CHAPTER 8—FIRST DATE?

1605 Words
LYKA DALAWANG ARAW nang nasa Laguna sina Nanay at Daddy Arman. Ibig sabihin ay dalawang araw na rin na si Uncle Verex ang naghahatid sa akin sa school at nagbibigay ng baon. At hindi lang iyon, pati sa pag-uwi ay sinusundo rin niya ako. Ayoko nga sana dahil lalo akong pinag-iinitan nina Madam Lucila at Stella. Pero palagi naman akong ipinagtatanggol ni Uncle. At takot din pala sa kaniya ang mag-lola. Kaya kahit wala sina Nanay, basta nasa tabi ko siya, ligtas ako sa kalupitan ng dalawa. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na lalong humanga sa kaniya. I felt safe whenever I’m with him. Kaya siguro pati sa panaginip ay kasama ko si Uncle. “Wala ka yatang poging sundo ngayon, Lyka?” tanong sa akin ni Sue nang lumabas kami ng gate na walang Uncle Verex ang sumalubong sa akin. Nasanay na rin kasi sila sa dalawang araw na hatid-sundo niya ako. “Oo nga! Kinapalan ko pa naman ang lipstick ko tapos hindi lang naman pala niya makikita,” dismayadong wika ni Shantal. Napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pulang-pula na nguso niya. Daig pa ang kinagat ng bubuyog. “Bakit kasi ikaw ang nagpapaganda? Eh, hindi naman ikaw ang bet ni Uncle,” sita sa kaniya ni Celestine. “Si Lyka ang gusto niya. Tanggap ko na kaya tanggapin mo na rin, girl.” “Anong gusto ka diyan?” Hinampas ko ng hawak ko na libro si Celestine. “Nakakahiya kapag may makarinig sa’yo na mga kaibigan ni Stella. Baka ano pa ang isipin niyon.” “Bakit? Totoo naman, ah,” Sue agreed to Celestine. “Obvious naman na may gusto sa’yo si Uncle Verex. Hindi iyon mag-e-effort na ihatid-sundo ka araw-araw kung wala siyang pagtingin sa’yo, Lyka. Talasan mo ‘yang pakiramdam mo. Huwag kang manhid.” Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa tuwing tinutukso ako ng mga kaibigan ko kay uncle. At kapag ipinipilit nila na may gusto siya sa akin. Kaya lang, ayokong paasahin ang sarili ko. Lalo na ang aking puso. Ako kasi ang mas nakakaalam kung paano niya ako tratuhin. And I know na talagang pamangkin lang ang tingin niya sa akin. “Hindi ako manhid. Sadyang malisyosa lang talaga kayo.” Tinalikuran ko na ang mga kaibigan ko para mag-abang ng jeep. Nagpaalam sa akin si Uncle Verex kanina nang ihatid niya ako na hindi raw niya ako masusundo dahil may pupuntahan siya na importante. “Sus, pero aminin mo na crush mo siya.” Sumunod pala sa akin si Sue. Ayaw niya akong lubayan sa kakatukso. “And don’t try to deny it. Kukurutin kita nang bongga diyan.” Pati sina Celestine at Shantal ay sumunod din sa akin. Pilit din nila akong pinapaamin na may crush daw talaga ako sa uncle ko. “Akala mo hindi namin napansin na simula nang dumating siya, palagi ka nang blooming. Palagi ka na ring nagsusuot ng headband porke’t bigay lang niya,” tukso pa sa akin ni Celestine. “Todo ngiti ka rin kapag kasama mo siya. At huwag mo nang i-deny dahil may picture ako.” Napailing na lang ako sa kakulitan nila. Ito rin ang disadvantage kapag may friends ka na kilala na kahit kulay ng utot mo, eh. Ang hirap magtago ng feelings. But still, hinding-hindi talaga ako aamin sa kanila. Siguradong tutuksuhin nila ako kapag nandiyan si Uncle Verex. “Bakit naman ako magkakagusto sa tiyuhin ko? Pamangkin kaya talaga ang turing niya sa’kin,” sabi ko na lang para itanggi ang totoong nararamdaman ko. Mabuti na lang at may dumaan ng jeep. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at sumakay na. May mga kotse ang mga iyon kaya ako lang sa aming tatlo ang nagko-commute kapag walang hatid-sundo. Palibhasa mga anak-mayaman. Pero kahit saksakan ng kulit ang friends ko, masasabi ko na masuwerte ako sa kanila. Dahil kahit hindi nila ako ka-level, hindi sila nag-hesitate na kaibiganin ako noong nag-transfer ako rito. Isa sila sa mga unang naging kaklase ko rito sa St. Andrius University. Dahil uwian kaya siksikan sa jeep na sinakyan ko. Halo halo rin ang mga pasahero kaya hindi ko na rin maintindihan ang amoy na sumalubong sa akin. Ngunit mas nangingibabaw ang parang amoy-bayabas na over ripe na. Sobrang sakit talaga sa ilong. Kaya siguro nakatakip ng panyo ang lahat ng mga pasahero. Bababa na nga sana ako kung hindi lang umandar na ang jeep. Hindi naman ako maarte dahil laking hirap naman ako. Pero iba talaga ang amoy, eh! Parang gustong sumuko ng ilong ko. Wala na ring ibang bakanteng upuan bukod sa katabi ng lalaking mahaba ang buhok at balbas. Maayos naman ang suot niya kahit nakapantalon at nakasando siya. Nakataas ang isang kamay niya dahil nakahawak siya sa rails. Kitang-kita tuloy ang makapal na balahibo sa kili-kili niya. At sa tingin ko ay sa kaniya nanggagaling ang naaamoy kong parang bulok na bayabas. Pero no choice na ako. Nasa parte na kami ng kalsada kung saan ay bawal magbaba ng pasahero. Alangan namang sumalampak ako sa sahig. Agad akong napatakip ng ilong nang makaupo ako sa tabi ng lalaki. Tama nga ang hinala ko kanina. Kili-kili niya ang may itinatagong bulok na bayabas. Kaya pala wala siyang katabi. At nagtinginan din sa akin ang ibang pasahero nang umupo ako sa tabi niya. Akala ko ay kaya kong tiisin ang amoy ni Manong Bayabas. Pero kahit nagsuot na ako ng face mask habang nagtatakip ng panyo, langhap na langhap ko pa rin ang amoy niya. Tapos parang proud pa siya na idikit sa mukha ko ang kili-kili niyang nakataas. Pakiramdam ko ay parang babaligtad ang sikmura ko. Hindi ko na kinaya. Dumikit na rin kasi yata sa akin ang amoy niya, eh. Pumara na ako nang makakita ako ng babaan. Kahit malayo pa ang LRT station. Dahil marami naman ang naglalakad kaya naglakad na rin ako papunta sa LRT station. Sayang din ang twelve pesos na pamasahe sa jeep. Tutal, maliwanag pa naman. Naglalakad na ako sa tabing-highway nang bigla na lang may huminto na kotse. Nang lumingon ako ay nakita ko ang guwapong mukha ni Uncle Verex na sumilip sa bintana. Feeling ko ay huminto sandali sa pag-ikot ang aking mundo. Kalahating araw lang na hindi ko siya nakita pero ramdam ko na agad ang pananabik ko sa kaniya. Lihim akong napalunok. Uncle… Todo tanggi ako sa mga kaibigan ko kanina. Pero heto at nagwawala na naman ang aking puso pagkakita ko lang sa kaniya. My heart is stupidly beating fast while staring at him. Damdamin na tanging si Uncle Verex lang ang may kakayahan na magparamdam sa akin. Nang makabawi ako sa pagkatulala sa kaniya ay saka lang gumalaw ang aking bibig na napansin kong kanina pa pala nakanganga. “U-uncle? Ano po ang ginagawa n’yo rito?” tanong ko habang palapit sa kaniyang sasakyan. Na ngayon ko lang din napansin na ipinarada pala niya nang maayos sa tabing kalsada. “Pauwi na ako.” Binuksan niya ang pintuan sa passenger’s seat nang makalapit ako. Pero sa halip na sumakay ay sumilip lang ako sa bintana. “Pauwi ka na rin ba?” Tumango lang ako. “Eh, bakit ka naglalakad?” he asked me again. “Mahabang kuwento po, eh. Sa bahay ko na lang po ikukuwento sa inyo mamaya, uncle.” Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Get in. Sumabay ka na sa akin.” Hindi na sana ako magpapakipot pa. Pero parang bigla kong naamoy sa aking sarili ang amoy ni Manong Bayabas na dumikit yata sa uniform ko. Baka maamoy ni Uncle Verex. Nakakahiya. Baka akalain pa niya na ako ang amoy-putok. “Salamat na lang po. Pero may bibilhin pa pala ako na kailangan ko sa school bukas,” palusot ko. Eksakto naman na natanaw ko ang malapit na mall. “Susunod na lang po ako.” “Kung gano’n, sasamahan na kita,” walang gatol niyang sabi habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Nagugutom din ako, eh. Parang gusto ko munang mag-merienda. Samahan mo rin ako.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung papayag ba sa inaalok ni uncle. Gusto kong sumama siya kung hindi ko lang sana inaalala itong amoy ko. “Ano na? Let’s go at nagwawala na itong mga alaga ko sa tiyan.” Hindi pa rin ako kumikilos o kahit kumikibo man lang. Nagulat na lang ako nang biglang bumaba sa sasakyan niya si Uncle Verex at hinila ang kamay ko. “May alam akong masarap na restaurant sa mall na iyon noong nag-aaral pa ako sa St. Andrius, eh.” Itinuro din niya ang mall na nakita ko kanina. “Tingnan natin kung nandoon pa rin iyon hanggang ngayon.” “P-po?” sabi ko lang. Para kasi akong nanigas dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko. Parang sasabog ang aking dibdib sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Para lang akong robot na sunod-sunuran sa kaniya hanggang sa maisakay niya ako sa loob ng sasakyan at mapaandar iyon. Hindi pa rin ako nahimasmasan kahit nang makarating na kami sa loob ng mall. Napatingin ako sa kaniya. “Ito po ang first ever date ko, uncle,” parang wala pa rin sa sarili na sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo ni Uncle Verex nang tumingin sa akin. “Ha?” Nang makita ko ang kaniyang reaksiyon ay saka ko lang na-realize ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Pakiramdam ko ay namutla ako sa pagkapahiya. Parang nangatog bigla ang aking mga tuhod. Nanlamig ang mga kamay ko habang nakanganga na tumingin sa kaniya. Hihimatayin na naman ba ako nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD