Chapter Fourteen

1808 Words
MAHINANG napamura si Rome nang magisingan niya sa kanyang tabi si Kylie na mahimbing na natutulog. Maingat siyang bumangon para hindi magising ang dalaga. Mariin niyang hinilamos ang mukha kasabay ng pag-alala niya sa nangyari kagabi. Rome remembered everything kaya laking pasalamat niya nang wala siyang ibang ginawa may Kylie maliban sa... "f**k!" mahina niyang mura nang muling maalala kung ano ang mga ginawa niya sa dalaga na hindi niya dapat ginawa. Sinuklayan niya ang sariling buhok at tsaka iyon sinabunutan. Ano ba itong nagawa niya? Bakit hinayaan niya ang alak na manduhin ang utak niya? Bakit hinayaan niyang mauwi sa ganu'n ang lahat? Napatayo siya at naglakad-lakad sa loob ng kwarto niya at paulit-ulit na minumura ang sarili. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan si Kylie pagkagising nito. Naisip din niya ang kaibigan niyang si Jerusalem. Kapag nalaman nito ang angyari sa nagdaang gabi tiyak pagtatawanan siya nito dahil nagawa mong kainin ang mga sinabi niya. Nakakagago lang. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hindi siya papadala sa tukso pero heto kulang na lang ay angkinin niya si Kylie. Napatingin siya sa dalaga ng umungol ito at bahagyang ininat ang sarili. Marahan na nagmulat ang mga mata ni Kylie at agad na tumuon sa kanya. "Good morning, Rome," anito na bahagyang ngumiti sa kanya. "You should go back to your room," aniya. Bumangon ito. "May problema ba, Rome?" "Ito ang problema. What happened last night is a mistake. Hindi dapat nangyari 'yun." "Pinagsisisihan mo ba ang nangyari kagabi? Walang namilit sa'yo at ikaw mismo ang may gustong gawin 'yon." "I know, at pinagsisisihan ko 'yon. Hindi ko dapat ginawa sa'yo 'yon. Dala lang ng alak kaya ko iyon nagawa. I'm sorry." Nakita niya ang mapait nitong pagngiti. "Okay." Umalis ito sa ibabaw ng kama. "Kylie—" "It's okay. I know it will happen. Ipapalabas mo na parang ako lang ang may gusto sa ginawa mo kagabi." "I'm sorry." Mataman siya nitong tiningnan. "Don't lay your hands on me again." Iyon lang at lumabas na ito ng kwarto niya. Pabagsak na naupo siya sa gilid ng kama at saka mariing hinilamos ang sariling mukha. Alam niyang nasaktan niya ang pagkatao ni Kylie, pero dala lang talaga ng alak kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon kagabi. Kung hindi siguro siya nakainom, hinding-hindi niya magagawa iyon at siguradong mapipigilan niya ang kanyang sarili. Buntong-hiningang bumasok na siya sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo at magbihis ay dumiretso siya sa kusina para mag-umagahan. Naabutan niya roon si Kylie na kumakain na at tulad niya ay handa na rin itong pumasok. "Sabay na tayong pu—" "No, thanks. Magpapahatid na lang ako sa driver ko," anito. Nahihimigan niya ang galit sa boses nito. Napilitan siyang tumango. "Okay. Sige." Tumayo na ito at walang paalam na umalis. Pagkatapos niyang kumain ay umalis na rin siya. Nagtungo na muna siya sa coffee shop malapit sa kumpanya niya para bumili ng kape niya bago siya dumiretso sa building. Pagkapasok niya sa building, nakita niya si Kylie na kinakausap ng lalaking empleyado ng kumpanya niya. Hindi na lang niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagsakay ng elevator patungo sa pribado niyang opisina. MASAMA talaga ang loob ni Kylie dahil sa naging reaksyon ni Rome sa kanya kinaumagahan. Kung umakto ito para bang siya ang namilit sa nangyari ng nakaraang gabi. Alam niyang posibleng ganito ang mangyari pero sadyang nakakainis lang. Pagpasok niya ng building ay napansin na agad niya ang lalaking nakatayo sa harap ng elevator. Palagi niya itong nakakasabay pero wala siyang pakialam 'dun. "Hi," anito sa kanya. Tiningnan niya ito. "Hello," walang gana niyang bati rito. "Intern ka rito?" tanong nito. "Nope. Nag-o-ojt ako rito." "At sa opisina ka ni Sir Rome naka destino?" "Yes." "Oh... So, you're just a kid?" Ngiti lang ang sinagot niya rito. Wala naman kasi siya sa mood para makipag-usap kung kani-kanino ngayon dahil bad trip talaga siya. "But you look mature in your age." Nang makita niya si Rome na papasok ng building ay pinilit niyang ngitian ang lalaking kausap. "I'm Romel. You are?" "Kylie. Stepdaughter ako ni Tito Rome," pagpapakilala rin niya. "Ay talaga? Ikaw pala ang anak ng namatay na asawa ni Sir Rome. Anyway, nakikiramay ako sa pagkawala ng mother mo." Doon bumukas ang elevator na nasa kanang. Agad siyang sumakay doon kahit pa pwede naman siyang sumakay sa mismong elevator na diretso sa opisina ni Rome pero mas pinili niyang huwag sumabay. Pagkarating sa ika-kinseng palapag ay muli siyang sumakay sa levator kung saan diretso sa opisina ni Rome. Pagkarating niya sa pinakahuling palapag, agad na bumungad sa kanya ang isang pumpon na bulaklak na nasa lamesa niya. Agad niyang tiningnan kung kanino galing iyon, walang iba kundi galing kay Dave. Balak na sana niya ihinyo ang pakikipag-usap sa lalaki pero dahil sa ginawa ni Rome ay tuloy ang pa rin ang plano niya. She knew Rome had something with her. At alam din niya na pinipigilan lang nito ang sarili marahil ayaw lang nitong makaramdam ng konsensya. Pwes, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ngayon pa ba siya mawawalan ng pag-asa gayong kitang-kita niya kagabi ang pagnanasa nito para sa kanya? Ang inis niya ay itinuon na lang niya sa trabaho. Ilang araw na lang ay matatapos na siya sa ojt niya. At gagamitin niya ang natitirang mga araw niya para makuha si Rome. Hindi siya makakapayag na aalis dito na hindi nakukuha ang puso nito. Abala siya sa pag-aayos ng file na nasa shelf nang tumunog ang intercom kaya agad niya iyong sinagot. "Yes, Sir?" "Come to my office," sabi ni Rome at agad din nitong binaba ang tawag. Kahit ayaw niya itong makita ay wala siyang magagawa kundi ang puntahan ito sa pribado nitong opisina. "Yes, sir?" Napatingin siya sa folder na inilapag nito sa ibabaw ng office table nito. "Gusto kong aralin mo ang proposal na 'yan at pagkatapos sabihin mo sa akin ang opinyon mo," "A-ako? Bakit?" Nagbuntong-hininga ito. "As a shareholder of my company, I would like to hear your opinion about the proposal," anito. Naguguluhang napatitig siya rito. Alam niyang ito ang pagmi-meeting nito kasama ang shareholders ng Highland Inc. Ang alam niya ay balak na magtayo ng panibagong hotel sa ibang lugar. Maraming negosyo ang pamilya ni Rome, meron ang mga ito ng jewelry business, hospital, sariling airport, shopping mall at marami pang iba, pero ang natatandaan lang niyang sinabi sa kanya ng kanyang ina ay mas gusto ang daw ni Rome ang simpleng pamumuhay, pero kahit saang angulo tingnan hindi simple ang buhay ni Rome dahil ang pamilya nito ay isa sa mayaman na angkan sa lipunan. "I don't think I'm not capable of doing that. I'm too young and—" "I just want to know your opinion, Kylie. Gagawin mo rin naman 'to pagdating ng tamang panahon," giit nito. "Okay. Babasahin ko lang naman at sasabihin lang sa'yo ng opinion ko tama?" "Yes." Tumango siya at kinuha ang folder. Akmang lalabas na siya ng pigilan siya nito. I want you to stay here while you're reading that. You can sit there." Tinuro nito ang maliit na set ng upuan sa gilid ng kwarto. "Sabihan mo ako kapag tapos mo ng