03

1293 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Kuya, masyado ba talaga malayo iyong lugar? Kailangan mo ba talaga mag-stay in," umiiyak na tanong ng isa sa mga bata. Lumuhod si Paxton sa harap ng mga ito at ngumiti. "Malaki ang kita doon at gamit ang pera na iyon makakabili na kayo ng mga gusto niyo. Hindi madaling kitain ang 50k sa isang buwan lang," bulong ni Paxton at ginulo ang buhok ng isa sa mga bata na umiiyak. Ayaw niya iwan ang orphanage dahil iyon ang nagsilbing tahanan niya ngunit wala siyang mapagpipilian. Kailangan nila ng pera. "Kuya Pax— hindi namin maiwasan na mag-alala. Masyadong malaki ang offer nila sigurado ka bang butler lang ang trabaho mo doon?" tanong ng isa sa mga binatilyo. Natawa si Paxton at tumayo ng maayos. "Oo naman— ito ang kontrata basahin niyo," ani ni Paxton bago iabot sa kanila ang mga document na binigay sa kaniya ng mayordoma. Hindi niya alam kung anong mga nakasaad doon pero kahit ano pa iyon masama 'man o mabuti— tatanggapin niya pa din. Sa ngayon kasi wala sa kaniyang ibang mahalaga kung hindi mairaos ang gutom nila. "Ano bang klaseng tao ang aalagaan mo ko kuya? Bakit may hospital fee pa?" tanong ng isa sa mga bata na kinakibit balikat ni Paxton. Hindi niya alam pero base sa mga salita ng mayordoma pinalalabas nito na bayolente ang aalagaan niya at kailangan niya mag-ingat. Biglang pumasok sa isip niya iyong dalagita na nakita niya sa veranda. May pinaghalong kulay na berde at dilaw ang suot nitong kasuotan— napakahabang buhok, payat na pangangatawan at walang buhay na berdeng mga mata. Nang gabi na iyon napagpasyahan nila na matulog lahat sa lobby ng orphanage kasama si Paxton. Hindi kasi pumayag ang mga bata na humiwalay ng araw na iyon si Paxton. Napangiti na lang ang binata sa idea na kahit hindi nakaramdam ng mga pagmamahal ng magulang— nag-uumapaw naman ang mga pagmamahal na binibigay sa kaniya ng mga bata. Para kay Paxton iyon ang pinakamagandang uri ng regalo na natanggap niya pagkatapos siya maisilang at dalhin sa orphanage na iyon. Tumagilid si Paxton at hinarap ang mg bata na mahimbing ang tulog sa tabi niya. Poprotektahan niya ang regalo ng diyos sa kaniya kahit kapalit pa 'non ang sariling buhay. Unti-unti ng pumikit si Paxton matapos siya makaramdam ng antok. Maaga pa siya magigising bukas para mag-impake. — Kinabukasan, "Ito na ang magiging kwarto mo simula ngayon," ani ng ginang matapos buksan ang isa sa mga pintuan sa ikalawang palapag. Mukhang maayos naman ang palapag na iyon. Wala din ingay katulad 'nong narinig niya kahapon. Maliit lang ang kwarto at may isang single bed. Natuwa si Paxton matapos makita na kama iyon at maganda ang kwarto. May sarili din naman iyon na bathroom. Pumasok doon si Paxton at binaba ang mga gamit niya. "Nasa study table ang magiging uniform. Pagkabihis mo bumaba ka agad para maipakilala kita kay young lady," ani ng mayordoma bago sinara ang pinto at naglakad paalis. Hindi maiwasan ni Paxton ma-excite at agad na kinuha ang suit na nasa lamesa. Hindi makapaniwala si Paxton na makakapag-suot siya ng ganoon na damit since sa mga palabas sa t.v niya lang iyon laging nakikita. Agad na pumunta si Paxton sa bathroom para magbihis. Matapos siya magbihis— inayos niya ang sarili at naglakad na palabas ng kwarto. May nakita siyang maid. Nagulat si Paxton dahil bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya. "Gusto ko lang bigyan ka ng advice. Ayaw ni young lady sa mga straight na lalaki— kung gusto mo tumagal mas mabuti pa lang na mag-act ka na gay at kasali ka sa pederasyon," bulong ng maid bago tiningnan ang pintuan sa ikalimang kwarto. "By the way, I'm Emily— ako na pinasama niya sa iyo since may biglaang dumating na tawag. Dadalhin lang kita sa room ni young lady then ikaw na bahala kung paano ka magpapakilala," ani ng maid. Napalunok naman si Paxton dahil doon. Agad na sumunod si Paxton sa maid. Ayaw ng young lady nila na straight na lalaki. Sumuntok sa ere si Paxton para i-cheer ang sarili niya. Mula sa kwarto niya— lumiko pa sila pakanan sa hallway. May nakita siyang pintuan sa pinakadulo 'non. Nagtaka si Paxton dahil napansin niya ang dumi ng dinadaanan niya. "Walang tumatagal na butler kay young lady at mga maid kaya ganito ang kwarto niya— wala din naman sa amin naglalakas ang loob na lumapit sa amin dahil kahit kami ay takot kay young lady," ani ng maid. Gusto sana sumagot ni Paxton na bakit pa sila nagkatulong. Pakiramdam ni Paxton may mga mali pero hindi iyon pinansin ng binata. Nandoon siya para sa pera. Binuksan ng maid ang kwarto. Napanganga si Paxton matapos makita ang kwarto na iyon. Mukhang mas malinis pa ang kwadra ng kabayo kaysa sa room ng young lady nila. Punit-punit na kurtina, basag na plato sa sahig at mga salamin— maduming higaan at maalikabok na paligid. Sa orphanage nila— walang kurtina, salamin at mga mamahaling gamit sa loob ng kwarto nila pero mas mukha pang bahay ng tao ang lugar na iyon kaysa sa kwarto ng young lady nila. Walang tao doon— naririnig nila ang lagaslas ng tubig kaya siguradong nasa bathroom ang young lady nila. "Lilinisin ko ang room na ito— may ibang set pa kaya ng kurtina, mga comforter at mga unan para kay young lady?" tanong ni Paxton. "Wala— gamit iyon sa ibang mga kwarto. Hindi mo pwedeng kuhanin," ani ng mais na kinalingon ni Paxton. Hindi alam ni Paxton kung imagination niya lang pero bago tumalikod ang babae nakita niya na ngumisi ito. "Kung hindi inuutos ni young lady wala kang gagalawin dito," ani ng maid bago binuksan ang pinto at lumabas. Kumunot ang noo ni Paxton. Sa pagkakaalala niya sa sinabi ng mayordoma hindi nagsasalita ang young lady nila. "May mali talaga dito," bulong ni Paxton. Lumapit si Paxton sa sira-sirang kurtina at tinanggal iyon. Napaubo si Paxton matapos mahulog iyon at mapunta sa kaniya lahat ng alikabok. Nakarinig siya ng pagbukas ng pinto. Pagtingin niya sa bathroom— nakita niya ulit iyong payat na batang babae. Nakapako ang tingin nito sa kaniya. Ngumiti si Paxton at kinalimutan lahat ng sinabi ng mga maid sa kaniya. "Ako pala ang bagong butler niyo young lady. Paxton Valencia," may ngiti na sambit ni Paxton. Hindi siya pinansin ng batang babe at umupo sa gilid ng kama. Tinitigan siya ni Paxton nang ilang minuto. Hindi ito gumagalaw doon. "Lilinisin ko ang room mo young lady," ani ni Paxton. Hindi ulit umimik ang batang babae. Ini-accept iyon ni Paxton as yes. "Ahm, young lady— papalitan ko ang bedsheet, unan at comforter mo. Pwede din lumabas muna kayo. Maalikabok kasi masyado," ani ni Paxton matapos pumunta sa harapan ng batang babae. Iniangat ng batang babae ang tingin. Nagtaraasan ang balahibo sa katawan ni Paxton matapos siya titigan nito at tumagos iyon sa kaluluwa niya. Tumayo ang batang babae. Napaatras si Paxton. Nakita niya na nilampasan siya ng babae at tinungo ang pintuan. Alanganin natawa si Paxton matapos makita na tumayo ang babae sa labas ng pintuan at tinitigan siya. "Diyan ka lang young lady. Mabilis lang ito." Hindi niya na pinansin ang tingin ng batang babae at mabilis na kumilos. Tinanggal niya lahat ng nasa kama. Kinuha niya din ang punit na kurtina— tinungo niya ang pinto. Lumabas si Paxton matapos ngitian ang young lady nila na agad tumabi. Sinundan siya ng tingin ng batang babae. Si Paxton ang pangalawang tao na naglinis ng room niya pagkalipas ng ilang taon. "I just wondering kung anong gagawin ng mga maid sa kaniya," bulong ng batang babae na may malamig na boses.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD