LYKA KAHIT wala na akong ganang gumising sa umaga, napilitan pa rin ako na pumasok sa school kinabukasan. Ayokong sayangin ang aking pag-aaral at madismaya sa akin ang magulang ko. Puso ko lang ang nawasak, hindi ang buong mundo ko. Dahil magdamag akong umiyak kaya lalong namugto ang mga mata ko. Kailangan ko tuloy magsuot ng shades para itago iyon. Paglabas ko ng aking kuwarto ay saglit akong natigilan nang kasabay ko si Uncle Verex na lumabas din sa kuwarto niya. Natigilan din siya sandali. Ngunit ngumiti rin siya sa akin pagkalipas ng ilang segundo. “Good morning, sweetie,” malambing niyang bati sa akin. Nawala ang emosyon sa aking mukha habang nakatitig ako kay uncle. Nothing has changed in how he treats me. Ngunit natatakot na akong sumakay sa mga pa-fall niya sa akin. Nangako na