KABANATA 2

1952 Words
Naiisip ko minsan na maaari pa ba kayang magmahal ng iba ng isang katulad ko? May asawa, kasal na sa isang lalaking hindi ko naman ginusto? May pagkakataon pa ba akong sumaya sa piling ng iba? Kahit pa magmumukang isang malaking pagkakasala? Natawa na lang ako, siyempre isa talagang kamalian itong iniisip ko. May asawa na ako, kahit pa sabihing isa itong fixed marriage, sa mata ng batas, ang pagkakaroon ng iba ay isang kasalanan... pero sa diyos kaya? Isa rin ito sa tanong ko sa sarili, kung kasalanan ba sa kanya na gustuhin kong magmahal ng iba? Dahil hindi ko makita sa asawa ko ang pagpapahalaga? Maiintindihan niya kaya ako? Ang sitwasyon ko? Parurusahan niya ba ako kung sakaling magkasala ako? Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ito, pero wari kong alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya... Umaasa ako na balang araw, makawala ako sa nakakasal na buhay na ito. Hindi ko pa rin tanggap ang naging kapalaran ko, kahit na anong pilit at giit ko sa sarili ko na ito na ngayon ang buhay ko. At the age of 20, matapos ko maka-graduate ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship ay bigla na lang isang araw nagising ako ikakasal na pala ako. Sa tuwing naaalala ko kung bakit ito ang naging buhay ko, naluluha na lang ako at hindi mapigilan ang pag-ragasa ng marami kong tanong sa aking isipan. Ipinangbayad utang ba naman ako ng sariling pamilya at noon wala pa akong kaalam-alam. I tried to ask my parents why they did this to me, they were just say sorry, aanhin ko kaya ang sorry lang? I feel betrayed by them, sila ang gumuho ng mga pangarap ko. Sabihin na nating na kay Rossini na ang katangian ng isang lalaking kaya i-provide lahat, pero pagdating sa pangangalaga sa kapareha, wala siyang sinabi. He's been abusive, and dominant for the rest of my life here in his house, and if ever I have a chance to leave him? I will. But I know that's impossible... Ngayon pa lang, pigtas na ang pag-asa kong makawala sa mga kamay niya. He keeps on saying how he loves me, but that's not what he's showing... Pag-aari lang ang tingin niya sa akin, he's just playing my weaknesses that's why he loves seeing me crying every time even he didn't say a word, that's what I'm seeing in him. I just sighed and I wiped my tears while I'm cooking breakfast for us. We have maids but he wants me to cook for him every meal time. I'm glad I know how to cook to avoid another insult from him. Masama ang pakiramdam ko kanina pang pagkagising pero pinilit ko kumilos ayokong may masabi siya, kaya kahit nararamdaman ko, hindi ko na lang isinasatinig. Medyo may senat ako, bahagyang mainit ang pakiramdam ko pero kaya ko naman, iiinom ko na lang ng gamot mamaya mawawala rin ito. "Antice! Antice!!" I heard Ross calling my name in his loud voice as if I'm no longer to be seen. Alam niya naman nandito lang ako sa kusina. Nauna akong nagising sa kanya, galit siya kapag hindi niya ako nadadatnan sa tabi niya pagmulat ng kanyang mga mata sa umaga, sanay siyang sabay kaming bumabangon. Lumingon ako nang marinig ko na nagsalita ang maid. "Nasa kusina Sir, nagluluto po siya ng breakfast niyo." "I'm here," I said enough for him to hear me. Pumasok na nga siya ng kusina na parang nabunutan naman ng tinik ng makita niya akong nandito lang sa kusina. Takot siyang malayasan ngunit ayaw naman niya ayusin ang pag-trato sa akin. I hope that some day he will feel guilty about everything he has done to me as his wife. Lumapit siya agad sa akin. "Bakit hindi mo ako hinintay na magising? O sana ginising mo 'ko," he asked with demands. Hindi ko siya tiningnan, nasa niluluto ko lang ang atensyon ko. "Dahil pagod ka hindi na kita ginising, nagpapahinga ka pa." Kung tutuusin hindi ko naman kailangang gisingin pa siya at hindi rin kailangan sabay palaging babangon, naiinis ako akala niya parati akong mawawala. Tiningnan niya na lang ako at dumako ang tingin sa niluluto ko. "What are you cooking?" he changed the topic. Sasagutin ko pa ba? Nakikita niya naman. "Quesadillas, ground pork sauce, your request for breakfast," sagot ko habang hinahalo ang sauce na ilalagay ko sa pita. In my side view vision I saw him raise his hand kaya bigla naman ako napapitlag sa kaba sa pagaakalang sasaktan niya ako ng walang dahilan kaya kahit siya nagulat sa biglaang reaksyon ko. Napakurap ako at napaatras, gusto niya lang pala hawakan ang pisngi ko pero sinalakay ako ng kaba umagang-umaga... "I'm not going to hurt you," he said for me to stop from making a distance and it's clear to him how I fear him. Naisip ko kung gaano na ako ka-trauma sa kanya, ni maliit na galaw niya akala ko ay nananakit na naman. He sighed. "Antice..." Lumamlam bigla ang mga mata niya. "About what happened last night I was just drunk—" Umiling ako at nilingon siya. "Sanay na..." Mapait pa akong ngumiti. "You are always like that... hindi pa ba ako masasanay?" I tried my best not to show tears, just my toughness. Parang kagabi lang, ibinalik ko lang din ang tanong niya sa akin kung hindi pa ba ako sanay sa pagiging wild niya sa kama? Sanay na ako sa ugali niya, sadyang madalas hindi ko lang kinakaya kaya idinadaan ko na lang sa iyak dahil wala naman akong nagagawa kundi mag-tiis. Ganito naman siya parati kinabukasan matapos ng nagawa niya pero ilang araw uulitin niya lang ulit. He's funny isn't he? Hilingin ko man sa kanya na maghiwalay na lang kami, hindi niya pahihintulutan. Minsan ko nang sinubukan pero nauwi lang sa hindi maganda. I just don't elaborate on what happened at that moment that I tried, it was just painful to my part that I have no power in here, even in deciding for myself, he took it away from me. I bowed slightly and held my hand tightly. "I'm sorry," I apologized anxiously for talking back not minding my words na siya nga pala ang kausap ko. Baka ikagalit niya pa. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa niluluto sabay tumikhim na lang para iwaksi ang nakakailang na kawalan niya ng imik. "Matatapos na ito, upo ka na roon," tinuran ko na ang dinning room para itaboy na rin siya dahil naninikip na naman ang dibdib ko sa pagiging masiyado niyang malapit. Pero hindi siya umalis, nakatitig lamang siya sa akin na tila nananantiya at binabasa ang nasa isip ko habang nakatukod ang isang kamay niya kantuhan ng kitchen island, nakahilig siya rito. Ayoko ng ganitong tingin niya, hindi ako komportable, pero kailan nga ba ako naging komportable sa kanya? Sa presensya niya? 'Di ko maalala, parang wala. "B-Bakit ganiyan ka makatingin?" kabado kong tanong kahit nasa niluluto ko ang tingin dahil masiyado siyang tahimik. Hindi ko gusto kapag nananahimik siya ng ganito. "Whenever I look at you I'm realizing day by day that I really should keep you here in my house... dahil ang mga katulad mong hindi pala-sabi ng mga nararamdaman, mahirap pagkatiwalaan," malaman niyang sinabi na ikinahinto ko. Unti-unti ko siyang nilingon, ang kaninang mga mata niyang sandaling lumamlam ay nanumbalik na sa pagiging blangko at malamig. Nangibababaw na lang sa akin ang lungkot, ibig lang sabihin wala siyang balak lumuwag sa akin ni katiting, mas hihigpit pa... Ibinalik ko na lang ang tingin ko niluluto at nakitang luto na kaya in-off ko ang stove at ang isip ko'y lipad dahil sa maraming mga agam-agam. "I forgot to tell you something, we have a visitor and he will arrive tonight. Dito siya tutuloy sa bahay for a month," imporma niyang bigla sa akin na ikinabigla ko at