Chapter 5

2185 Words

Kinabukasan alas otso pa lang nang umaga ay may asungot nang nambubulabog sa akin. Sinasabi ko na nga ba’t manggugulo na naman ang kumag kong best friend. Heto nga at dinadaganan pa ako para magising lang ako mula sa aking mahimbing sanang pagkakatulog. Sa buwiset ko itinulak ko siya dahilan para mahulog siya sa sahig. “Aray ko naman Maryjo!” Kakamot-kamot pa ito ng ulo habang nagre-reklamong nakasalampak sa sahig ng aking kuwarto. Hindi ko naman siya pinansin at inayos ko lang ang kumot ko, saka niyakap ang isang unan at akmang itutuloy ang tulog ko, nang hilahin niya ang kumot na bumabalot sa akin. Hindi pa siya nakuntento at puwersahan akong hinila patayo. Dahil malaki siyang mama, madali lang niya akong naibangon mula sa aking kama. “Yeoj, kung wala kang magawang matino sa buhay m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD