sechs
Grade 3 pa ako nang may nangahas na lumapit sa akin para manligaw. Hindi ko pa nararanasan ang gano'n dahil homeschooled ako in my entire childhood life kaya gulat na gulat akong nakatunganga sa lalaki. May hawak siyang rosas, nasa soccer field kami at maraming estudyanteng dumadaan.
And who courts at this young age by the way? That's too young...
"I like you." Diretsahan niyang sabi.
Namumula ang pisngi niya. I think he gathered all his courage and strength to confess today. Hindi naman Valentine's day. Wala ring special ocassion. Inabot niya ang isang pirasong rosas. First time ko ito, hindi alam ang gagawin.
Pinagtitinginan na kami ng iba kaya kinuha ko ang rosas at umiwas ng tingin. My heart is beating violently. Dahil sa matinding kaba. I don't know this person, but I always see him. Magkatabi lang ang classroom namin at section 2 siya. That means, mas matanda ako sa kaniya.
"Pwede ka bang ligawan, Blanca?"
"H-huh?" Manligaw daw, Blanca. Bingi ka ba? Pinagtitinginan na kayo!
"Gusto kita. Promise, hindi ako childish. I'm understanding and kind."
"Pero kasi..." napapatingin ako sa mga nakatingin. "Hindi kita gusto. At hindi raw ako pwedeng ligawan sabi ng kuya ko."
Just like that... I ran away and left the boy dumbfounded.
Hanggang sa bahay ay tulala ako. Napapatingin ako sa kawalan at napapansin na 'yon ni kuya Levi. Kanina pa niya tinatanong kung ano ang iniisip ko o kung may nangyari ba.
"What do you think about manliligaw, kuya?" I fired a question.
Nakatalikod siya sa akin habang nagsasaing ng kanin. Nasa mesa naman ako at nakatingin lang sa maganda niyang likod. This muscular guy is a gay. Hindi halata!
Natigil siya sa ginagawa at iritado akong nilingon, "sino ang nangahas?"
My lips protruded. Ba't ka iritado d'yan? Naunahan kita?
"Just schoolmate. He said he likes me." I answered, honestly.
"You're too young."
"He's young and I'm old." Sabi ko lang.
"Hindi pa pwede." Sagot niya, bumalik sa ginagawa.
Okay, if you say so.
Love? I'm not interested anyway? I'm still young. Really young. I don't have time for that. I'm keeping myself busy with kuya Levi. I'm finding myself very fond of him... her? Madali akong mairita kapag may lumalapit sa kaniya.
Like pests. Wait until, kuya will show his true form. Tatalbugin kayo!
For now, like I promised, I'm going to protect him from everything, especially girls. Classmate man niya o kahit sino. Walang makakatakas sa akin.
Magkaiba man kami ng school ng kuya, nakakapunta ako sa school niya tuwing may activities like foundation day, intrams, nutrition month at kung anu-ano pa. Today, ang activity nila ay Buwan ng Wika.
Actually, may program din sa aming school ngayon. Since ang class namin ang host sa buwan na 'to, nag-cutting ako. I'm sure hindi na mamamalayan ng teacher namin na wala ako. And also, attendance was checked this morning. They won't notice me. Maiisip lang ng mga kaklase ko na nasa paligid lang ako.
Bago ako pumasok sa gate ng National High School, napahinto ako sa nakakalaway na mangga. Parang nanghahagit. Kaya naman napabili ako at nagpalagay ako ng maraming tuyo at asin, sinamahan pa ng bagoong. Walang ganito sa school namin. It's all craps. Boring at paulit-ulit ang tinda. Buti pa dito sa public school, nakahilera ang mga iba't ibang snacks na mabibili.
Pumasok na ako sa gate nila. Hindi naman ako sinita ng guard, sanay na siya na pumupunta ako rito. Lagi kong sinasabi na walang pasok sa school namin o 'di kaya maaga kaming natapos.
"Mamang guard, saan po ba ang room ng Fourth Year?" Tanong ko.
Last kong punta rito, diretso ako sa covered court para sa Nutrition Month nila. Hindi ko pa napuntahan ang classroom ni kuya.
Naghahanda pa ang lahat pagkadating ko kaya may chance na akong makagala sa classroom ni kuya.
"Doon miss..." turo niya sa fourth floor ng isang building. "Anong section ba? Baka may klase pa sila. Bawal kang pumasok doon."
"Fourth Year - Einstein. Wala na raw silang klase, Mamang guard. Pwede nga raw akong pumunta, e." Sabi ko pa.
Tumango naman ang guard tila naniniwala sa akin.
Masaya akong pumasok sa school ground, sinusundan ko ang sinabi ng guard papunta sa classroom nila kuya. Maraming mga estudyante ang nasa labas ng mga classrooms. Naglalaro, naghahabulan, nagmamanyakan at ang iba ay naghahanda yata para sa patimpalak. Maingay ang paligid. Walang pinagkaiba sa school namin. Mas marami nga lang sila each rooms. I guess 50 to 60. Kami ay 20 to 30 students lang per room.
Pinagtitinginan ako ng mga tao. Naririnig ko pang may sumisipol sa hindi ko matukoy kung saan. I ignored it. Umirap lang ako at patuloy na hinahanap ang classroom ni kuya Levi.
"Private school yata. Iba ang uniform, e."
"Ganda."
"Walang boobs."
"Pero maganda. Mukhang mayaman."
"Sinong pinunta niya rito? Lapitan natin."
Wala akong pakialam. Umakyat ako ng hangdan hanggang sa tamang palapag kung saan tinuro ni manong guard ang floor ng mga Fourth Year students.
They have 10 sections per year level. Einstein... probably a section 1? Matalino si kuya Levi. Gusto niyang maging lawyer pagkatapos mag undergraduate kaya nag-aaral ito ng mabuti. So, section 1, it is.
Tumungo ako sa pinakadulong room ng palapag. I deducted that it is where the section 1 lies. Like kanina, pinagtitinginan ako ng mga tao. Sa hallway palang, parang zombies ang mga estudyanteng nagkakagulo dahil free time. Buwan ng Wika.
Naglakad lang ako hanggang sa nakarating. Nadadaan ko ang mga babaeng nakadamit Kimono at may tugtog pa sa isang classroom na pang Tinikling.
"Miss, saang school ka?" May isang nangahas na lumapit sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya kahit na naiirita ako sa kaloob-looban. "Hindi mo na kailangan malaman. Diyan lang naman sa tabi-tabi." Pabiro kong sagot.
"Ganda mo. Number mo nga." Ngumisi siya na parang natutuwa sa akin.
"Hmm..." nagkunware pa akong dudukot ng phone kahit na hindi ko naman ibibigay ang number ko. "Parang naiwan ko yata sa school. Hindi ko memorize number ko, e. Yung number mo nalang bigay mo sa akin."
"Ayos, a!" Mabilis siyang naghanap ng papel at ballpen. Nanginginig pa ang kamay habang sinusulat ang numero. "Ako nga pala si Vernon. Ito number ko. Sorry sa penmanship ko."
Tumawa ako kahit walang nakakatawa. "Thank you, I'm Blanca Nemesis. I'll text you later kapag nakuha ko na ang phone ko."
"May kakilala ka sa Einstein? Boyfriend?" Halos 'di niya masabi-sabi ang dinugtong niya.
Umiling ako. "My brother, Leviticus Juan Reynolds."
Pumalakpak ito ng isa na parang kilalang-kilala ang hinahanap ko. "Ang ungas... este si Levi? Kuya mo? Kala ko pa naman... tinik no'n sa mga babae."
My brow furrowed with his last statement.
"Matinik sa mga babae?" Ulit ko sa huli niyang sabi.
Tumango siya at tuwang-tuwa. "Tara, ipapakita ko sa 'yo."
Nasa bukana na kami ng pinto ng classroom ng Einstein. Ang ingay sa loob ay halos nakakabingi. Isang traditional na kanta ang pinapatugtog at may nakita akong babae at lalaki na nakacostume, nageensayo ng sayaw sa corner ng classroom. May kaniya-kaniyang ginagawa ang iba gaya ng pag-eensayo ng Sabayang Pagbigkas, ang iba ay nag-aayos, ang mga lalaki ay nagtatawanan at ang mga babae ay nagkukumpulan sa isang mesa. Kung saan nakaupo ang seryoso at tahimik kong kuya Levi.
