LYKA WALANG nagawa sina Madam Lucila at Stella nang ilayo ako ni Uncle Verex sa kanila. Dinala niya ako sa gazebo upang patahanin. Nagpadala rin siya kay Neneng ng first aid kit para gamutin ako. Una niyang dinampian ang mga kalmot at sugat ko sa braso, gamit ang bulak na may alcohol. Pagkatapos ay kumuha uli siya ng panibagong bulak bago dinampian din ang sugat sa gilid ng aking mga labi na ngayon ko lang naramdaman. Sa kabila ng hapdi ay napapikit ako nang sabay na dumampi ang kamay niya sa balat ko. Iyon muna ang inuna ni Uncle Verex kaysa ang usisain ako tungkol sa totoong nangyari. “Are you hurt?” nag-aalalang tanong niya sa akin pagkatapos niya akong gamutin. Patuloy siya sa maingat na paglalapat ng bulak sa aking mga sugat. Panaka-naka akong napapangiwi dahil sa hapdi. “I mean,