Ni hindi sumagi sa isip ko na isang araw mangyayari ito... na may darating na isang lalaking magaalis sa akin sa kinalalagyan ko. Naalala ko noong minsan kaming huling nag-usap ng kaibigan kong si Pen, na malay ko raw ba na isang araw may dumating na isang tao na mag-a-ala prinsipeng magliligtas sa akin. Natawa pa ako no'n dahil napaka-imposible no'n dahil ganoon kalaki ang takot ko kay Ross na walang ibang lalaking makakalapit sa akin bukod sa kanya... but I was all wrong... Now, here's the man that I didn't expect to offer me a help but in exchange... he will take me and replace Ross in my life... gusto niya na siya ang pumalit! Hindi pa rin lubos ma-proseso ng isip ko paanong mangyari na ang isang binatang mayaman na tulad niya at may mataas na antas ng pinag-aralan at personalidad