I found out at this right instant that he's famous with girls.
"See?"
"Bakit sila nandiyan?" Mahina kong tanong, nagpipigil sa sarili.
"E, ano pa? Magpapansin kay Levi. Pinakamatalino sa buong school. Gwapo na, matalino pa. Close kami ng ungas... este ni Levi."
Nagngingitngit na ang paningin ko. These girls are insane! Tumabi nga kayo!
"Levi! May naghahanap sa 'yo, magandang babae." Tawag ni Vernon kay kuya Levi na siyang nagpalingon sa lahat ng nasa loob.
Pati si kuya ay napalingon din.
"Halika, Blanca!" Hinila ako ni Vernon sa loob ng classroom at hinatak patungo kay kuya na ngayon'y nakatayo na para salubungin kami. "Tabi! Tabi! Nandito na ang tunay na reyna sa buhay ni Levi."
Ano ba 'tong pinagsasabi ng lalaking 'to? Pero pwede na rin. Ialis mo ang mga bruhang 'yan, Vernon. Ngayon ko lang napansin na may hitsura pala 'to. Pwede na. May pakinabang ka rin pala.
"Sino ba 'yan, Vernon?"
"Bakit pinapasok 'yan dito?"
"Girlfriend ni Levi?" Bulong ng isang babae.
"Mukhang oo. Reyna daw ni Levi, e."
"Haba ng buhok, ha? Anong shampoo niya?" Tanong ng isa pa.
Tahimik lang ako lumapit. Si kuya Levi naman, hindi ako sure kung inaasahan niya ang pagpunta ko sa classroom nila o ano. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
Seryoso at hindi nakangiti.
"Sit here." Sabi niya sabay lahad sa akin sa inuupuan niya kanina.
"Uy, uy, magsialis kayong mag chismosa." Pagtataboy ni Vernon sa mga kaklaseng nagpapapansin.
"Gwapo ka, Vernon? Kakairita ka!" Singhal ng isang babae.
He make a funny face to the girl. Some were disgusted and left. May ibang titig na titig pa rin sa akin.
"Girlfriend mo, Lev?" Mapangahas na tanong ng isang babae.
Mahaba ang buhok. Maputi. May katangkadan. Also, pretty. Of course, I know how to check on girls.
Kuya smiled and close his eyes, as if assuring the girl that I'm not.
"Then a relative. Sister?"
"Oo, sister niya. Sige na. Ako nalang kausapin mo." Singit ni Vernon.
What was that kuya? What's with the smile? Ba't ka nakangiti ng ganiyan sa babae? Hindi naging maganda ang timpla ng hitsura ko.
"Nagtext ka sana para masundo kita sa labas." He drag a chair from the back and seated beside me.
"Okay lang." Umiwas ako ng tingin at nilibot ng mga mata ang buong classroom. This what public school classrooms look like.
May kasikipan pero halos kasinglaki lang ng amin. Dahil siguro sa dami ng estudyante per room.
Ilang sandali ay tinawag siya ng parehong babae para raw magpractice. He obliged. Umalis siya sa tabi ko at tumungo sa harap. May sinasabi ang babae sa kaniya at tumatango ito na parang nagkakaintindihan sila.
Compare to other girls, may kaiksian ang skirt niya. Some were below their knees. Sa kaniya below, katulad ng sa akin. Now, they're talking exclusively. The others are preparing while they are talking.
Kinagat ko ang labi at pinaglalaruan ang mga daliri.
It must be about their performance, Blanca.
"Blanca!" Tawag ng isang lalaki.
Nahanap ko agad ang boses na galing kay Vernon. Kumindat siya sa akin. Kaya napangiti ako. Papansin din 'tong lalaking 'to.
But he's cute.
Bumalik ang tingin ko sa dalawa. And the girl now is touching kuya's back. Hinahaplos ito ng marahan. Nanlaki ang mga mata ko at gusto nang manugod.
"Jusko! Kayong dalawa bilisan n'yo. Naiinip na si Blanca." Si Vernon.
Then, someone whistle as if teasing them.
"Aysus!"
"Ligawan mo na!"
Calm down, B. Inhale, exhale. I'm making a fist...
Nagtigil ang dalawa. Tumatawa ang babae at naghiwalay ang dalawa papunta sa kaniya-kaniyang posisyon.
The music started.
Buong sayaw at pananatili ko sa silid na ito, masama ang tingin ko sa babae at kay kuya. Papalit-palit!
"Let's go. Ihahanap kita ng magandang upuan para makita mo ang performance namin."
"Who's that girl? Why are they teasing you with her?" Kuryuso kong tanong.
"Kaklase." Tipid niyang sagot.
What? Gano'n lang? Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya 'yon napansin o inignora niya lang.
May tinatago ka sa akin, kuya. Don't tell me? Posible ba 'yon? Gay at the same time. No! Blanca. Don't conclude immediately. Alam kong lihim ang katauhan niya pero may hindi tama sa naiisip ko ngayon. I shouldn't. Kalma ka lang, Blanca.
Tahimik nalang akong sumunod sa kaniya.
Naihanap niya ako ng magandang spot na uupuan. Malapit lang sa stage. Kahit na marami ng mga bisita, nakakita pa rin kami ng maganda uupuan. He said he will perform with his classmates. Dala ko ang aking digicam kaya kukunan ko siya ng marami. Talagang inovernight ko ang pagcharge ng battery para full charge siya ngayon. Naeexcite tuloy ako, well... at very least.
Kuya Levi didn't leave until the program started. Nasa tabi ko lang siya at sa buong oras na 'yon, busangot ako. Pinagtitinginan siya ng mga babae. Bisita man o estudyante sa paaralang ito. Center of attraction, huh? Sanay na dapat ako, e. Kahit sa school ko nga gano'n. Hindi ko alam pero sumisikip ang dibdib ko. Kahit anong ignore ko, nararamdaman ko.
Maingay na ang gym. Nagsimula nang bumati ang mga tagapagsalita at nagpi-perform na ang 1st year. Nararamdaman kong aabutin kami ng gabi sa sobrang dami ng sections from 1st year to 4th year. I hope I won't get bored. Si kuya Levi lang ang pinunta ko dito. Tatagal kaya ako? Study shows that a normal human being can be or will be only entertained for 30 minutes. The rest is respect. Paano nakakatagal ang tao sa 1 oras hanggang lima? Respeto.
10 minutes passed, I want to go home. Pumapalakpak ang mga tao sa paligid ko pero ako, antok na antok na. I'm suddenly hungry.
"Excuse me po." Sabi ko sa katabing mommy.
Masaya siyang kumukuha ng litrato sa tabi ko. Mukhang anak niya ang isa sa sumasayaw sa stage. Natigil siya at maligayang tumingin sa akin.
"Pwede po bang pakibantay? Babalik po ako." Magalang kong sabi.
"O, sige." Bumalik siya sa pakukuha ng picture at tumayo ako.
Nilagay niya ang bag niyang kandong kanina sa upuan ko. That will only mean, reserved ang upuan. Ngumiti ako sa umalis sa gym. Gusto ko ng pancake, bananacue, at buko juice na sobrang lamig.
Patungo ako sa gate ng school. Marami pa ring tao at minsana'y nababangga ako. I didn't mind. Lumabas ako ng gate at tumungo agad sa nagbibenta ng pancake. Sobrang sarap ng luto niya. 2 piso lang din ang isa. Solb na solb na ako sa limang piraso.
"Lima po." Sabi ko sa manang nang makasingit.
"10 pesos, hija." Multitask si manang, nagluluto habang tumatanggap ng pera.
In my school, I call it dirty. Touching and receiving money while handling food. Unsafe food handling. I will probably call the attention of the principal. But, hello, ilang beses ko nang nasubukan ito, ni minsan hindi sumakit ang tiyan ko o anuman. Tsaka, sobrang sarap!
Pagkatanggap ko sa supot na may pancake ay umalis na ako sa crowd. Lumilinga ako sa stall ng banana cue, turon, at mga tag pi-pisong chichirya. Nahanap ko agad dahil sa bango. Dinala ko agad ang mga paa doon.
"Ako na ang magbabayad, Lev." Mahinhin na utas ng babae.
Nasa harap ako ng isang lalaking kasing tangkad ni kuya Levi. Katabi nito ang isang babaeng kanina ko pa lang nakita pero hindi ko makakalimutan ang mukha.
