Chapter 4

1564 Words
Araw nang Sabado, at ito na nga ang unang araw ko sa BSC Greenhills. Masaya akong naglakad papuntang coffee shop mula sa babaan ng bus. Excited na ako sa mga bagong makakasama ko roon. Nang nasa labas na ako ng BSC ay agad akong napangiti. Parang ang ganda ng vibes ng store na ito sa akin. Well, halos pareho lang naman ito ng itsura sa BSC Morato, pero mas magaan ang pakiramdam ko diro kaisa sa nauna kong store. Ewan ko kung bakit, pero iyon ang nafe-feel ko! Pagpasok ko sa employees entrance ng shop ay agad kong nakita si Juliet sa mini dining ng mga staff. Kasama ko rin siya sa Tomas Morato branch noon, nauna lang itong nalipat sa akin. “Bakla! Dito ka na rin?” namimilog pa ang mga matang tanong nito sa akin nang makita niya akong nakatayo sa pintuan ng entrance. Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. “Hindi, namamasyal lang ako. Actually, binisita nga lang kita eh. Sige ha vye!” tatawa-tawa kong sagot sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa akin saka niya ako kinurot sa aking tagiliran. “Eeeiii!!! Baliw ka talaga!” sabi pa niya sa akin at pinanggigilan pa ang aking pisngi. “Aray! Mapanakit ka Julieta ha!” reklamo ko naman sa kanya, habang hinihimas ang nasaktan kong pisngi. “Sarry, na-miss lang talaga kasi kita,” sabay yakap pa niya sa akin. “Oo na, oo na! Pagbihisin mo na muna kaya ako at baka ma-late pa ako,” wika ko sabay tapik sa kaniyang kamay na nakapulupot sa aking bewang. Agad naman niya akong pinakawalan at saka bahagyang itinulak papasok sa locker. Pang-gabi kasi ako ngayon at medyo napaaga lang ng dating. Nagbihis na ako bago bumalik sa mini dining ng mga staff, dito na lang ako tatambay habang naghihintay ng oras. Busy na rin si Juliet sa pagbubutingting ng cellphone nito, kaya hindi ko na siya inabala pa. Maya-maya pa ay nagdatingan na ang iba naming mga kasamahan. Naging parang palengke na sa loob ng locker room sa sobrang ingay at tawanan. “Bakla halika na! Mauna na tayong mag-in at paniguradong mapupuno sa labas ng office ni Ms. A mamaya.” Yaya sa akin ni Juliet matapos itong makapag-ayos ng sarili. Agad naman akong sumunod sa kaniya dahil mukhang tama nga ito. Dalawa lang kami sa kusina, dahil nag-uwian na rin ang mga pang-umaga. Okay naman ang naging takbo ng duty namin. Madaming guests kasi Sabado. Matapos ang duty namin, sabay-sabay na kaming nag-uwian. Isang sakay lang ako mula sa shop. Kaya naman ginusto ko na rin ang magpalipat ng branch. Nasa tapat na ako ng bahay namin, nang tumunog ang cellphone ko. Agad-agad ko iyong inilabas, at tinignan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako nang makitang si Yeoj iyon. “Oh ano na? Break na kayo ng jowa mo?” agad kong bungad kay Yeoj, habang binubuksan ang pintuan ng bahay. Iniipit ko ang cellphone ko sa kaliwang tainga ko saka muling isinara ang pintuan ng bahay. Naglakad ako patungong kusina para uminom ng tubig habang hawak ko pa rin sa tainga ko ang aking cellphone. Hinihintay kong sumagot si Yeoj, pero tanging halinghing lang ang naririnig ko sa background. Nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ko ang pag-ungol ng isang babae. ‘Hala! Nakikipag-chuckchakan ba si Yeoj?’ natutop ko pa ang aking bibig saka agad-agad na pinutol ang tawag. Malamang sa malamang napindot lang nito ang cellphone niya. Muli akong nagsalin ng tubig sa baso at dire-diretsong nilagok iyon. Feeling ko nag-iinit ang pakiramdam ko. Bakit ba naman kasi may ganurn? Hayyy naku Yeoj buwiset ka! Nang kumalma na ang pakiramdam ko agad na akong nagtungo sa aking kwarto at nagpahinga. Saka na lang kami magtutuos ni Yeoj about dito dahil sure ako na sa mga oras na ito, naglalakbay na sa langit ang buwiset kong BFF! Mabilis lumipas ang mga araw, mag-iisang lingo na ako sa BSC Greenhills. May mga bagong kaibigan na rin naman ako roon, nandiyan sina Thummy, Shen at Janice. ‘Yun nga lang hindi kami nagkakasabay-sabay ng shift. Madalas na sila Thummy at Janice ang magkasabay, at si Shen naman ay saliwa ng schedule ko. Pero carry lang nagpapang-abot naman kami sa mga shift namin. Pang-gabi ulit ako kaya naman walang kamada-madali sa kilos ko. Pagpasok ko sa loob BSC, nakita kong may bago kaming kasama sa kusina. Nasilip ko lang siya mula sa employees entrance kaya mamaya ko na lang ito chichikahin. Nagbihis muna amo saka nag-ayos ng aking sarili saka nagpunta sa bundy clock. “Bakla! May bago tayong kasama ha. