“Handa ka na ba best?” nakakalokong tanong ni Yeoj, nang makasakay na ako sa kaniyang sasakyan. “Kapag sinabi ko bang hindi pa, anong mangyayari?” balik tanong ko naman sa kaniya, habang inaayos ko ang seat belt ko. Nilingon ko pa siya pagkatapos upang alamin ang kaniyang isasagot. “Wala,” mabilis niyang tugon sa akin. “Kasi hindi na puwedeng i-cancel,” nakangisi pa niyang dugtong sa sinabi niya kanina sabay kindat pa niya sa akin. Sira-ulo ‘di ba? Magtatanong tapos wala ka naman pala talagang choice! Pero, mukhang tama nga ako ng hinala. In love nga ang best friend ko, walang duda. Paano ko nasabi? Ayan oh, masayang-masaya siya at nagniningning pa ang mga mata niya na halos maghugis puso pa ang mga iyon. Ang bango-bango rin niya at parang ipinaligo pa yata niya ang pabango sa buong ka