LYKA “I’M SORRY, hon…” nahihiyang sabi ko kay Fritz nang tawagan ko siya at sabihin sa kaniya ang sitwasyon namin ngayon ni Pablo. “Um-oo ako sa gusto ni Verex na hindi ko man lang sinasabi muna sa’yo.” “It’s okay, Hon. Wala namang problema sa akin. Pero ang tanong, masaya naman ba diyan si Pablo? Na kasama niya ang tatay niya?” “Yes, hon. In fact, palagay na nga agad ang loob niya sa ama niya,” nangingiti kong sagot. “At sobrang saya niya dahil natupad na ang isa sa mga birthday wishes niya. At ‘yon ay ang makilala ang father niya.” Sandaling katahimikan mula sa kabilang linya bago muling nagsalita ang aking nobyo. “Kung gano’n, mas lalong okay lang sa’kin. Alam mo naman na basta masaya kayong dalawa ng anak mo, masaya na rin ako.” Mas lumawak pa ang aking pagkakangiti nang maramdama