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Babush!” bumeso pa sa akin si Juliet, bago ako mag-punch in. Opening kasi ang loka. “Okay sige. Babush. Ingat sila sa iyo!” pahabol ko na lang na sabi sa kanya nang makaalis na ito sa aking tabi. “Hello po. Bago ka rito?” bati ko sa bago naming ka-trabaho. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Ako pala si MJ,” inilahad ko pa ang kamay ko para makipagkilala sa kaniya. Mukha naman siyang mabait iyon nga lang tahimik siya. “Ayen,” sagot niya sa akin, sabay abot sa kamay ko. “Huwag kang mahihiya sa akin ha? Bago lang din naman ako rito mga two months pa lang,” nakangiti kong saad sa kaniya. “Okay. Salamat!” tanging naisagot niya sa akin. ‘Mahiyain yata itong kasama ko ah. Sabagay bago pa kasi eh. Mamaya chickahin ko siya kapag hindi naging busy,’ sabi ko na lang sa sarili ko. Saglit ko siyang iniwan upang magbasa ng love letter ni Juliet para sa akin. Nang matapos akong magbasa ng love letter ay saka ako nag-umpisang maggayat ng mga back ups ko para mamaya. Paisa-isa lang naman ang dating ng order kaya cool na cool lang kami sa pagkilos. Maya-maya’y nag-umpisa na akong dumaldal kay Ayen. Napakatahimik kasi at tanging tunog ng exhaust fan lang ang naririnig ko, kaya gusto ko siyang chikahin. “Saang company ka galing dati? Ako kasi sa Risky Bar, sa Mandaluyong. Nalugi kaya ayun nagsara,” kuwento ko sa kaniya habang tinutulungan niya ako sa preparation ko ng gamit ko para mamaya. Mag-isa lang kasi ako tonight dahil off ni Shen. “Ah sa Hotel ako nag-wo-work dati. Sa kitchen din ako naka-assign, mababa ang pasahod kasi under agency kaya umalis ako,” nakangiti naman niyang sagot sa akin. “Wow, astig huh!” namamanghang turan ko naman sa kaniya. “Eh boyfriend meron ka?” usisa ko ulit sa kanya. “Wala akong boyfriend. Wala pang magkamali eh,” mabilis niyang tugon sa akin sabay tawa nang mahina. “Hihihi, same, same tayo riyan. Hanggang date-date lang ako ganurn,” humahagikhik ko pang saad sa kanya. Sort of tama naman iyong sinabi ko na date-date lang ako. Minsan nga flirt-flirt pa eh. Depende sa mood, ehehehe. Ewan ko ba, may mga naging boyfriends naman ako. Naks dami ‘no? Boyfriends eh, ganda! Ahahaha. Pero hindi mga nagtatagal ewan ko ba kung ako ba ang problema o sila? “Hindi pa dumadating ang taong para sa atin. Baka na-traffic sila,” biro pa niya sa akin. “Ahahaha, baka napa-tsismis sa kanto at nadagit na ng iba!” Sabay pa kaming nagkatawanan sa biro kong iyon. “Yaan mo na darating din naman sila. Malay mo nandiyan na pala, hindi lang natin nare-realize,” nakangiting saad pa niya sa akin. Napa-isip naman ako bigla sa sinabi niyang iyon. Hindi nga kaya may point siya roon? Pero sino naman? Si Yeoj? Sus, eh may jowa na nga ‘yung BFF kong iyon eh. Pero hindi ko naman itatangging nagkagusto rin ako kay Yeoj noon. Paano namang hindi, sweet siya sa akin at palagi rin niya akong inuuna kapag kailangan ko siya. Uyyy, kailangan ko siya bilang kaibigan ha? ‘Wag madumi ang utak my friend! Pero kalaunan inisip ko na lang na natural na sa amin ang mag-alala para sa isa’t isa. Kaya kinalimutan ko na lang ‘yong nararamdaman kong iyon para sa kanya. Napahinga pa ako nang malalim matapos kong maisip iyong nararamdaman ko para kay Yeoj noon. Agad kong iwinaksi iyon sa aking isipan at nagpatuloy na lang sa aming pagtatrabaho. Naging matiwasay naman ang shift namin, hanggang sa sumapit ang uwian ni Ayen. Mag-isa na naman ako ngayon. Mabuti na lang at ka-shift ko si kuya Raf. Kahit papaano may makaka-kwentuhan ako habang naglilinis sa kusina. “MJ mauuna na ako sa iyo ha. Thank you! See you tomorrow,” paalam pa ni Ayen sa akin bago siya mag-punch out. “Sige friend. Mag-iingat ka sa pag-uwi. See you!” Kumaway pa ako sa kanya bilang pamamaalam dito. Natapos naman nang maayos ang shift ko. Naging busy pero carry boom, boom lang. Madadali naman ang mga orders, saka tinulungan naman ako nila Thummy sa pag-gagarnish. Actually ang nangyari, luto ko, garnish ng mga waitress namin na may-ari ng orders ehehehe. Pagod pero masaya ang naging araw ko ngayon. Gaya ng naka-sanayan namin, sabay-sabay kaming naglakad patungong sakayan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Bukas ay off ko kaya naman matutulog ako ng bongga! Iyon ay kung hindi ako bulabugin ng hinayupak kong best friend. Magaling kasi tumayming ng panggugulo ang kumag na iyon eh, palibasa alam nito ang schedule ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD