Nang matapos ang shift namin ni Angie ay hindi na ako sumabay sa kaniya. Magkikita kasi kami ngayon ng best friend kong si Yeoj. Bihira lang din kaming mag-bonding nito, kaya naman sa tuwing maglalambing siya sa akin, pinagbibigyan ko na. Ang sabi niya sa akin sa Dreame Retro Bar daw kami magkita dito sa Morato, kaya mabilis ko lang natunton iyon. Napangiti pa ako nang makita ko ang bar na tinutukoy ni Yeoj. Hindi naman pala mahirap hanapin iyon dahil ito lang yata ang bar na nakita kong purple and white ang kulay. Sa labas ay may malawak itong parking space na ngayon ay halos mapuno na ng mga sasakyan. In fairness, Ala-singko pa lang ng hapon ha?
Pagpasok ko sa loob ng bar ay agad kong iniikot ang aking paningin upang hanapin si Yeoj. Malaki at hindi crowded tingnan ang loob ng bar, sa bandang harapan ay may stage na may mga naka-set-up na musical instruments, tapos sa magkabilang gilid ay may bar counter kung saan ginagawa ang mga drinks. Tapos bongga! May mga VIP rooms pa sa sila sa taas. Mayaman siguro ang may-ari nito. Inilibot kong muli ang aking paningin upang hanapin ang best friend ko, agad ko naman siyang nakita nang itaas nito ang isang kamay para kawayan ako. Ngumiti naman ako saka mabilis na tinungo ang kinaroroonan nito.
“Best!” ngiting-ngiti kong bati sa kanya, nang makalapit ako sa mesang inuukopahan nito.
“Best, kumusta?” ganting bati naman niya sa akin.
Bumeso siya sa akin saka inalalayan akong maupo. Halatang masaya ito at nagniningning pa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay bago magsalita, “Anong meron, at bigla kang nagyayang tumambay?” usisa ko sa kaniya saka ko inilapag ang aking bag sa bakanteng upuan na nasa pagitan namin.
“May ipapakilala kasi ako sa iyo eh.” Parang teenager itong kinikilig, habang sinasabi iyon sa akin.
Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. Ngani-nganing batuhin ko siya nang hawak kong baso. Parang sira ulo lang talaga, parang high schooler!
“Sino naman iyan? ‘Wag mong sabihing bago mong jowa sasapakin na kita,” nakangising sabi ko sa kanya sabay amba ng kamao ko sa kanya.
Ito kasi iyon mga pips, nakailang pakilala na ng babae iyang si Yeoj sa akin. At lahat nang ipinakilala niya sa akin, ay sinabi niyang mahal niya at seryoso siya mga ito. Pero ang ending, palagi siyang iniiwan. So gets niyo na kung bakit ko siya sasapakin, kapag nagpakilala siya ng bagong jowa? Iyon ang dahilan ko. Ako rin kasi ang nahihirapan sa tuwing magpapakilala siya sa akin ng chickababes eh. Kapag iniiwan siya, ako ang taga salo niya ng sama ng loob. Okay lang kung sama lang ng loob lang as in— luha at mura. Kaso pati sama ng loob ng sikmura sa akin din ibinubunton mga besh!
“Hindi best, promise siya na talaga. Totoong-totoo na ito! Siya na ang babaeng ihaharap ko sa dambana.” Ang lapad nang pagkakangiti niya mga besh! Ang sarap iuntog sa lamesa.
“Ay sus! Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan eh. Mga sampung beses na yata best,” napapailing kong sabi sa kaniya. Kumuha ako ng chips sa plato, sabay subo niyon sa bibig ko.
“Uyyy, grabe ka sa akin best ha! Hindi naman sampu iyon ‘no— mga nine lang!” At talagang tumawa pa siya sa kalokohan niya. Binato ko naman siya ng chips na kinakain ko saka inirapan.
“Mukha mo blue! ‘Wag kang iiyak-iyak na naman sa akin kapag iniwan ka niyan ha? Asan na ba siya? Dali nang makilatis ko na,” tanong ko pa sa kaniya habang iginagala ang aking paningin sa loob ng bar.
“Wait lang, atat lang best? Sabi niya kanina, ay on the way na raw siya eh.” Nagpalinga-linga pa ito bago yumuko sa cellphone nito para mag-text.
“Ayun, napaka walang kwenta mo talagang maging jowa. Hindi mo man lang sinundo? Kakaloka ka!” Itinirik ko pa ang aking mga mata sabay tampal sa aking noo.
“Eh sa excited akong ipamalita sa iyo ‘yung tungkol sa amin eh. ‘Wag mo na nga akong sermonan best,” nakanguso pang sabi niya sa akin, habang nagkakamot ng kaniyang ulo.
Natawa naman ako sa kanya, dahil para siyang batang napagalitan ng nanay. Binato ko siyang muli ng chips, saka winisikan ng malamig na tubig na galing sa lagayan ng yelo. Gumanti naman ang loko, kaya pareho kaming humahalakhak nang may lumapit na babae sa lamesa namin. Agad namang tumayo Yeoj at nagpunas ng kamay. Hinalikan pa niya ang babae sa pisngi nito na halatang pilit ang pagkakangiti sa amin.
‘Oh wowwwrrr! Eh ‘di kayo na ang sweet,’ bulong ko naman sa sarili ko.
“Best, si Rhea girlfriend ko. Rhea, si MJ bestfriend ko,” pagpapakilala niya sa amin.
In fairness naman kay Yeoj, magaling pumili ng jo-jowain. May katangkaran ang babae na tantiya ko ay nasa 5’7 ang height. Mukha tuloy akong anak nila, dahil sa cute kong height na 5’3. Mukhang sopistikada ang babae, at sexy mga besh! May kaputian, at maliit ang mukha niya. In fairness talaga sa BFF ko magaling pumili.
Nginitian ko ang bagong dating na babae, at iniabot ang kamay ko upang makipag-kamay. Napatingin siya sa akin, at sa kamay kong nakalahad sa kanyang harapan. Saglit na parang nag-alangan pa itong abutin ang kamay ko. Kaya babawiin ko na sana iyon, nang mabilis niyang hinawakan iyon, at mabilis ding binitiwan. Teka bakit parang nandidiri siyang makipagkamay sa akin? Oh well ba’la siya riyan, basta ako kakain na lang.
“Hon, bakit naman dito tayo nagpunta? I mean, masyadong maingay sa ganitong klase ng lugar. Puwede namang sa medyo tahimik para hindi tayo magsisigawan.” Napataas ang isang kilay ko, nang maarteng magsalita ang babae.
“Hon, okay rito. May live band mamaya, for sure ma-e-enjoy mo rin rito, promise,” sabi naman ng kaibigan kong aligaga.
“Oo nga Rhea, maupo ka na para makapag-order ka na rin ng pagkain mo,” gatong ko naman sa sinabi ni Yeoj saka pilit na pinaganda ang ngiti ko sa kanya.
Alanganin pang maupo si Rhea, pero sa huli umupo pa rin siya sa tabi ni Yeoj. Physically, panalo si Yeoj sa babae. Pero attitude wise? Hmmm, mukhang sablay. Feeling ko may attitude problem ito base sa ipinakita niya sa akin kanina. Saka ang arte niya, hindi naman kaya maingay sa bar! Chill na chill nga ang mga tao eh. Hmmm, tataningan ko na lang ulit, three months. After that tatawagan ako ng kulugo kong best friend para ngumawa. Pustahan pa tayo!
“Hon, anong gusto mong kainin?” tanong ni Yeoj kay Rhea, nang makaupo na ito sa tabi niya.
“Do they have salads here? Diet kasi ako eh,” maarteng tanong naman nito kay Yeoj.
‘Oh, eh ‘di wowrrr! Ikaw na ang diet, hindi naman uso sa amin ni Yeoj iyon eh,’ bulong ko sa aking sarili. In fairness naman sa BFF ko, attentive masyado. Agad niyang tinawag ang waiter at nag-order ng salad. Luckily, may salad nga sa bar na ito.
“Best, ikaw? Anong kakainin mo?” tanong sa akin ni Yeoj matapos um-order ng pagkain ang jowa niya.
“Hmmm, buffalo chicken wings. Iyong super spicy saka sisig with two extra rice,” nakangisi ko namang sagot kay Yeoj.
“Kaya mong ubusin iyon?” namimilog ang matang tanong ni Rhea sa akin. Bumaling ako sa kanya saka nginitian ito ng ubod ng tamis.
“Oo naman! Si MJ pa? Naku Hon, kung alam mo lang kung gaano kalakas kumain iyan.” Nagbungisngisan pa kami ni Yeoj matapos niyang sabihin iyon kay Rhea.
“No wonder,” narinig ko namang bulong ni Rhea.
‘Ah! Na-hurt ako sa no wonder niya ha! Antipatikang babae!’ kausap ko sa aking sarili.
“Ahhh oo naman, no wonder malusog ako,” nang-aasar na ngisi pa ang ibinigay ko sa kanya.
Natahimik naman na ito sa tabi ni Yeoj matapos ko siyang sagutin ng ganoon. Sanay naman na ako sa mga nagiging jowa ng BFF ko— may mga attitude problem talaga sila. Gaya nga nang sabi ko kanina, wala nang nagawa ang kawawang jowa ni Yeoj. Kahit halatang-halata na ayaw niya rito sa bar, hindi na rin ito makapag-reklamo pa. Nag-eenjoy naman na rin kasi kami ni Yeoj. Saka dapat naman matutuhan din nitong gustuhin ang mga bagay na nagugustuhan ng jowa niya. Sabi nga; in a realationship, it must be a give and take. Hindi naman puwedeng siya lang ang palaging masusunod sa kanila ni Yeoj. Duh!
Nang matapos kaming kumain, isang oras pa kaming nanatili roon, bago nagdesisyong umuwi. Siyempre wala na namang choice si ate girl. Sa ayaw at ayaw niya, isinabay ako ni Yeoj sa sasakyan nito. Halatang-halata ang pagka-disappoint ni Rhea, nang malamang isasabay ako ni Yeoj pauwi. Keber naman ako ‘no! Buong biyahe tuloy ay nakabusangot siya. Habang ako ay feel na feel, ang pagkakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan ni Yeoj. Hehehe!