LYKA NAGISING ako nang makaramdam ako ng tila ibang presensiya sa loob ng kuwarto. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata para alamin kung tama ang aking hinala. I looked at on my left side, papunta sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon nang bigla kong makita ang malaking bulto ng katawan ng lalaki na nakatayo roon. I sucked my breath nang makita ko ang mukha ng aking dating asawa. I caught him staring at me. “M-may kailangan ka ba?” nauutal kong tanong habang inaayos ang aking blouse na bahagyang tumaas at nahantad ang makinis kong tiyan. “I just came to check our son. Baka kasi nagising siya dahil sa pamamahay,” sagot ni Verex at dahan-dahan na lumipad ang kaniyang tingin sa aming anak. “H-hindi naman siya basta-basta nagigising kapag may katabi. Lalo na kung ako.” “Eh, kung ak