LYKA MAAGA pa lang ay gising na ako. Seven thirty kasi ang call time naming magkakaibigan. Sa Cubao kami magkikita at ihahatid kami ng driver ni Sue papuntang Batangas. At dahil may pasok sa trabaho si Daddy Arman kaya hindi na ako magpapahatid. Nagkataon naman na naka-day off ngayon si Mang Monching. Okay lang naman na mag-commute ako. Isang malaking backpack lang naman ang dala ko, na kagabi pa lang ay inihanda na namin ni Nanay. Tapos na akong magbihis at naghahanda nang umalis nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Agad ko namang binuksan dahil alam ko na si Nanay Matilda iyon. “Okay ka na ba, Anak?” tanong niya sa akin nang pumasok siya kuwarto ko. “Gusto mo bang samahan na kita sa biyahe mo hanggang Cubao?” “Huwag na po, ‘Nay. Kaya ko na po,” magalang na sagot ko. “Wala naman