LYKA ILANG segundo rin ang lumipas bago ako nakapagsalitang muli. “Kung pinikot kita, dapat po noon pa tayo ikinasal. Sa unang araw pa lang na may nangyari sa atin. At saka hindi lang naman po ako ang nasarapan nang gabing iyon, Uncle. Ikaw din naman, ah.” Nilangkapan ko ng sarkasmo ang tono ng aking pananalita. Napabalikwas siya ng bangon. “No! I was just drunk!” Sa sobrang pagkapikon niya ay parang gusto niya akong kainin ng buhay. “Na sinadya mo rin dahil pinilit mo na ubusin natin lahat ng alak ko sa ref.” Sa halip na magalit dahil alam namin pareho na hindi iyon totoo, napatawa pa ako. “Kung lasing ka lang noong may nangyari sa atin, dapat pangalan ni Auntie Margaux ang inungol mo at hindi ang pangalan ko.” “What the hell! I didn’t do it. I’m sure of it!” galit na niyang sigaw sa