LYKA NASA kalagitnaan na kami ng hagdan nang matigilan ako. Feeling ko ay bigla akong pinagpawisan. Nanumbalik sa puso ko ang takot nang maalala ko na sa parteng iyon ako nahulog at naging dahilan ng pagkawala ng munting anghel sa sinapupunan ko noon. Napakagat-labi ako. Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon na nabalot ako ng takot nang makita ko ang dugong umagos sa aking mga hita nang gumulong ako mula rito hanggang sa ibaba. Parang kahapon lang nangyari iyon base sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa loob ng dibdib ko. Ngunit nang maalala ko ang totoong dahilan kung bakit iyon nangyari, muli rin akong nakaramdam ng galit at saka ako mabilis na lumingon kay Stella. Nakatayo pa rin siya sa sala at nakatingin sa amin. She smiled at me. Pero ang ngiting iyon ay mabilis na naglaho nang tin