LYKA BUMILIS ang t***k ng aking puso nang dahan-dahan akong itinulak ni Uncle Verex pahiga sa buhanginan. Titig na titig kami sa isa’t isa. At ewan ko ba. Para akong nahimasmasan bigla ngunit nawalan naman ako ng sasabihin. Para kasi akong hinihigop ng mga titig niya. Kahit ang paghinga ay hindi ko magawa. Patuloy lang siya sa dahan-dahan na pagtulak sa akin pahiga at hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. I sucked my breath nang maramdaman ko ang tuluyang paglapat ng aking likod sa buhanginan. Lalo pang bumilis ang t***k ng aking puso nang dahan-dahan niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Para akong nalasing sa mabango niyang hininga na nalalanghap ko. “Lyka…” bulong niya nang bumaba ang kaniyang tingin sa aking mga labi. Samantalang para naman akong sinilihan sa hinihigaan ko nang