LYKA “'DI MA-AMIN ng damdamin… Na ngayo'y wala ka na sa aking piling…Araw-araw ang dalangin… Ay mayakap kang muli at maangkin.” Ubod ng lalim ang hininga na aking pinakawalan nang maulinigan ko ang malamyos na musikang iyon na pumutol sa alaala ng nakaraan na dumaloy sa aking isipan. Nilingon ko ang pinanggalingan ng musikang iyon. Nakita ko na sa di-kalayuan pala ay may set-up stage. Sa itaas niyon ay may live band at napapalibutan ng maraming tao. Nakuha ng lead vocalist ang aking atensiyon dahil sa magandang boses niya kaya naisipan ko na lumapit sa stage na iyon. Kahit hindi ko alam ang pamagat ng kanta. Tutal, mukhang matatagalan pa naman bago makabalik si Verex. Sino kaya ang kausap niya sa cellphone at ang tagal niyang bumalik? Bago ko tinungo ang stage ay tinuyo ko muna ang