LYKA NAPAKISAP ako nang biglang pisilin ni Uncle Verex ang tungki ng aking ilong. Nag-blush ako nang mahuli ko siyang titig na titig sa aking mukha. “Huwag ka nang kabahan diyan. Nagbibiro lang naman ako,” natatawang sabi niya sa akin. Napansin niya siguro ang kaba sa aking mukha. “Ako na ang matutulog dito sa sala mamaya. Doon ka na sa room ko,” dagdag pa niya. “Hindi nga pala kita puwedeng iwanan dito dahil may ibang mga lalaki rito. Although may tiwala naman ako sa mga tauhana ko.” Alam ko naman na hindi siya papayag kahit ipagpilitan ko pa na ako na rito sa living room kaya napa-oo na lang ako. Okay na rin iyon. Takot kasi talaga ako sa kulog at kidlat. Mayamaya ay tumayo si Uncle Verex at pumasok sa kuwarto niya. Ilang minute rin siyang nag-stay sa loob at hindi ko alam ang kaniy