LYKA HINDI ko mapigilan na hindi kabahan habang hinihintay ang pagdating nina Nanay Matilda at Daddy Arman. Tumawag kasi sa akin si Nanay kanina at sinabi nga niya na pauwi na raw sila. Ayokong bigyan siya ng isipin habang nasa biyahe kaya pinili kong huwag na munang sabihin sa kaniya ang nangyari kanina. Pagdating na lang nila. May kasalanan din naman ako sa nangyari kaya handa akong tanggapin ang galit nila sa akin mamaya. Samantalang kausap naman ngayon ni Uncle Verex si Stella. Nasa hardin silang dalawa. Kanina naman niya kinausap si Madam Lucila pagkatapos niyang gamutin ang mga galos at sugat ko. “Napakamaldita kasi talaga ng Stella na ‘yon, eh,” nanggigigil na komento ni Neneng. Kasama ko sila rito sa dirty kitchen at katatapos lang naming mag-lunch. Hindi naman pumupunta rito an