KABANATA 4

2267 Words
Sinusuklay ko ang aking mahabang buhok habang nakaupo sa harapan ng salamin ng mirror dresser, nagaayos para sa pagdating ng bisita. Blangko lang ang isip ko habang nakatitig sa sariling mukha sa salamin nang kumatok at pumasok si Ate Marsha, ang isa sa mga kasambahay. "Ma'am, pinatatawag na po kayo ni Sir, nasa baba na po ang bisita," imporma nito sa akin at tiningnan ko lang siya sa repleksyon ng salamin. "Pasabi bababa na," tugon ko. Tumango lang ito at lumabas na nga at naiwan akong muli. Tumingin ako muli sa salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili. "Ano na kayang buhay mo ngayon kung hindi mo siya napangasawa? Malamang, masaya ka sana," kausap ko sa sarili bakas ang labis na kalungkutan sa mga mata pilit ko mang itago. Tumayo na ako suot ang simpleng casual green leafy dress. Sa totoo lang ang dalang ko nang makapag-ayos dahil palagi lang naman akong narito sa bahay. Walang ibang pinupuntahan, kaya ngayon na lang ulit para lang pormal na salubungin ang espesyal na bisitang ito. How I really miss going outside while doing outdoor activities... I'm so stressed in this house. I just took a deep breath and get out of the room. Bumaba na ako at nasa hagdanan pa lang ako rinig ko na mula rito ang tawanan ng malalaki at malalagong na boses ng dalawang lalaki. They seems like they really missed each other, hindi mo nga naman aakalain na may kaibigan ang asawa kong ito. Tumigil lang sila sa masayang paguusap nang makitang papalapit na ako sa kanila. "Oh! Here's my beautiful wife. Let me introduce her to you." Agad naman akong sinalubong ni Rossini at tumayo naman ang lalaking kausap, hindi ko ito gaanong tiningnan. Hinawakan ako sa baywang ni Ross at nakangiting iniharap ako sa kaibigan upang pormal akong ipakilala. "Silas, this is my lovely wife, Antice." Tumingin sa 'kin ang lalaki hindi pala tingin, kundi titig. "And Antice, this is my friend that I mentioned to you, he's Silas." Hindi ko alam kung makikipag-kamay ba ako dahil nakakailang ang tinging iginahawad sa akin ng lalaking ito, o sadyang ganito lang talaga siya makatingin? Siya na ang unang nag-lahad ng kamay upang nakipagkamay pero nag-alangan pa ako kaya tumingin muna ako kay Ross kung maaari ba ako makipag-kamay at ngumiti naman ito batid na makipag-kamay ako. I take Silas hand and we both do shake hands but there's something in his hold. Para atang ang higpit? Bahagyang nangunot ang noo ko at agad ko na ngang binawi parang ayaw pa niya bitiwan pero wala siyang nagawa. Ginawaran ko siya ng iritableng tingin ngunit ang isinukli niya lang sa akin ay ngisi, ngising nakakaloko para sa akin pero kung titingnan magaang ngiti lang naman iyon pero sa akin, iba ang dating. And Ross seems not bothered and didn't notice it may be because he knows his friend well na ganito talaga ito, but for me, this man Silas is odd or maybe I'm just over thinking or over reacting dahil ngayon na lang ulit ako nakakita ng ibang tao? Yeah, right. Iyon nga siguro ang dahilan kaya nabibigyan ko ng masamang kahulugan ang taong ito na ngayon ko lang naman nakilala. "Nice to meet you," I said just for formality. "Nice to meet you too. Antice. Bukang bibig ka nga sa akin nitong si Ross, nagtatampo nga at hindi ako naka-attend ng wedding niyo, pero ngayon nakita kita ng personal, alam ko na agad kung bakit ikaw ang pinakasalan ng kaibigan ko," may pambobolang sinabi niya. Tumawa naman si Ross. "Alam mo iyan, pare. My standards are so high when it comes to women." Ngumisi pa na may buong pagmamalaki sa kaibigan. Natawa rin si Silas. "It's obvious. Walang duda... saan mo ba nakilala itong si Antice? Baka may kapatid pa? Bato mo na sa 'kin." Pareho na lang silang nagtawanan at ako tahimik lang. Ayoko ng ganitong usapan na parang ako ang pinupulutan... "But seriously, saan kayo nagkakilala?" tanong pa niya na may pang-iintirga. Ang daldal ng isang ito. I noticed he's a jolly type of man. Iginaya na muna ako ni Ross sa mahabang sofa para maupo kung saan ko sila kaninang naabutan bago niya sagutin ang tanong nito kaya naupo ako katabi ang asawa ko, si Silas naman sa tapat namin naupo. Nakangiti pa niya kaming pinagmamasdan dalawa, ako naman itong hindi komportable, para bang ikinatutuwa niya ang nakikita na may asawa na nga ang kanyang kaibigan at