basahin 'yan. Pikit ang mga matang hinakbang niya ang mga paa papunta roon at naupo, tsaka inumpisahan basahin ang hawak niyang dokumento. Sa kalkula niya, lagpas trenta minutos nang matapos niyang basahin ang ilang pahina ng hawak niya. "Sir, tapos ko ng basahin," baling niya kay Rome. "Binasa mo ng maigi?" "Of course." "Good." Tumayo ito mula sa swivel chair nito at humakbang palapit sa kanya at tsaka naupos sa kaharap niyang upuan. "Bilang shareholder ng Highland Inc. kung hihingiin ang opinyon mo, what is it?" Nagbuntong-hininga siya at marahan na tumango. "Kung ako ang tatanungin mo, I will disagree with this proposal." "Why?" "Bakit hindi? Maraming tao ang mawawalan ng matitirahan kapalit ng pagtayo ng building na gusto niyo." "Which is our hotel. Magandang spot ang lugar na 'yon para pagtayuan ng panibagong hotel. Malapit sa mall at sa pasyalan na siguradong magugustohan ng mga magiging customer." "But still, there's a lot of people living there. Paano na lang ang buhay nila kung paaalisin mo sila 'dun? Paano ang mga batang wala pang kamuwang-muwang, maaatim niyo bang kuhain sa kanila ang kakarampot na tahanan nila?" "Do you really care for them?" "Ano?" "O baka dahil sa lugar na 'yon kung saan kayo nakatira dati ni Tanya?" Natigilan siya dahil tama ng sinabi nito. "I d-don't get you..." Nagbuntong-hininga ito. "Always remember business comes first. What you have right now is because of our business. Kung palagi mong uunahin ang awa, you'll never be the person you want to be in the future. Mawawala ang lahat ng ito sa'yo." Nakuyom niya ang kamao. "Pero paano ang mga taong nakatira 'dun?" "Good question. Ano ba ang maimumungkahi mo?" "Umh... can we relocate them sa lugar kung saan pwede ulit sila magsimula." Nagbuntis ito at tumango-tango. Isinandal nito ang likod sa backrest ng upuan at hindi nagsalita. "Talaga bang sapilitan silang paaalisin 'dun?" "Yung lupain na tinitirahan nila ay pagmamay-ari ko na. Matagal ko na silang binigyan ng palugit para umalis pero hindi nila ginawa." "Kasi wala silang kakayahan na gawin 'yon." "Is that my problem? Problema ko ba kung naging salat sila sa buhay?" Hearing those words coming from Rome's mouth, habang walang kahit na anong imosyon sa mga mata nito, parang hindi si Rome ang kaharap niya. Ang Rome na kilala niya, maalalahanin, may care at may awa sa ibang tao pero ngayon, parang ibang tao ang kaharap niya ngayon. "Tinamaan ka ba?" maya'y tanong nito. Nakuyom niya ang kamao. Is he really mean to say those words? "Kylie, don't let someone use your past to bring you down. Hindi porket nanggaling ka sa ganu'ng estado ng buhay ay mananatili ka na lang sa ganu'n. Don't take off the mask you're wearing so they can beat you. It's enough for me to know that you have a soft heart." Nagbuntong-hininga ito. "Don't worry, ililipat ko ng ibang lugar ang mga taong nandoon tulad ng sinabi mo." Nakaramdam siya ng saya. "Really? Gagawin mo 'yon?" "Yes." "Thank you, Rome— I mean thank you, Sir Rome." "Bilang businessman, hindi lang pansarili ko ang dapat kong isipin kundi ang mga taong maaapektuhan din ng negosyo ko. I'm not as bad as they think." Tipid siyang ngumiti. "I know. Kaya ka nga minahal ni mommy." Sumeryoso ang mukha nito sa sinabi niya. "Ganu'n ba?" "Yes. And that's also one of the things I liked about you, Rome," aniya. Napakurap-kurap siyang umiwas ng tingin dito. She shouldn't say that. Pero huli na para bawiin pa iyon. Tumayo na siya. "Kung wala ka ng sasabihin lalabas na ako, Sir," aniya na malalaki ang hakbang na lumabas ng opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD