LYKA “UNCLE, bakit po?” tanong ko sa kaniya sa mahinang boses. Takot akong ibuka nang malaki ang aking bibig dahil ayokong magsalubong ang hininga naming dalawa. Hindi dahil sa bad breath ako kundi nakakailang. “Hindi ka naman siguro magagalit kung dinala ka rito sa kuwarto ko para kausapin ka, di ba?” seryoso ang mukha na tanong din niya sa akin. “Hindi ko kasi magawa-gawa kapag nasa labas tayo dahil parang iniiwasan mo ako.” Napalunok ako nang mahalata na naman ang lungkot sa boses niya. “H-hindi naman po sa gano’n, uncle.” “Hindi? Eh, bakit isang linggo mo na akong hindi kinakausap? Palagi kang umiiwas sa tuwing nagta-try akong lapitan ka. Kapag may itinanong naman ako sa’yo, kung hindi tango o iling, isang tanong isang sagot ka lang.” “Busy lang po talaga ako sa dami ng school pro