LYKA ANG inakala kong pag-aangkin sa akin ni Uncle Verex sa unang gabi ng aming kasal ay hindi nangyari. Dahil pagkatapos niya akong papasukin sa kuwarto niya ay nagbihis siya at siya naman ang lumabas. Umalis siya na hindi nagpaalam. At kinabukasan na siya bumalik. Sinikap ko na lang na huwag magpaapekto sapagkat alam ko na higit pa rito ang pasakit na mararanasan ko sa piling niya sa mga susunod na araw. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa paglilipat ng aking mga gamit mula sa kuwarto ko. Tinulungan naman ako ng aking ina. At sinabihan niya ako na lakasan ko pa raw ang aking loob at habaan ang pasensiya. Lumipas ang ilang araw na hindi pa rin ako inaangkin ng aking asawa. Kahit magkatabi kami sa kama ay para pa rin akong hangin na tila hindi niya nakikita kahit nararamdaman nam