LYKA
"SABI na nga ba. May ginawa na naman sa'yo ang mga bruha na iyon kaya muntik ka nang ma-late kanina," nanggagalaiti na sabi ng kaibigan at classmate ko na si Sue.
Dumaan muna kami sa isang park bago umuwi ng hapon na iyon, kasama ang dalawa pa naming kaibigan na sina Celestine at Shantal. Malapit lang naman ito sa university kaya dito kami madalas na tumambay.
"Maganda sana ang Stella na iyon kung hindi lang saksakan ng sama ang ugali," komento naman ni Celestine. "Muntik na nga akong matomboy sa kaniya noon, eh. Kaya lang, bruha pala "
"Hayaan n'yo na 'yon," saway ko sa mga kaibigan ko. "Wala na tayong magagawa sa ugali nila. Magsasawa rin ang mga iyon sa pang-aaway sa'kin."
"Kailan pa?" exaggerated na tili ng tatlo, sabay tingin sa akin.
"Huwag na nga natin silang pag-usapan," sabi ko na lang. "Maglaro na lang tayo ng spin the bottle," yakag ko sa kanila. Pinahiga ko sa lamesa na napapalibutan namin ang bote ng softdrinks.
"Mabuti pa nga. Stress na nga tayo sa course natin, pati ba naman sa mag-lola na iyon?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Shantal na ikinatawa na lang namin.
"Game. Pero ako naman ang unang magpapaikot ng bottle, ha?" sabi naman ni Sue. "Last ako kahapon."
"Okay walang problema," sabay-sabay naming sagot.
Libangan talaga namin ang maglaro ng spin the bottle. Lalo na kapag nandito kami sa park at gustong mag-trip. At kung kanino tumutok ang nguso ng bote ay siya ang manlilibre ng food na ire-request ng player.
"Pero ibahin naman natin this time," suhestiyon ko. "Tatanungin ng truth or dare ang taya."
"Ay, bet!"
"Mas exciting!"
"So what are you waiting for, guys? Let's start it na!" excited na sabi ng mga kaibigan ko at si Sue na nga ang unang nag-spin ng bote.
Si Celestine ang unang nataya. Truth ang pinili niya. Hanggang sa lahat kami ay nataya na. Ilang beses na puro truth ang pinipili ko. Tutal, alam naman na ng mga kaibigan ko ang halos lahat ng sikreto sa buhay ko. Naiinis na nga sila dahil wala daw silang nalalaman na bago tungkol sa akin.
"Baka puwedeng mag-dare ka naman?" sabi sa'kin ni Celestine nang siya ang maglaro at ako ang nataya. "Wala kaming napapala sa 'truth' mo, eh," dagdag pa niya na halatang nagbibiro lang naman.
"Sige na nga," natatawa na lang na sabi ko. "Okay, dare." Hindi naman mahirap ang pinapagawa nito sa mga nauna kanina kaya keri lang.
Magsasalita na sana si Celestine nang mapansin ko na natigilan siya. Napanganga habang nakatingin sa likuran ko. Napansin din iyon ng dalawa pa naming kaibigan.
"Ano na ang nangyari sa'yo, Tin? Bakit parang naengkanto ka na diyan?" si Shantal ang unang sumita sa kaniya.
"May nakikita kasi akong engkanto. Este, guwapo pala." Napakurap-kurap pa si Celestine na para bang hindi naniniwala sa nakita.
At dahil numero unong mahilig sa guwapo si Shantal kaya tumingin agad siya sa direksiyon na tinitingnan ng kaibigan namin. "Saan ba—" Siya man ay natigilan din at halos lumuwa ang mga mata at napakagat-labi pa. "Oh my gee! Ang guwapo nga at ang hot pa niya."
Na-curious na rin tuloy kami ni Sue na katabi ko kaya napalingon din kami.
Hindi ko in-expect na mapapanganga rin ako nang makita ko ang lalaking mag-isang nakaupo sa kasunod na lamesa. Nakasuot siya ng polo na inilaliman ng puting T-shirt, pants, at rubber shoes. Pero kahit ganoon lang kasimple ang suot niya ay napahanga pa rin ako. Which is first time mangyari. Dahil madalas ay sa mga artista o modelo lang ako nag-a-admire. Wala pa kasi sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Study first muna.
"Ang yummy niya. Gosh!" bulalas pa ni Shantal. Wala siyang pake kahit marinig pa ng lalaki.
May hawak na cellphone ang lalaki. Busy yata siya sa kung ano mang binabasa niya roon kaya hindi niya napansin na pinagnanasaan na siya ng mga kaibigan ko. Kahit si Sue ay narinig kong guwapo-guwapo rin sa lalaki.
I looked at his firm arms and broad shoulders nang abutin niya ang backpack na nasa upuan.
Oh my, God. Ang hot! hindi napigilan na hiyaw ng isip ko.
Pati yata ako ay nagnanasa na rin sa lalaking ito. Feeling ko ay biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko habang tinitingnan siya. Ang weird lang. Dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling para sa isang lalaki. Lalo na sa mas matanda sa'kin. Iyon kasi ang napansin ko sa lalaki. Sobrang guwapo at young looking lang talaga siya.
Muntik nang umangat sa upuan ang puwet ko nang mag-angat ng tingin ang lalaki. Humayon ang mga mata niya sa direksiyon ko at nginitian niya ako. Nahulog na yata ang puso ko! Literal na napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kalabog sa loob. Hindi ko napansin na nakatanga na rin pala ako sa kaniya.
"Alam ko na pala kung ano ang ipapagawa ko sa'yo, Lyka," ngingisi-ngisi na untag sa'kin ni Celestine nang lingunin ko siya.
Napilitan tuloy ako na alisin ang tingin sa guwapong nilalang. "Sabihin mo na para magawa ko na agad. Para ako naman ang makapag-spin," kampante pa na sabi ko.
"Okay, fine. Ganito..." Tiningnan muna niya kami isa-isa bago lumipad ang tingin niya sa guwapong lalaki na pinagnanasaan namin kanina.
Bakit parang kinabahan yata ako bigla, ah?
"Ano ba 'yon, Tin? Sabihin mo na at excited na rin kami sa ipapagawa mo kay, Lyka." Kinalabit siya ni Sue.
"Ang dare ko sa'yo ay ganito." Hinawakan pa ni Celestine ang kamay ko. "Lapitan mo ang lalaking iyon at i-kiss mo."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?"
"Joke lang," agad naman na bawi ni Celestine. "Ako ang unang nakakita sa kaniya kaya ako dapat ang maka-first kiss sa kaniya," pabiro na wika pa niya sabay bumungisngis. "Lapitan mo lang siya at sabihin na mag-boyfriend na kayo simula sa araw na ito. Then hug him before you leave. Hug him for me."
"For us," sabad naman ng dalawa pang friend namin.
Lalong nag-eratiko ang t***k ng puso ko. "B-bakit pagdating sa'kin ang hirap ng pinapagawa mo? Samantalang kina Shantal at Sue kanina, pinagsayaw at pinakanta mo lang," reklamo ko sa kaibigan ko.
"Basta gawin mo na lang, Lyka. Remember, bawal ang KJ sa larong ito," pangongonsensiya naman ng dalawa. "Ako nga kanina, eh. Nakakahiya rin kaya ang sumayaw sa gitna ng maraming tao tapos matigas pa ang katawan ko."
"At kumanta na boses-palaka," dagdag naman ni Shantal sa sinabi ni Sue.
Oo nga naman. Bawal KJ. Ako pa naman ang nagyaya sa laro na ito.
"Huwag ka nang mahiya. Hindi ka naman kilala ng lalaking iyan, eh," pangungimbinse ni Celestine sa akin. "At hindi na kayo uli magkikita niyan."
She was right. At saka laro lang naman. Mukhang mabait naman ang lalaki. Maiintindihan naman niya siguro kapag sinabi ko ang totoo.
Bumuntong-hininga muna ako nang malalim bago tumayo at naglakad papunta sa lamesa ng lalaki. Todo-ngisi naman ang mga kaibigan ko nang lingunin ko sila. Tuwang-tuwa pa talaga sa gagawin ko.
Abala na naman sa pagse-cellphone ang lalaki nang makalapit ako sa kaniya. Hindi nga niya agad ako napansin.
Basta gawin mo na agad kapag tumingin siya sa'yo, Lyka. Bago ka pa maunahan ng kaba at hiya. paalala ko sa sarili ko.
Pero nang magtaas siya ng tingin at nagtama ang mga mata naming dalawa, wala akong nagawa kundi ang mapanganganga sa kaniya. Parang naging marshmallow yata sa lambot ang mga tuhod ko. Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
"Miss, are you okay?" untag niya sa akin habang nakakunot ang noo.
Napakurap-kurap ako. Mas lumakas pa ang tahip ng dibdib ko. Ang guwapo niya pala talaga. Lalo na kapag ganitong malapitan. Tapos parang familiar pa ang mukha niya.
"Nagkita na po ba tayo dati?" sa halip ay tanong ko sa kaniya.
Ngumiti na naman siya sa akin. Iyong tipo ng ngiti na makalaglag-panty kung sabi pa ng mga kaibigan ko. "I don't think so. But you look familiar to me." He chuckled and smiled. "Bakit mo nga pala naitanong?"
But you look familiar to me. pag-uulit ko sa isip ko dahil kinilig ako.
Bakit niya kaya iyon nasabi?
"Miss?" kaswal na tawag niya uli sa akin. "Bakit mo naitanong kung nagkita na ba tayo noon?"
Napalingon ako sa mga kaibigan ko. Nakita ko ang pasimpleng pagsenyas nila na gawin ko na raw ang dare sa akin ni Celestine.
At bago pa man ako tuluyang panghinaan ng loob, umupo na ako sa tabi niya at humarap sa kaniya. "W-wala naman. Gusto ko lang sabihin sa'yo na simula sa araw na ito ay mag-boyfriend na tayo." Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng mga kaibigan ko.
Pero feeling ko ay mas malakas pa ang t***k ng puso ko sa mga oras na ito. Halos hindi ko na nga marinig ang pangangantiyaw sa akin ng mga friend ko.
Para akong matutunaw sa hiya nang makita ko ang pagkagulat sa guwapong mukha ng lalaki. At bago pa man ako maduwag na gawin ang panghuling utos sa'kin ni Celestine ay walang ano-ano na niyakap ko na siya.
Ilang segundo ko lang naman siyang niyakap. Mabilis akong kumalas sa kaniya. I know na sobrang pula na ng mukha ko kaya hindi na ako nangahas na tingnan ang reaksiyon ng lalaki. Hiyang-hiya na tumayo na ako at patakbo na bumalik sa lamesa namin. Hindi ko na naipaliwanag sa kaniya kung bakit ko iyon nagawa.
"Hey, Miss!"
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi talaga ako lumingon. Agad ko ring dinampot ang bag ko at mabilis na iniwanan ang mga kaibigan kong tuwang-tuwa pa sa ipinagawa sa akin.
Grabe ka, Lyka! Nakakahiya ang ginawa mo. kastigo ko sa aking sarili habang nag-aabang ng jeep pauwi.
HANGGANG sa pagdating ko sa bahay ay hindi ko pa rin makalimutan ang kahihiyang ginawa ko. Palagi akong tulala. Kahit anong gawin ko ay bumabalik talaga sa isip ko ang mukha ng lalaki at ang mga sinabi ko sa kaniya. Mabuti na lang at nasa bahay na sina Nanay at Daddy Arman kaya hindi ako napagalitan nina Stella at Madam Lucila nang makita nila akong tulala sa kusina.
Pero si Nanay naman ang pumansin sa'kin.
"Okay lang ka lang ba, anak? May problema ka ba?" Lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
"W-wala naman po, Nanay. Nagre-review lang ako sa isip ko dahil may quiz kami bukas." Napakagat-labi ako dahil sa pagsisinungaling ko sa aking ina.
"Mabuti naman kung gano'n. Akala ko may sakit ka." Hinawakan ni Nanay ang kamay ko. "Gawin mo lang kung ano ang kaya mo, anak. Huwag mo i-pressure ang sarili mo. Proud naman ako sa'yo kahit anong grades man ang makuha mo."
Napangiti ako at yumakap sa kaniya. "Thank you po, Nanay..."
"Maligo ka pala mamaya at magsuot ng maayos na damit, ha? May darating tayong bisita," sabi niya sa akin pagkatapos.
"Ho? Sino pong bisita?"
"Ang Uncle Verex mo. Darating siya mamayang gabi, Hija." Si Daddy Arman ang sumagot nang pumasok siya sa kusina. "In fact, nandito na siya sa Pinas kaninang umaga pa. May pinuntahan lang daw."
Sa wakas makikita ko na rin ang kapatid ni Daddy na sinasabi nila ni Neneng na hindi hamak daw na mas guwapo at hot kaysa sa asawa ng nanay ko. Ayaw daw kasi no'n na ikinakalat ang mukha sa buong bahay kaya wala itong litrato doon. Maliban sa lumang family picture ng mga Montecillo kung saan ay maliliit pa ang magkapatid.
"Sige po, Dad. Excited na rin akong makita si Uncle Verex," nakangiti ko pang sabi. "Siguradong mabait din po siya gaya n'yo."
"At guwapo rin, Hija," may pagmamalaki at nakangiti rin na sabi ng stepfather ko. "At magaling pang doctor. Thirty years old lang siya pero isa na siya sa pinakamagaling na cardiothoracic surgeon sa France."
"Kung gano'n po, baka puwede akong mag-apply sa ospital na pinagtatrabahuan niya pagka-graduate ko, Dad?" Ang excitement na naramdaman ko ay unti-unting nawala nang pumasok doon si Stella. Kitang-kita ko ang pasimpleng pag-irap niya sa'kin. Ganoon din ang kasunod niyang si Madam Lucila.
SUMAPIT ang alas sais ng gabi. Bagong ligo na ako at nakalugay ang basa at mahabang buhok ko. Nakasuot ako ng floral dress at flat sandals nang pumasok ako sa kusina para uminom ng tubig. Sa totoo lang, kanina pa ako panay inom ng tubig. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang ninenerbiyos ako habang naghihintay sa pagdating ni Uncle Verex.
O baka naman dala pa ito ng nerbiyos dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa park kanina. katuwiran ko sa sarili ko.
Paubos na ang iniinom kong tubig nang biglang dumating si Neneng mula sa sala. Parang nagpupuso ang mga mata niya sa kilig habang nagkukuwento sa mga kasamahang helper.
"Hala, nandiyan na siya! Nandiyan na ang poging amo natin. May pampagana na naman tayo."
"Sino?" tanong ko pa rin kahit alam ko naman kung sino ang inaasahan namin sa mga oras na ito.
"Si Dok Verex, Lyka." Kinikilig pa rin na humarap sa akin si Neneng. "At pinapasabi ni Sir Arman na pumunta ka na raw doon para maipakilala ka na."
"Gano'n ba," kaswal na sabi ko lang. "Sige, ubusin ko lang ito." At saka ko nilagok ang natitirang tubig sa baso.
"Ang suwerte mo at makikilala mo si Dok Verex," tudyo sa akin nila Neneng. "Sobrang guwapo at bait pa naman niya."
"Mabuti naman at hindi nagmana sa Nanay," nakangiting biro ko bago lumabas ng kusina at tinungo ang sala.
Malayo pa lang ay kita ko na sina Nanay Matilda at Daddy Arman na may kausap na matangkad na lalaki. Nakasuot siya ng leather jacket. Samantalang nakaupo naman sa sofa ang mag-lola na sina Stella at Madam Lucila habang nagbubuklat ng mga pasalubong.
"Nandito na nga pala ang anak ko, Verex," narinig kong sabi ni Nanay nang mapatingin siya sa akin.
Ewan ko kung bakit ganoon na lang ang pagsalimbayan ng t***k ng puso ko habang hinihintay ko na lingunin ako ni Uncle Verex. Pero hindi naman ako huminto at dire-diretso lang sa paglalakad palapit sa kanila.
Mga tatlong hakbang na lang siguro nang mapansin ko na parang lilingunin na niya ako. Excited na akong makita ang hitsura niya kahit kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
Nakakainis dahil tila slow-motion pa ang paglingon ni Uncle Verex sa akin.
Eksaktong tumigil na ako sa likuran niya nang makaharap siya sa akin. Para akong nakakita ng multo nang bumulaga sa akin ang guwapong mukha ng lalaking j-in-owa at niyakap ko sa park kaninang hapon.
"I-ikaw?!" parang luluwa ang mga matang bulalas ko. Samantalang napangiti lang siya.
Feeling ko ay biglang umikot ang paligid at nanlambot ang mga tuhod ko. Nagmistulang kamatis ang mukha ko dahil sa hiya. Para akong aatakehin sa puso sa sobrang lakas ng t***k.
Hanggang sa naramdaman kong parang unti-unti akong nawawalan ng malay. At bago pa man ako tuluyang bumagsak ay may matitipunong braso na ang sumalo sa akin. Amoy na amoy ko pa ang natural na bango niya bago ako mawalan ng ulirat.
Amoy-pogi. wika ko na lang sa isip ko.