Nagising akong nananakit ang buong katawan at ulo ko. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil parang binibiyak iyon sa sobrang sakit. Lintik kasing alak iyon eh, lakas ng tama! Kaya ngayon lakas din ng amats ko! Tatayo na sana ako nang biglang may gumalaw sa tabi ko. Kinabahan ako at biglang napamulat ang aking mga mata. Dahan-dahan akong napalingon sa aking tabi, at nanlaki ang aking mga mata nang makitang may lalakeng nakayakap sa aking baywang. ‘s**t! Sino ‘to? Bakit siya nakahubad?’ natatarantang tanong ko sa aking sarili. ‘Hmmm, in fairness ang ganda ng tanawin. Ang kinis ng puwet mare!’ anang isang bahagi ng utak ko. Marahas naman akong napailing dahil sa naisip kong iyon, na dahilan upang lalo akong mahilo. ‘Huhuhu, ang sakit ng ulo ko! Teka, sino ba ito?’ muli kong tanong sa aki