KABANATA 5

2158 Words
"Honey, why don't you just help the maids to prepare our lunch? May paguusapan lang kami ni Silas, about bussiness," pasimple nang pagtataboy sa akin ni Ross. Tumango ako at agad na tumayo. "Sige, maiwan ko na muna kayo." Tipid lang ako ngumiti kay Silas na ngumiti rin naman sa akin bilang pasintabi ko sa kanila. Wala na akong kinalaman pa sa paguusapan nila kaya mainam nang umalis na nga ako roon at isa pa hindi rin gusto ni Ross na nagtatagal ako kausap ang iba. Idagdag pa na naiilang din ako. "Ma'am?" Takang nilingon naman ako ni Ate Marsha nang mamataan niya ako pumasok rito sa kusina at nagtatanong ang tingin kung anong ginagawa ko rito. Ngumiti ako. "Tutulong ako sa inyo sa paghahanda ng lunch..." Lumapit ako. "Pero..." Pinasadahan nila ako ng tingin. "Bihis na bihis kayo Ma'am, baka marumihan ka pa rito, ang ganda-ganda ng damit niyo baka madungisan lang," si Ate Linda naman. "Tss, anong ginagawa ng apron?" Natawa ako. "Saka wala naman akong gagawin, I'll help you guys," I said coolly at kinuha ko na nga ang apron wala na silang nagawa pa nang naisuot ko na. Humarap ako sa sink malapit sa stove at binalingan sila. "So? Ano nang gagawin pa?" tanong ko upang bigyan nila ako ng gawain. "Ahm, iyung Puchero ma'am! Masarap kayo mag-luto no'n! Ipatikim niyo kaya sa bisita niyo at siguradong 'di makakatulog iyun sa sarap!" si Ate Marsha na nasiko naman ni Ate Linda kaya natawa kami. "Magustuhan niya naman kaya iyon?" alangan kong tanong pero nakatawa pa rin. "Kailangan ko ba na magpa-impress sa guest para dagdag puri sa asawa ko na magaling din pati sa pagluluto ang may bahay niya?" mapanuya kong dagdag. Nagkatinginan sila marahil nahimigan din nila na may pagka-sarkastiko ring kasama ang tono ng sinabi ko. Kung wala sila alam malamang iisipin katuwaan lang ang sinabi kong iyon. Alam ng mga tao rito kung anong klaseng relasyong mayroon kami ni Ross, kaya hindi na rin lingid sa kaalaman nilang mahilig lang talaga na magpa-impress ang asawa ko sa ibang tao. Madalas din ako nito ipagyabang pagdating sa harapan ng iba pero kapag kami na lang dalawa, kabaliktaran sa ipinakikita niya at husto ako nito kung hamakin. Tumikhim na lang sila at hindi na nagsalita kaya pinili kong pagaanin ang paligid nang ipagdaop ko ang dalawang kong palad at nginitian sila. "Help me to cook my best dish Puchero so our guest will be delighted," I said joyfully. "Alam niyo na, this is the first time na magkaro'n tayo ng bisita at ayaw ko rin mapahiya at masabihang walang alam ang asawa ni Rossini the great." I winked at them with a playful smile kaya napahagikgik na lamang silang bigla. "Kayo talaga, Ma'am! Baka marinig kayo ni Sir, magalit na naman iyon sa inyo," si Linda na nababahala para sa akin. Nakakapagsalita lang ako ng gusto ko sabihin kapag sila ang kasama, sila na rin ang nagsilbing mga kaibigan ko rito, hindi ko man lahat nasasabi sa kanila ang hirap ng pinadadaanan ko, pero sapat na ang nakikita nila para maintindihan ako. "Wala naman akong masamang sinabi? He has no reason to get mad at me this time..." I said with my innocent face and they just shookt their heads and chuckled. Mabiro ako kapag komportable ako sa mga kasama at sa nakakausap ko... kay Rossini lang naman hindi... hindi ko magawa ito, ni magsalita ng komportable at may bahid ng saya, hindi ko sa kanya maipakita, dahil baka pati pag-ngiti ko, kwestyunin niya. Tinulungan na nga ako ng mga kasambahay na mag-luto, nang dumating ako halos tapos na nga sila at naisipan lang nila idagdag ang putahing ito para may gawin ako dahil ako nga lang itong mapilit. Kung hindi ako gagalaw rito sa kusina, maiinip ako at alangan naman kung sa kwarto lang ako mananatili. Habang nagluluto ay nag-ku-kwentuhan kami upang maglibang nang bigla naman akong matigilan dahil sa isang seryosong tanong ni Ate Marsha. "Hanggang kailan mo kakayanin, Ma'am? Ang mamuhay rito nang hindi naaayon sa kagustuhan niyo?" out of nowhere nitong tanong kaya pati paghahalo ko sa pan naihinto ko. Biglang napalis ang ngiti ko. Nang dahil sa tanong niya bumalik na naman ang bigat ng pakiramdam ko, nakakalimutan ko na sana kanina dahil masaya silang kausap ngunit nagawa niya pang ungkatin iyon. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Gustuhin man kita sagutin, pero kahit ako hindi ko alam..." Nanatili lang ako nakaharap sa stove. "Matagal na kayo rito naninilbihan bago pa ako dumating kaya alam niyo kung ano ang mga kaya niya gawin." Malungkot lang silang nagkatinginan ni Ate Linda. Halos ka-edad lang sila ni Mommy at kung kaya kahit papaano sa isang taon kong pananatili rito, para ako may tumayong mga magulang, mababait sila at naiintindihan nila ako... ang kalagayan ko. "Kung may magagawa lang din kami Ma'am, noon ka pa sana namin natulungan pero—" "Sshh!" I cut Ate Marsha's off in a hushed and I genuinely smiled at them. "You don't have to do me a favor, and you don't have to get involved in my life, in my problem. Oo, gusto ko makaalis dito pero... hindi ko gugustuhing mandamay o makapagpahamamak ng iba." Napaawa na lang sila sa akin. "Sapat na sa akin may nakakaintindi sa akin sa bahay na ito, wala kayo kailangan gawin. And Ate Linda..." Tiningnan ko ito at lumapit. "About the pills you are always giving me, that's enough help for me. Tama na iyon, malaking bagay na ang ginagawa mong iyon sa akin, ang ginagawa niyong ilihim iyon," pabulong kong sinabi dahil baka nandiyan lang si Ross at nakikinig. Itong bagay na ito ang pinakalilihim naming tatlo, laking pasalamat ko talaga sa kanila at iyon lang ay sapat nang tulong para sa akin. Hinawakan ko ang kamay nilang pareho at pinag-tig-isahan. "Maraming salamat mga Ate... I really owe you that," I smiled but it shows how I'm struggling day by day. Ngumiti lang din sila at tinapik-tapik ang kamay ko na hawak din nila at nang may sasabihin pa sana si Ate Marsha ay bigla naman kaming mapalingon dahil may nagsalita mula sa likuran namin. "Ah... uhm... hello?" si Silas na nakasilip sa may pintunan at alangang kumaway sa amin. Ako man ay nagulat pero ang dalawang kasambahay ay magiliw na binati ang binata. "Ser!" panabay nilang bati at lumapit dito. "Anong kailangan po nila? Nauuhaw po ba kayo? Nagugutom na? Ano pong gusto o kailangan niyo?" si Ate Linda. Ang dalawa ay ngiting-ngiti at animo'y mga nagpapa-cute. Gusto ko tuloy matawa, hindi sila papatulan nito dahil muka na nga silang mga tiyahin. Umayos na si Silas ng tayo at ganap nang nagpakita sa amin mula sa pagtatago niya ng katawan mula sa may gilid ng likod ng pintuan at nakita naming may dala-dala siyang dalawang tasa. Ang tasang pinag-kapehan nila ni Ross. Pero bakit kinailangan niya pang dalhin dito? Mamaya ay kukunin din naman ng kasambahay iyon para simpanin. "Ah, pasensya na sa abala mukang may seryoso kayong pinaguusapan. Ito ho ang tasang pinag-kapehan namin ni Ross ako nang nagdala rito... naamoy ko kasi para atang ang sarap ng niluluto rito hindi ko napigilang usisain kung ano iyon," Luminga-linga pa siya. Hindi lang pala talaga ito madaldal, may tinataglay ring pagka-usisero, and I can see that he really feels at home... "Ah! Baka iyung Puchero ni Ma'am! Oo, Ser! Naku! Ang specialty ni Ma'am Antice iyong naamoy niyo, hindi kayo nagkakamali, opo masarap. Gusto niyo ba tikman?" si Ate Marsha na ibinida ang luto ko. Ako naman itong nakaramdaman ng hiya kaya napahalukipkip na lang ako at mas lalo akong natahimik nang dumako ang tingin sa akin ni Silas at sa suot kong apron. Ngumiti siya sa akin ng malawak. "Marunong ka mag-luto? Luto mo iyon?" Parang ayaw pa niya maniwala. Muka ba akong walang alam sa kusina? Iyong tanong niya medyo nakaka-offend. Tumango ako. "Oo..." "P'wede patikim?" hinging pahintulot niya pero ang pagkakasabi niya parang may kung anong ibang dating sa pandinig ko. Stop it, Antice. Saway ko sa sarili. "Aba'y oo naman Ser!" si Ate Linda na hindi na ako hinintay pang sumagot at dinala ito sa stove kung nasaan ang pan ng Puchero. Kumuha si Ate Marsha ng spoon at maliit na lagayan para lagyan si Silas, ako naman ay tahimik lang silang pinapanuod. Nasaan si Ross? "Oh, ayan Sir Silas tikman niyo na ho. Hindi kami mapapahiya sa lasa, subok na subok na po namin iyan, ang luto ni Ma'am." pagmamalaki ni Ate Marsha. Nahihiya akong natatawa sa kung paano nilang ibida ang Puchero ko, baka mamaya hindi nito magustuhan, ako ang mapahiya. "Sige, tikman ko na." Tinikman niya na nga ang maliit na karne at may patatas saka ngumuya-nguya, nilalasahang mabuti. Kinabahan ako dahil baka napahiya ako sa lasa at baka hindi niya nagustuhan. "A-Ano... kung hindi masarap h'wag mo nang kainin..." gagap ko. Walang reaksyon ang mukha niyang tumingin sa direksyon ko. "Sinong may sabi hindi masarap?" Unti-unti siyang ngumiti. "I like your Puchero, tamang-tama lang and it tastes so good, I think it would be my new favorite." Ako naman itong pinamulahan at ramdam ko ang panginginit ng mukha ko dahil sa pag-puri niya ng luto ko. Nagkatinginan naman ang dalawang kasambahay at halatang pigil ang mga ngiti nila nang itikom ang bibig na animo'y may nakakatuwa talaga sa sinabing iyon ng binata. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "Si Ross? Baka hinahanap ka na," pag-iiba ko na ng usapan dahil hindi tama ito, para siyang nanlalandi... Nanlalandi? Really? Antice? You're assuming now just because he praised what you cooked? Nilalandi ka na agad? Come on, you have your husband already it's inappropriate to think of that, that's a crime and it's not good. Mali rin mag-isip ng may ibig sabihin ang isang taong muka naman natural na sa kanya nagbibigay puri sa iba. "He's on his phone talking to someone so I went here to bring these empty cups of coffee and also just to tour myself in your home at sakto rin dito ako dinala ng mga paa ko sa kusina niyo nang maamoy ko ang mabangong niluluto rito and to my surprised, masarap nga like what I have expected," he said in bubblyness na parang hindi siya mauubusan ng sasabihin. "Uhm... okay. Thanks," I just smiled a bit but there's no hint of sincerity just my shyness. "You know what, your husband is so lucky to have you," he said in a jolly but there's a hint of seriousness. "Swerte naman po talaga si Sir kay Ma'am, si Ma'am lang ang hindi—" Siniko naman bigla ni Ate Marsha si Ate Linda para patigilin ito sa dire-diretsong pagsasalita na walang preno. Nangunot naman ang noo ni Silas na napatingin sa dalawa at ibinalik din naman agad sa akin ang tingin ngunit nagtatanong na ang mga mata niya sa pagkakataong ito. "Really? But he said that you live here with him comfortably and he's giving everything you want and everything you need," His two eyebrows raised like he wanted to know something. Ganito naman talaga ang isip ng karamihan kapag alam nilang provided lahat sa iyo ng taong kasama mo sa bahay, akala nila ay ayos na iyon. Ang akala nila, dahil lang ibinibigay lahat ng taong iyon ang kaya ibigay ng pera, masaya na ang pagsasama but behind all that, hindi nila naiisip kung anong klase ng treatment ang nararanasan ng taong iyon na inaakala nilang nasa maayos na kalagayan. I just sighed and I couldn't help myself not to answer him back. "Yes, Everything I need, but not everything I want," makahulugan kong sagot. Binalingan ko sina Ate Marsha at Ate Linda matapos ko iyong sabihin at sinabihan sila na tawagin na lang nila ako sa silid kapag handa na ang tanghalian. Nagpaalam na akong umalis iniwan ko na nga sila sa kusina at iniwan ang natahimik ding si Silas na tila palagay ko naging pala-isipan dito ang sinabi ko. Hindi ko alam bakit kailangan pa niyang mang-usisa patungkol sa personal na bagay tulad no'n kung paano si Rossini sa akin and I think it's none of his bussiness. Ayokong makipag-kaibigan sa kanya kahit pa sabihin na gusto niya akong kaibiganin dahil lang kaibigan niya ang asawa ko, at hindi nangangahulugan na kaibigan niya ang asawa ko, kaibigan niya na rin ako. Higit na ayokong makipag-lapit kahit kanino mang lalaki dahil ayaw kong maging dahilan ito ng mitsa ng pag-iksi ng buhay ko. Wala naman sanang problema kung nasa tamang pag-iisip o katwiran ang asawa ko, pero sa katulad ni Rossini na ubod pa ng seloso, mas mahal ko pa ang buhay ko. Takot ko lang magkamali, kahit pa sabihin na makipag-kaibigan lang ito sigarado bibigyan niya ng ibang kahulugan iyon, at ayokong mangyari iyon... Mahirap kapag ang asawa, sobrang maisip, sobrang malisosyo sa puntong lahat na lang ng makakausap mo pagiisipan ng mali, kaya ako na lang talaga ang umiiwas sa iisipin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD