LYKA ANG akala ko, makakalimutan ko ang paninibugho na naramdaman ko dahil sobrang saya ng unang gabi namin sa beach. Plus, na sobrang ganda pa ng resort na napuntahan namin dito sa Calatagan. Ang sabi ngqa ng mga kaklase ko, talagang makakalimutan mo raw ang ano mang problema mo kapag nandito ka sa lugar na ito. It looks like a paradise. Pero hindi ako. Dahil sa halip na makalimutan ko ang selos na naramdaman ko sa Margaux na iyon ay lalo pang lumala. Ilang beses ko na ngang sinubukan na tawagan si Uncle Verex upang kumpirmahin kung girlfriend nga ba niya ang babaeng iyon o hindi. Hindi lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin iyon. Kaya uminom muna ako para magkaroon na ako ng guts. Nagpapasama nga ako kay Sue. Gusto ko katabi ko siya habang tinatawagan si Uncle. Baka kasi bigla