LYKA “YOU?!” bulalas ni Margaux nang sa wakas ay makilala rin niya ako. Ang kanina’y masungit lang niyang mukha ay unti-unti iyong tumigas at nilukob ng galit ang kaniyang mga mata. “Ang kapal din talaga ng mukha mo na magpakita pa rito pagkatapos ng ginawa mo noon, Lyka.” Wala naman siyang ginawang masama sa akin noon kaya wala akong balak na patulan siya. In fact, ako pa ang may kasalanan kay Margaux dahil parang inagaw ko sa kaniya ang fiancé niya. “Hindi ako bumalik dito para manggulo, Margaux,” kalmadong sagot ko sa kaniya. Although nagsisimula nang maglikot ang aking isipan kung bakit ba talaga siya nandito at kasama niya ang batang babae sa larawan. “Really?” Nang-uuyam na humalukipkip siya harapan ko. “Bilib din naman talaga ako sa’yong babae ka. After all these years, hindi ka