02

1077 Words
Chapter 02. 3rd Person's POV Matapos makarating sa nasabing subdivision. Hawak ang nakitang flyer sa gate ng subdivision na hiring— lumapit siya sa gwardya at sinabing interesado siya sa trabaho. Pinakita niya iyong flyer since iyon ang madalas niya nakikita kapag may hiring. Hindi siya sigurado sa nakalagay pero siguradong about iyon sa trabaho. "Applicant— mula dito sa gate. Kumanan ka then hanapin mo iyong pinakamalaking mansyon dito sa subdivision na may itim na gate," ani ng gwardya. Agad na tumango si Paxton at punasok sa loob. Hindi marunong si Paxton ng mga bagay katulad ng pagsusulat at pagbabasa ngunit madiskarte si Paxton. Nagpapasalamat na lang ang binata dahil pare-pareho ng disenyo ang mga bahay sa lugar na iyon. Iisa lang sa mga bahay na iyon ang malaki at may kakaibang disensyo. Huminto siya sa napakalaking gate. May nakita siyang parehong papel kaya sigurado na si Paxton na iyon ang mansyon. Nag-door bell siya. Maya-maya kusang bumukas iyon na kinahanga ng binata. Sobrang lawak din sa loob 'non at sobrang gana. Pumasok si Paxton at naghanap ng pwedeng mapagtanungan. "Ikaw ba iyong butler?" tanong ng mayordoma na naglalakad palapit kay Paxton. Napatigil si Paxton dahil sa expression ng mayordoma at paghablot sa hawak nitong mga papel para mag-apply. Ang mga madre at sina Carlos ang tumulong sa kaniya para mag-fill up 'non. "Kaya mo ba lahat ng gawain ng butler?" tanong ng mayordoma matapos kuhanjn din ang hawak kong flyer. "Hindi pa madam pero madali akong matuto at magsisipag po ako," sagot ni Paxton. Tumalikod ang mayordoma at pinasunod siya. "Katulad ng sinabi dito 50k ang sweldo monthly, libre ang pagkain at stay in ka dito. Pwede ka lumabas once a week pero babalik din agad," ani ng mayordoma. Sa isip ni Paxton kailangan niyang i-give up ang ibang trabaho niya since triple ang sweldo niya sa mansyon na iyon. "Kailangan mo lang gawin is 'yong bantayan ang young lady ng mga Calderon, gawin lahat ng inuutos niya, maghatid ng pagkain at maglinis ng room niya since ikaw ang butler niya," dagdag ng mayordoma. Hindi makapaniwala si Paxton na iyon lang ang gagawin at sobrang laki ng sweldo niya. "Kung iniisip mo na madali lang iyon— para sabihin ko sa iyo pang-walo ka ng butler na nag-apply ngayong buwan. Wala pa silang isang linggo umaalis na sila." "Don't worry kung ano 'man mangyari sagot na ng mga Calderon ang hospital fee," dagdag nh mayordoma. Napangiwi si Paxton sa idea na napaka-considerate ng pamilya ng mga Calderon. Napatanong na lang si Paxton kung anong klaseng batang babae ang tinutukoy ng mayordoma. — Mula sa pinakaitaas ng mansyon. Nakatayo ang tinatawag na young lady ng mga Calderon sa harap ng isang glass wall. Nakikita niya sa baba ang isang binata na kinadilim ng anyo ng dalagita. "Hindi talaga nila ako titigilan," malamig na sambit ng binata. Napahawak siya sa bibig at napaubo. Agad na tumalikod ang binata matapos maramdaman na parang pinupunit na naman ang kaniyang kalamnan. Tinungo niya ang study table sa gilid ng kama niya at binuksan ang drawer. Kinuha doon ang lalagyan na may mga lamang tableta at iniinom iyon. Pawisan niyang hinawakan ang magkabilang gilid ng drawer at pumikit. Umupo sa gilid ng kama ang binata at tiningnan ang mga kamay. Tingin niya ang sarili mula sa full size mirror na nasa kabang gilid ng kama. Nakita niya ang sariling may suot na kulay yellow green na pantulog— may mahabang itim na buhok at berdeng mga mata. Nainis ang binata kaya binato nito ang nahawakan na alarm clock sa salamin na agad na nabasag at natumba sa sahig. "f**k it!" mura ng binata habang sapo ang noo. Pawisan ang lalaki at namumutla. May pumasok na katulong— binagsak nito ang pagkain sa maalikabok at madumi na lamesa. "Kainin mo iyan ubusin mo!" sigaw ng katulong sa babae bago naiinis na lumabas ng kwarto at binalya ang pintuan. Naiyukom ng binata ang kamao. Sa bahay na iyon kahit kailan hindi siya tinuring na tao ng mga katulong na nandoon lalo na ng mayordoma. Ngunit wala siyang magawa kung hindi manatili doon at magtiis pa ng ilang taon. Pumikit ng madiin ang binata at binagsak ang katawan sa kama. Lahat ng mga katulong na nagmamalasakit sa kaniya pinaalis ng matatagal ng katulong doon sa pamamagitan ng pagpapahirap ng mga ito at pananakot tungkol sa kaniya. Pinatong ng kilalang Beatrice Calderon ang isang braso sa noo at tumitig sa kisame. "Hanggang kailan ako magpapanggap na ikaw ate? Naiinip na ako dito— gusto ko ng umalis sa impyernong mansyon na ito," ani ng binata. Fourth Benedict Calderon, 20 years old. Kinailangan nito magpanggap na babae at kuhanin pansamantala ang katauhan ng kaniyang nakakatandang kapatid para sa kanilang mga plano. Umiinom ito ng isang gamot kung saan mapapanatili niya ang katawan na nasa 13 years old at ang femine figure nito. Mahirap 'man kay Benedict magtago sa katauhan ng babae kailangan niya iyon gawin dahil wala na siyang mapagpipilian. Nagsakripisyo ang ate niya para mabigyan siya ng sapat na oras at the same time maprotektahan. "Konting panahon na lang ate— magkikita na din tayo," bulong ng binata bago umupo muli at tiningnan ang pagkain na nasa lamesa May nakita siyang malaking daga at kumain doon. Maya-maya lang namatay na ang daga habang nasa loob ng plato. "Parang mga bata— sa tingin nila mapapatay nila ako sa mga ganitong trick?" tanong ng binata na sinipa ang lamesa dahilan para tumaob iyon. Kalaunan nilibot ng mayordoma si Paxton sa buong mansyon. Sinabi lang ng mayordoma na nasa ikalawang palapag ang mansyon ng babantayan niya at hindi sila tumaas doon. Nagtaka si Paxton doon pero hindi na siya nagtanong dahil medyo nag-alala din siya matapos makarinig ng mga tunog galing sa taas. "Hanggang sa makarating sila sa likod ng garden." "Walang gardener dito kaya kapag wala kang ginagawa— dito ka namin ilalagay para magwalis at magtanggal ng mga tuyong halaman." Patuloy sa pagsasalita ang mayordoma. Napalingon si Paxton matapos maramdaman na nakatingin sa kanila. May nakita siyang maganda at payat na babae sa veranda. Nagtaka si Paxton dahil nasa pangalawang palapag iyon. "Nakikinig ka ba?" tanong ng mayordoma. Tumingin si Paxton at ituturo niya iyong babae para itanong kung iyon ba ang young lady ng mga Calderon. Pagtingin niya nawala na ang babae. Kumunot ang noo ng mayordoma. "Sorry madam. Pakiulit nga po— hindi ko gaanong naintindihan doon sa part nasaan iyong stock room."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD