LYKA MAGHAPON kong hinintay ang pagbabalik ni Verex dito sa bahay ngunit nabigo ako. Simula almusal ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung dahil ba sa pag-aalala na baka kung napaano na siya o dahil sa takot na baka totoo ang sinabi niya kanina na magkasama sila ngayon ni Margaux sa Baguio. Nagtanong nga kanina sina Nanay at Daddy kung nasaan daw siya. Pero hindi ko sinabi ang totoo. I just told them na trabaho ang dahilan ng kaniyang pag-alis. Ayokong magalit na naman sila sa asawa ko. Sa kabila ng mga pasakit sa akin ni Verex ay hindi ko pa rin kayang ipahamak siya. Hangga’t kaya ko, ipagtatanggol ko siya. Sinubukan kong matulog nang sumapit ang gabi na hindi pa rin siya umuuwi. Baka kasi hindi ko mapigilan ang aking sarili na tawagan siya. Gusto ko rin sanang sumugod sa Baguio