LYKA “MAHAL po kasi kita, Uncle…” pabulong kong sabi, kasabay nang pagpisil niya sa aking palad. Kinakabahan pa akong tumingin agad sa kaniyang mga mata para lang mahuli ang reaksiyong pumaloob doon. Kaya lang, sumabay din ang malakas na pag-ring ng cellphone niya. As in, malakas talaga na halos mabingi kaming dalawa kaya agad kaming napabitaw sa isa’t isa. At sigurado ako na hindi niya narinig ang sinabi ko. Dahil hindi man lang siya nagpakita ng reaksiyon. Mas inuna pa niyang damputin ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng dashboard. Napansin ko na saglit lang niyang tiningnan ang screen. Nag-iba ang expression ng kaniyang mukha bago niya iyon pinatay. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o magpapasalamat dahil hindi niya narinig ang pagtatapat ko. Pero sino kaya ang tumawa