hindi lang niya lubos na maisip na totoo itong nakikita niya base sa nababasa ko sa kanya. "Well, her family is a friend of mine in bussiness but unfortunately, hmm they had huge debt on me, umabot ng milyones just because of his father's addiction in casino," Ross answered in insulting way na 'di na dapat niya banggitin pa pero nagawa niyang banggitin nang 'di inisip ang mararamdaman ko. Napayuko na lang ako at nakuyom ko na lang ang dalawang palad ko na nakapatong sa ibabaw ng dalawa kong hita at nagusot ko halos ang dulo ng suot kong dress sa labis na pagkainsulto habang siya nasa baywang ko ang kamay paikot sa aking tiyan. "So... that's why..." he continued slowly by words. "I asked their daughter's hand as a p*****t debt," he said directly not minding what Silas might think of me. Proud pa siya na na sa ganoong paraan niya ako nakuha. Nang mag-angat ako ng tingin kay Silas at nakita kong naging seryoso bigla ang mukha niyang napatingin sa akin habang itong si Ross nagagawa pang ngumisi nang nakaka-insulto sa parte ko. "Ipinakikita lang na walang hindi kayang gawin at kunin ng pera... even a woman I want, I easily got," he said cockilly and very proudly. Bigla naman natawa si Silas sa kaibigan at yumuko ng bahagya saka tiningnan muli si Rossini. "So, kasal kayo dahil may utang lang pala ang pamilya niya sa 'yo? A daughter suffered because of the parent's selfishness, huh?" he asked mockingly at kinuha ang tasa ng kape pero bago siya sumimsim sinulyapan niya muna ako ng tingin saka niya ibinalik sa asawa ko. "Tss! It's not my fault anyway. Naningil lang ako, hindi nila kaya ibalik ang halaga na hiniram nila sa akin, then I took their daughter as collateral," si Rossini na sumimsim din ng kape at bahagyang tumingin sa akin at pairap na ibinalik kay Silas ang tingin. Kahit sa akin, parte lang ako ng negosyo para sa kanya. Silas hissed and he looked at my direction. "Marrying a very rich man like Rossini just because you served as your family's debt p*****t, is kinda... hard for a woman like you I think. No doubt," he commented and he sounds like kinda off and he chuckled a bit in a mocking way. "I just thought you guys got married because of love. I was all wrong," he added in dismay and disappointment is visible on his face. Hindi sa akin, kundi sa ginawa ng sarili niyang kaibigan. Nanginit naman bigla ang mga mata ko sa nagbabadyang pangingilid ng luha dahil ito ang unang beses na mayroon naglakas loob magsalita ng ganito sa harap mismo ni Ross... tanging siya lang kaya nahabag ako para sa sarili ko. Kita ko naman kaliwang gilid ko ang pag-igting ng panga ni Rossini dahil sa sinabing pang-re-rekta sa kanya nito. He just laughed a bit to hide his irritation. "She lives here like a Princess, oh, no, no! She lives here with me like a Queen. Hindi ko siya hinahayaan na mahirapan, I'm all giving her everything she needs and everything she deserves. Every. Little. Thing," he said emphasizing each his last sentence. Yes, you are giving me everything even though I'm not asking for it but aside from that, my happiness and freedom, iyon ang hindi mo kailan man kayang maibigay sa akin. Gusto ko na lang matawa pero ibinaling ko na lang ang tingin ko sa kawalan. And he said what? He's reating like a Queen? A Princess? What kind of princess I am then? Rapunzel? Not able to get out of the castle? Hindi ko namalayan naisatinig ko ang mapait kong pagtawa sa sinabi niyang hindi niya 'ko hinahayaan mahirapan at ibinibigay naman niya sa akin ang lahat kaya napatingin sila sa gawi ko. Ano pala ang tawag sa malupit niyang pagtrato sa akin? Pasarap? Pinagmumuka niya akong masaya sa piling niya sa kabila ng lahat kahit alam naming dalawa na kailan man, 'di ako sumaya sa kanya. All that he said isn't true, hindi ako prinsesa higit na hindi ako reyna, isa lang akong preso rito, I deserved freedom, but he didn't give it to me. Nang tingnan ko sila, pareho silang nakatitig sa akin, ang tingin ni Ross batid kung ano'ng tinatawa-tawa ko at nagsalubong pa ang dalawa niyang kilay, si Silas naman ang tingin ay nananatiya lang at pinakikiramdaman ako. I just noticed the way he talked a while ago, he seems like he already knows my situation with Rossini, tingin niya pa lang, alam niya na. Ano nga naman ba ang aasahan sa isang kasal sa pinilit