LYKA IT’S been week when I said yes to Fritz. Wala naman kasi akong makitang dahilan para tanggihan ko ang marriage proposal niya. He’s an ideal husband that every woman dreams of. Tanga na lang siguro ang babaeng tatanggi na maging asawa niya. Lalo na sa isang single mom na gaya ko. Napakaimportante na makapag-asawa ako ng lalaking hindi lang ako ang kayang tanggapin at mahalin. Kundi pati na rin ang anak ko. Dahil bilang isang single mom, mas uunahin ko ang kaligayahan ni Pablo kaysa sa sarili ko. Deserve din ni Fritz na matanggap ang ‘yes’ ko. Dahil siya lang ang tanging lalaki na nagtanggal ng aking takot na muling magmahal. Pati ang takot ko na muling mag-asawa at magpakasal ay inalis din niya sa aking sistema. He helped me get rid of that fear because of my first failed marriage.