She calls him Lev.
"No. It's for my sister." Sagot ng lalaki sa harap ko.
"Ah, so kapatid mo pala talaga 'yong kanina. Hindi halata, e. Pero cute siya." She chuckled softly.
Ang akala ko'y naghahandang magperform, nandito lang pala sa labas ng school premises at naglalandian, I mean, nilalandi ng babaeng ito.
"Dalawang banana cue, manang. Ikaw, Gretch. Gusto mo?"
Gretch? As in Gretchen Feisty, I forgot the last name? Last year ko pa nakita ang pangalang 'yan pero kahit kailan 'di na nabura sa isip ko. At least my memory is as sharp.
So, this pretty girl is that girl? Classmate pa rin sila hanggang ngayon?
"Hindi na. Sumama lang ako para ilibre ka." Pagtanggi niya.
So, you frequently 'libre' my kuya Levi. Girl, binibigyan siya ng mommy ko ng allowance. Sapat sa pang araw-araw, do you think kailangan niya ng libre mo? Umuusok ang ilong habang nakatayo lang sa likuran nila.
How dare you flirt with my kuya?! BAKLA SIYA! BAKLA! GUSTO NIYA NG BOYS! DO YOU HEAR ME?!
Imbis na bibili pa ako ay nawalan na ako ng gana. Pumunta nalang ako sa nagtitinda ng buko juice at bumili. Then, I went back inside. Ayaw ko nang bumalik sa gym. Aside sa maiingayan lang ako, hindi na matanggal-tanggal sa isip ko ang usapan nilang dalawa.
As if they've talked something bad. Ewan ko, bumabagabag sa akin.
Dalawang oras akong nakaupo sa malayong parte ng gym. May upuan malapit sa handwashing area. Nakikita ko pa rin kung ano ang nangyayari sa loob ng gym dahil open area naman ito.
Sana 20 pancakes ang binili ko. Nakulangan ako sa lima. Maging sa buko juice ay naubos ko agad. Uhaw na uhaw ako sa matinding pagkairita. Dumidilim na, mukhang gagabihin pa talaga ang patimpalak. Umuuwi na ang iba dahil tapos na yata ang mga pinunta nila rito. Kaya napagdesisyunan ko na pagkatapos ng sayaw nila kuya Levi ay aalis na ako. I don't wanna go without seeing it. I told him I will take pictures.
Wala na ako sa mood. Pagkatapos ng performance nila ay handa na akong umalis. Nakita ko si Vernon na dumaan, napansin niya rin ako agad.
"Uy, kanina ka pa hinahanap ng kuya mo." Simula niya.
"Ah, gano'n ba?" Pinilit kong kumalma.
"Nanood ka sa sayaw namin? Buti nalang at ginalingan ko. Muntik na akong malungkot sa kakaisip na baka umalis ka na."
"Actually, uuwi na ako." Ngumiti ako at naglakad na. "Sige, bye..."
Mabilis akong nakalabas ng gate. Kasabay ng mga magulang, kaibigan, at mga estudyanteng tapos na magperform, naglalakad ako para maghanap ng taxi o jeep na masasakyan.
Nanininikip ang dibdib ko. Hindi ko alam pero hindi ko gusto 'tong nangyayari sa akin ngayon. I'm 100 percent sure that girl won't score with my kuya Levi. I'm so sure about that. She won't stand a chance.
But...
Kinakagat ko ang labi habang naglalakad. Papatak pa yata ang luha ko. Ano ba? Para kang timang, Blanca!
"Blanca!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko sa malayo. Hindi malinaw pero parang pangalan ko na ang tinatawag.
Sino? Kuya won't able to find me. Pagkatapos nilang magperform, paniguradong maghihintay pa sila hanggang matapos ang program.
"Blanca!" Ulit ng parehong layo na boses.
Hinanap ng tainga ko kung saan 'yon nanggagaling. Nang mahanap nga ito, sa isang tumatakbong lalaki nanggagaling ito.
"Kuya..." I softly called his name.
"Wait, diyan ka lang." Mabilis itong tumakbo hanggang sa nakarating sa harap ko.
Hinihingal siya. Pawis na pawis. Suot pa niya ang costume niya. Para siyang sinaunang tao. Puno ng pag-aalala ang mukha niya kasabay ang pagod at paghingal.