lang? Muka siyang matalino para hindi iyon malaman at maramdaman. Tumikhim si Rossini at umayos ang upo at bumalik sa usapan pero alam kong naasar siya sa akin. "Gayon pa man kahit sa ganoon paraan kami naikasal ni Antice, I'm proud to say, that this my wife here is really in love with me. Sa isang taon na naming pagsasama, she learned to love me." Napaawang naman bigla ang bibig ko sa narinig at napabaling ng tingin sa kanya. Is he hallucinating or something? He's delusional! Anong mahal ang pinasasabi niya? Hindi ko alintana ang naging reaksyon ko dahil hindi siya naging totoo pagdating sa bagay na iyon. Pero nakalimutan ko kailangan ko nga palang umarte, kailangan ko sakyan ang mga sinasabi niya pero bago pa man ako makapagpalit ng ekspresyon ng mukha ay aliw na nakatitig pala sa akin si Silas waring kalokohan ang sinabing iyon ni Rossini batid na hindi rin siya kumbinsido base sa nakikita niya sa amin at gusto na lang matawa sa kaibigan. Hanggang sa pagak na nga siyang natawa halatang hindi na rin napigilan. "Nakikita ko nga." Napataas pa siya ng dalawang kilay sabay ngisi. "But how about having kids? Babies? Kailan niyo balak na mag-anak?" usisa pa niya sa pagaakala kong titigil na siya. "There's a right time for that. Pinapaspasan ko na nga, I can't wait to see my heir or even heiress, maalin man sa dalawa mapababae o mapalalaki, walang problema," pabirong sagot naman ni Ross na alam kong may kaseryosohan din dahil gustong-gusto niya na rin magka-anak noon pa. Mariin na lang akong napapikit, ayokong napaguusapan din ang tungkol dito dahil ayoko, ayokong mag-buntis, lalo lang ako hindi makakawala sa kanya kapag nagkataon... The reason why I'm not getting pregnant even how much he tried, is it because I'm taking birth control pills na hindi niya alam. Isa sa mga kasambahay ang nagbibigay sa akin dahil alam niya ang sitwasyon ko, she is helping me all throughout secretly ngunit sa kabilang banda labis din ang takot ko baka mahuli dahil sigurado magwawala siya sa oras na malaman niya. Dumako naman ng tingin sa akin si Silas. "Why are you not letting your wife speak? She's not mute." Napatingin naman ako kay Rossini and he just gave me the look that he's now allowing me talk to his friend this time. "W-Well... ahm... ayoko lang sumabat sa usapan niyo," I can't help not to utter. Hindi ko lang din masabi sa kanya na bilin ng asawa ko ay isang tanong isang sagot lang ako kapag kinausap niya ako. "I see, but what do you think for having a baby anytime soon?" Interview ba ito? Siya ang bisita pero buhay namin inuusisa niya. "Like what Ross said, there's a right time for that..." tipid ko na lang na sagot para hindi na humaba pa ang usapan tungkol doon. Tumango-tango na lang siya at ngumiti. "Nga naman. Pasensya na kung masiyado akong matanong. Alam niyo na, ang tagal kong 'di nakauwi ng Pilipinas to visit kaya hindi ko mapigilan mang-usisa sa mga nangyari sa mga kaibigan ko rito. Dati na rin pala siyang naglalagi rito, I thought sa ibang bansa talaga siya at doon sila nagkakilala ni Ross? But anyway, hindi ko naman kailangan usisain pa. "I thought you're a foreign but you speak tagalog fluently," I can't help not to voice out what's on my mind, and I can't help myself not to simply check him out. His eyes are so beautiful, mapupungay at ang gaganda pa ng pilik mata niya na hindi ko agad napansin kanina dahil ayoko siyang tingnan ngunit nang matitigan ko siya, I now appreciate his beautiful features, and he also has this lucious lips, na tipong kay sarap lang kahit tingnan habang nagsasalita siya dahil mamula-mula. But what the hell am I thinking? "Muka ba?" biro niya at natawa. "Yes hindi ka nagkakamali I'm a foreign. I'm half Turkish on my mother's side and my Dad is 1/4 British in his mother side and the rest Filipino na. So h'wag ka na magtaka why I am fluent in speaking your language." "May bahay kami sa province, doon may hacienda ang magulang ng Daddy ko at dati na rin akong pauwi-uwi rito kapag may oras ako," sinabi pa niya kaya pala, hindi na rin pala siya bago rito sa Pilipinas. Tumango-tango na lang ako at hindi ko na dinuksungan pa ang paguusap naming iyon dahil may katabi akong iba ang isip, baka akalaing ako pa ang gumagawa ng mapahaba lang usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD