Mabilis lumipas ang tatlong buwan. Medyo iniwasan ko muna si Yeoj nitong mga nakalipas na buwan. Gusto ko kasing kalimutan ‘yong nararamdaman ko for him eh. Saka isa pa masaya na sila ni Camille. Kamakailan lang ay nagpaplano nang mag-propose si Yeoj kay Camille. Hiningi pa niya ang opinion ko. Ang sakit mga besh! Pero anong magagawa ko ‘di ba? Best friend niya lang ako, and I made a big kagagahan, of falling in love with my best friend! Charot! “MJ, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Janice. Nasa pantry ako at nakatunganga lang, habang nakasandal sa counter. Hupa na ang kaguluhan sa kusina ng mga oras na iyon. Kaya naman malaya na naman akong nakakapag-isip ng tungkol sa BFF kong si Yeoj. Nilingon ko si Janice saka matamlay na ngumiti. “Hayyy friend hindi ako okay!” Pag-amin ko sa ka