"Where... have you... been? Kanina... pa... kita..." he saved his air and tried to breathe. Hindi siya nagsalita hanggang sa naging maayos na siya. "Kanina pa kita hinahanap. Nawala ka sa kinauupuan mo. Sabi ng katabi mo, babalik ka raw."
Hindi ako sumagot.
My breathing is rising and falling. Konting-konti nalang at mahuhulog na ang mga luha. You are so pathetic, Blanca. Bakit ang babaw yata ng problema mo? Bakit ka iiyak sa gano'n kababaw na bagay? It's just a waste of tears.
But...
"Are... you... really..." I trailed off.
Nanlaki ang mga mata ni kuya pero kalauna'y kumunot ang noo niya.
Yes, it's going to be same ridiculous question.
"Gay?" Dugtong niya. "What is this all about now?"
Mukha siyang nairita sa paulit-ulit kong tanong.
I know. I'm just... so hurt and I don't know why I feel so... urgh. I can't even decipher. Hindi ko rin alam!
"I saw you. And... that Gretchen. She calls you, Lev. And you... call her Gretch. You seem to be really close."
"Kaklase ko lang siya." Mariin niyang sagot.
Tumango ako. Magkaklase lang sila. Bakit parang may gusto pa akong marinig? Mapapawi ba ang pagkainis ko kung may sasabihin pa siya? I'm such a kid. I'm being clingy. Ayaw kong maging gano'n.
Paano ako magmamature kung ganito ako?
Tumalikod nalang ako at naglakad ulit. Sa hindi malamang dahilan, nagsihulog ang luha ko. You're such a weak kid, Blanca. Bakit ka iiyak? Sinaktan ka ba? Nasaktan ka ba? Bakit? You are one weak kid.
Masyado na yata akong clingy kay kuya Levi. Eventually, magbo-boyfriend siya ng patago. Kailangan mong matuto. Sa babae pa nga lang ganito ka na, how much more to a guy he will eventually like? Masasakal mo siya...
"Bakit? May problema ba tayo?" He grabbed my shoulder.
Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Sumasakit ang dibdib ko. I'm not okay but we don't have a problem. Wala kang kailangang ipaliwanag sa akin, kuya. Ako lang 'tong buang dito. Umiiyak na parang timang.
Napatigil ako sa paglalakad.
"Hey..." malambing niyang sabi.
No! Pero ang init ng kamay niya. It's giving me warm. I turned slightly. He's almost blurry to me because of my tears. Bakit ba ako umiiyak? Wala naman silang ginagawa, a. Nakahawak lang si kuya sa kaniya. Tsaka alam mong hinding-hindi niya magugustuhan, Blanca.
"W-wala."
"Umiiyak ka. Anong wala?" Mariin niyang sabi.
Kitang kita ang kuryusidad niya at pag-aalala sa pag-iyak ko.
"Wala nga..." pinipilit kong umiiwas ng tingin pero pinigilan niya. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Mas lalo akong hindi makahinga sa haplos niya.
"Blanca. She's just a classmate. At sa tingin mo, papatol ako sa kaniya?" Ngumisi siya.
Nabigla ako sa huli niyang sinabi. THAT'S WHAT I WANTED TO HEAR WHEN I ASKED YOU THIS AFTERNOON. You gave me a short but loophole answer. It bothered me the whole time. My breathing hitched. Gusto kong sumigaw pero wala na. Nakuha ko na ang tamang sagot sa lahat ng tinanong ko buong maghapon.
Parang gripong pinatay, tumigil ang luha ko. Nagkatitigan kami ni kuya. Lumalaki ang ngiti niya. May makahulugan ang tingin na sadyang nagpatigil sa mundo sa akin. Gwapo talaga siya. That's the common word to describe a handsome boy. Walang babaeng hindi mahuhulog sa kaniya. Alam kong wala dapat akong ipangamba dahil alam ko naman ang totoong katauhan niya pero hindi ko alam kung bakit ganito ako magbreakdown.
Umiling ako para sumagot sa tanong niya.
"You silly but good girl." He pat my head and smile. Pagkatapos ay pinaalis ang mga matutuyo kong luha. "Let's go home, baby."