"Why do all of you look surprised?" Tumawa pa siya na parang walang mali dito sa mga pinagsasabi niya. "H'wag na tayong mga mag-plastikan, dahil ayokong-ayoko niyan... nagiging totoo lang naman ako sa mararamdaman ko." He looked at us with his grinned face. Tumagal ang tingin niya sa mga kasambahay na tulad ko ay nakanganga pa rin. "Gusto ko ang asawa ng kaibigan ko, ang Ma'am niyo. At hindi na rin naman lingid sa kaalaman nating lahat na ang pagsasama nila ni Rossini ay sapilitan lang," pagtutuloy pa niya kaya mas lalo kaming hindi na nakapagsalita at napatulala na lang. "Ni wala nga makikitang pagmamahalan sa kanila kaya ba't hindi para agawin, hindi ba?" sarkastiko, maloko, pero may determinasyon sinabi pa niya at siya sa tumingin sa mukha kong nanlalaki ang mga matang napatitig na