Kinabukasan, maaga akong nagising at naggayak sa pagpasok. Antok na antok pa rin ako ngayon. Paano ba namang hindi? Ang magaling kong best friend ay tumambay pa hanggang alas-onse ng gabi rito sa bahay. Hindi na naawa sa akin. Pero on the other hand, okay rin naman, kasi nakasama ko pa siya nang matal-tagal. Na-miss ko rin naman siya eh. Kulang na nga lang dito na siya matulog kagabi. Ipinagtulakan ko lang pauwi, baka kasi magahasa ko siya ng ‘di oras eh. Char! “Good morning best!” Nagulat pa ako, nang makita ko siyang prenteng nakaupo sa sofa ng aming sala. ‘Why so fresh naman Yeoj?’ tanong ko sa aking sarili. Bigla ang pagbilis ng t***k ng aking puso. “Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?” lakas loob na tanong ko na lang sa kaniya para balewalain ang malakas na pagkabog ng aking d