CHAPTER 50—HOPE

2134 Words

LYKA NAGISING ako na nag-iisa na lang sa kama. Pareho nang wala sina Pablo at Verex sa puwesto nila. Late na kasi ako nakatulog dahil hindi ako komportable na kasalo ko uli sa kama ang dati kong asawa pagkalipas ng anim na taon. Nasunod kasi ang gusto ng aming anak na magtabi kaming tatlo sa kama. Bagaman at wala naman akong pinagsisihan dahil wala namang nangyari na hindi ko nagustuhan. Ni hindi nga kami nakapag-usap nang matagal ni Verex dahil agad silang nakatulog ni Pablo. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan ng bumaba ako ng kama. Saglit akong natigilan nang maalala ko na T-shirt nga pala niya ang aking suot. Gaya nang sinabi niya, hindi siya pumayag na matulog akong naka-hanging blouse. Balak kong lumabas ng kuwarto upang hanapin ang aking anak. At ayaw kong may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD