LYKA “AYOKONG maulit pa ang ganitong pangyayari, Lyka. Nakakahiya sa Daddy Arman mo,” sabi sa akin ni Nanay pagkatapos nila akong kausapin tungkol sa nangyari. Hindi naman pala nila ako pinagalitan. Kahit ang stepfather ko. Pinagsabihan lang na huwag nang ulitin ang nangyari. Na hangga’t maaari daw ay magbati kami ni Stella dahil magkapatid kaming dalawa. Humingi rin ng sorry sa akin si Daddy at kay Nanay Matilda dahil daw sa pangingialam ni Madam Lucila. Nangako naman siya na kakausapin ang ina. Pagkatapos ay ipinatawag din niya si Stella para pag-ayusin kaming dalawa. “Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil parehong anak ang turing ko sa inyo,” wika ni Daddy Arman nang dumating ang kaniyang totoong unica hija. “At ganoon din ang gusto kong gawin n’yo. Ang magturingan kayo na