binalingan siya. Bisita? Kami, may bisita? At mag-stay pa rito ng isang buwan? At Lalaki pa? Sino ito para pahintulutan niya tumuloy pa rito sa bahay? Knowing how jelous he is when it comes to men? Bago man ako makapag-tanong ay muli siyang nagsalita nang mabasa niya ang aking nagtatanong na mga mata. "He's a family friend, my trusted friend, Antice. Kababata ko siya and he's a good man. Tiwala ako sa kanya kaya ko siya rito patutuluyin." Kahit pa, nakakabigla ito. Ito ang unang beses mag-we-welcome kami ng lalaking bisita, at staycation pa ng isang buwan? But like what he said, he's a trusted friend of him. "P-Pero... ikaw ba ang-offer sa kanya na dito tumuloy? At saan pa siya galing?" tanong ko nang magka-tinig na ako. "Nope, I didn't invite him, nagkataon lang na kailangan niya ng matutuluyan, wala siyang condo unit or even a property rito sa manila because he's living outside the country kaya instead mag-hotel siya, he just asked me for a favor if he can stay here, just for a while," he explained but I'm still in an awe. He... let a man to stay here, it's new. Marahil talagang pinagkakatiwalaan niya talaga ito, hindi naman siya magmamagandang loob kung hindi, at isa pa, family friend din nila nabanggit niya nga. "Saan ang family niya? Wala siyang kamag-anak dito?" tanong ko pa. "He and his whole family are based in the US, so, he has no family here or even relatives, at ako na kaibigan lang," sagot niya at sandali kong nakalimutan ang dinaramdam ko sa kanya dahil sa napag-alaman kong may bisita kami. Kung sa ibang bansa ito nakatira, paano sila naging magkaibigan at nagkakilala? Naalala ko, minsan na nga palang nanirahan ito sa ibang bansa, doon siguro niya ito nakilala. "A-Ano naman ang dahilan ng pag-uwi ng kaibigan mo? Kung doon nga sila nakabase sa ibang bansa? Anong ipinunta niya rito sa Pinas?" Curious ako. "He's here for his bussiness, he's planning to expand his company and build another one here in the Philippines, so it's just a bussiness matter. Uuwi rin siya babalik ng US matapos niya magawa ang pakay niya rito," he explained patiently. Tumango-tango na lang ako. Kung magtatayo ito ng company rito sa Pilipinas, malamang masusundan at masusundan ang pag-uwi nito rito dahil sa negosyo. At hindi ko na dapat inuusisa pa. "Alright... he's welcome," I said plainly. Inasikaso ko na ang breakfast namin, not minding the guest who will arrive tonight. I hope my husband will behave, may ibang tao kaya mahiya sana siyang pakitaan ako ng kagaspangan... it's improper for other people to see what our relationship is. "I hope... you're not going to show... any improper gestures in front of our guest when he arrives," I said bravely but there's still fear. He just chuckled a bit. "I'm not stupid, Antice. Sa atin dalawa ikaw nga ang umayos. Don't try to make any stupid stunts, kung ayaw mo makatikim kahit sa harapan pa niya hindi ako mangingiming ipakita kung sino ako." Nahigit ko na lang ang paghiga ko kasabay nang biglaang panginginig ng mga kamay kong magkadaop palad. Hinawakan niya rin kaya napatingin ako rito habang ang mukha ko ay nagpapakita ng pagkatakot sa kanya. "You know what I can do... so you should behave." He holds my cold and sweaty hand more tightly. "Just be a good girl even just for a month, wala tayong pagtatalunan." May gawin man ako o wala, kapag gusto niya naman akong saktan nakakagawa siya ng paraan... madalas siya lang nagsisindi sa sarili niya kahit na alam niyang wala akong masamang ginagawa. Tumango na lang ako, hindi na ako nagsayang ng lakas makipagtalo hindi rin naman ako mananalo sa kanya, sa huli ako lang din ang masasaktan, that's why my mouth always keeps shut, and zipped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD