noon.” “Mababalitaan naman natin kung ikinasal na siya, eh. At saka napansin ko kanina habang kumakain si Dok Verex na wala pa siyang suot na wedding ring, “sabi ni Neneng. Siya kasi ang nagse-serve ng pagkain sa amin kanina. “Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa, Lyka.” Tinapik niya ako sa balikat at bumungisngis. “Ibig kong sabihin, huwag ka palang mawalan ng pag-asa. Ipapaubaya ko na siya sa’yo simula ngayon.” Lalo akong nag-blush nang pagtulungan akong tuksuhin nina Neneng at Ate Len-Len. Ayaw nilang maniwala kahit paulit-ulit kong itinatanggi na hindi ko crush si Uncle Verex. Kitang-kita raw nila kung paano ko nakawan ng tingin kanina ang tiyuhin ko habang kumakain kami. Paano pa kaya kapag nalaman nila ang ginawa ko sa park kanina? Siguradong lalo nila akong tutuksuhin. “Normal ang magka-crush, Lyka. Basta alamin mo lang ang limitasyon mo,” payo pa sa akin ni Manang Rose. Mukhang naniniwala rin siya na may crush nga ako sa bagong dating na amo nila. “At ingatan mo na huwag ipaalam kay Madam Lucila at Stella na crush mo si Dok Verex kung ayaw mo na lalo ka nilang pagtawanan at pag-initan.” Bigla akong nalungkot. Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit hangga’t kaya ko, itatago at itatago ko sa lahat ang nararamdaman ko kay Uncle Verex. At saka isa pa, hindi pa naman ako sigurado kung totoong ‘love at first sight’ ba agad itong nararamdaman ko sa kaniya. Baka naman attracted lang ako sa kaniya dahil guwapo at mabait siya. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi pa rin ako tinatantanan ng tusko nina Ate Len-Len at Neneng hangga‘t hindi ko raw inaamin sa kanila na crush ko si Uncle Verex. Kaya kaysa magisa ako ng tukso kaya bumalik na lang ako sa kusina para kumuha ng tubig sa refrigerator. Kaso wala na palang laman ng tubig ang mga pitsel. bahagya akong tumuwad para mamili ng ibang maiinom na naka-stocks sa loob niyon. Akmang kukunin ko na ang naka-box na sterilize milk nang bigla na lang may magsalita sa likuran ko. “Ano pa kaya ang puwede kong inumin? Wala na palang malamig na tubig.” Napasinghap ako nang makilala ko ang boses ni Uncle Verex. Hindi ako lumingon pero naramdaman ko na lumapit siya sa akin. Nanuot agad sa aking ilong ang amoy niya. Ang bango talaga! Lumalim ang paghinga ko nang maramdaman ko na lalo pa siyang lumapit sa akin para makisilip din sa loob ng refrigerator. Humawak din siya sa gilid niyon na hinahawakan ko. Para akong nakuryente nang dumikit ang mainit niyang balat sa balat ko. Ayaw kong iparamdam kay Unlce Verex na kinakabahan ako sa pagkakalapit naming ito kaya pilit kong pinakalma ang puso ko na bigla na namang bumilis ang pintig. “M-may pineapple juice din po dito, Uncle Verex. Ito po ang iniinom ni Daddy Arman,” pinanindigan ko na ang paging mag-tiyo namin sa pagtawag ko sa kaniya na ‘uncle’ at pag-‘po’. Baka sakaling mahimasmasan ako sa damdamin kong ito na obvious naman na hindi maaari. Kumuha ako ng isang pineapple juice at saka humarap sa kaniya. Hawak ko naman sa kabilang kamay ang sterilize milk. “Ito po—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at sunod-sunod na lang akong napalunok nang muntik nang magtama ang aming mga labi dahil sa pagharap kong ito. Nakalimutan ko na sobrang lapit niya pala sa akin. Feeling ko ay nanuyo ang aking lalamunan habang magkaharap kaming dalawa ni Uncle Verex. Sa sobrang tangkad niya ay nagmukha siyang poging kapre sa paningin ko. Five feet and two inches lang ako samantalang sa tingin ko naman ay nasa six feet and two inches siya. Kayang-kaya niya siguro akong buhatin gamit ang isang braso lang niya. Pareho kaming natigilan at nakatitig sa isa’t isa ni Uncle Verex. Nag-eratiko ang t***k ng aking puso na tila lumukob sa buong sitema ko. Pakiramdam ko ay malulunod ako sa matiim na titig niya sa akin. Seryoso lang ang mukha niya pero para na naman akong hihimatayin. “P-pineapple juice po, Uncle. Gusto mo po?” Inabot ko sa kaniya ang lata ng pineapple juice bago pa man ako mawalan na naman ng ulirat sa harapan niya. Kahit nautal na naman ako. Nang magsalita ako ay saka lang umatras nang kaunti si Uncle Verex para hindi na kami magdikit masiyado. “Thanks, Lyka. Pero mas gusto ko ang sterilize milk kapag ganitong gabi na,” nakangiti na sagot niya sa akin. “Excuse me.” Sumilip uli siya sa loob ng refrigerator at kumuha ng gatas. Siyempre kinilig na naman ako dahil pareho na naman pala kami ng gustong iniinom bago matulog sa gabi. Humarap uli sa akin si Uncle Verex. Bago niya buksan ang hawak na gatas ay napatingin siya sa hawak ko na sterilize milk din na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabubuksan. “Ako na ang magbubukas niyan.” Inabot niya sa aking kamay ang gatas na hawak ko. Hindi ko na naman mapigilan ang kiligin nang si Uncle Verex na rin ang nagtusok ng paper straw sa butas ng box. Napangiti tuloy ako nang iabot niya ito sa akin. “S-salamat po.” Mas lalo pang natuwa ang aking puso nang sabay kaming napasipsip sa paper straw habang nakatingin sa isa’t isa. Ngumisi siya sa akin. “Huwag mo na akong pino-‘po’. Para akong matanda, eh.” “Twenty years old lang po ako at thirty naman daw po kayo. Kaya dapat lang na pino-‘po’ ko kayo,” katuwiran ko. At iyon naman talaga ang dapat. Ang mag-‘po’ sa nakatatanda. Iyon ang itinuro sa akin ni Nanay Matilda. “At saka isa pa po, parang tiyuhin ko na rin kayong tunay dahil kapatid po kayo ni Daddy Arman. Parang totoong tatay na rin kasi talaga ang turing ko sa kaniya, eh.” Mabait kausap si Uncle Verex kaya napadaldal tuloy ako. “Iyon po ay kung okay lang sa inyo na ituring ko kayo na ‘unlce’ talaga.” Naalala ko na baka katulad din nina Madam Lucila at Stella na ayaw niyang ituring ko siyang parang tunay na kamag-anak. Amused na ngumiti sa akin si Uncle Verex. “Wala namang problema sa akin. Pero paano ‘yan? Eh, simula kanina sa park, mag-jowa na tayo, di ba?” Literal akong nasamid na sinisipsip kong gatas. Kulang na lang ay malunok ko pati ang paper straw. Sabi na nga ba, eh. Naalala niya ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD