LYKA “SAAN nga pala kayo sa Batangas mag-pa-party?” curious na tanong sa akin ni Uncle Verex habang kumakain na kami ng in-order naming breakfast meal. Dahil masilaw sa puwesto niya, ang katapat kong upuan, lumipat siya sa tabi ko. Nang dahil doon kaya lalong natuliro ang puso ko. Mas naaamoy ko pa siya kaysa sa kinakain namin. At sa tingin ko, hindi hamak na mas yummy pa siya kaysa sa longganisa na isinusubo ko. Lihim kong nakurot ang aking sarili. Parang gusto kong kilabutan sa kalandian ng isip ko dahil ang taong pinapantasya ko ay pamangkin lang ang turing sa akin. Feeling ko tuloy, ang immoral kong tao. “Sa Calatagan po,” magalang na sagot ko sa kaniya habang ipinagpapatuloy lang ang pagkain ko. Kahit nako-conscious ako sa presensiya ni Uncle, ganado pa rin akong kumain. Bukod sa