01
Chapter 01
3rd Person's POV
Paxton Valencia, 19 years old. Sa edad na ito binubuhay niya na ang sarili mag-isa. Lumaki siya sa isang ampunan at kumikita para tulungan ang mga batang nandoon na parang mga kapatid na niya din.
Lahat ng trabaho ay pinapasok niya para lang may sapat na maipangtustos. Ngunit isang araw ang isa sa mga part time job niya na isa bakery ay nagsara.
Tinanggal siya. Nanlulumong bumalik si Paxton sa orphanage dala ang seperation pay niya. Maliit lang iyon na halaga at sobrang kulang para maipambili nila ng makakain para sa araw na iyon.
Hindi pa siya nasu-swelduhan ng ilan pa na pinagtatrabahuhan niya.
"Kuya Pax! Nandito ka na! Nakuha na namin iyong mga gulay na naitanim namin sa likod ng orphanage. May panggabihan na tayo," salubong ng isa sa mga batang nasa orphanage.
Napangiti na lang si Paxton at hinawakan ang kamay ng batang babae. Agad siyang sinalubong ng mga bata at tinanong kung may binigay ba ulit na tinapay ang bakery para sa kanila.
"Pasensya na mga bata. Nagsara na din kasi ang bakery," sagot ni Paxton na may lungkot sa expression.
Niyakap siya ng isa sa mga bata at ngumiti. Ganoon din ang ilan pang mga bata na nandoon.
"Kuya Pax— ayos lang iyon. May tatlo ka pa naman na trabaho at mas mabuti na iyon para makapagpahinga ka din," ani ng isa sa mga bata. Natawa si Paxton at umupo sa isa sa mga upuan na nasa loob ng orphanage.
"Hindi pwedeng mawalan ng trabaho si kuya Pax— wala tayong kakainin," sagot ni Paxton at ginulo ang buhok ng isa sa mga batang nandoon.
"Sabi kasi sa iyo kuya Paxton. Hayaan mo na kami magtrabaho— highschool ma kami," ani ng mga binatilyo na papasok sa orphanage dala ang ilang tali ng kahoy.
"Carlos, mag-aaral kayo. Huwag na kayo gumaya sa akin na kahit magbasa at magsulat hindi marunong. Kailangan niyo mag-aral then kapag nakatapos kayo pwede niyo na ako tulungan," ani ng binata. Gumusot ang mukha ng isa sa mga batang lalaki sa idea na naawa siya sa kuya Paxton nila.
Sa edad na 10 years old nagtrabaho na ito para makatulong sa orphanage at may maipakain sa mga bata na nandoon. Umiikot ang mundo nito sa pagtulong sa kanila.
"Mabuti pa kumain na tayo. Matutulog ako ng maaga ngayon at maaga ako aalis bukas, para maghanap ng trabaho," ani ni Paxton. Umupo ang lahat sa mahabang lamesa. Dumating din ang dalawang sister na mula pagkabata ay kasama na nila.
May dala ang mga ito na pagkain. Napapalakpak ang mga bata matapos makita iyon. Matama lang sila pinagmasdan ni Paxton habang pinaghahain ng mga madre.
"Wait bakit kulang kayo ng isa? Nasaan si Yanna?" tanong ni Paxton matapos makitang may bakanteng upuan.
"May pumunta dito na mag-asawa para pumili ng batang aampunin. Lumapit si Yanna at sinabing siya na lang ang ampunin," ani ng madre. Gumusot ang mukha ni Carlos.
"Pagmamakaawa ang ginawa niya sister. Hindi niyo siya tinuruan na maging ganoon," sagot ng binatilyo. Yumuko ang bata na katabi ni Carlos na sobrang kasundo ni Yanna.
"Huwag kayo magalit kay Yanna. Naiintindihan ko siya kung bakit niya ginawa iyon," sagot ng babae na may mababang boses.
"Kahit ako kasi iyon ang gagawin ko kahit gaano ko kamahal ang orphanage na ito at mga kapatid ko. Iiwan ko kayo para na din sa iba pang bata na nandito."
"Si kuya Paxton lang kasi ang nagtatrabaho— araw at gabi siya nagtatrabaho para may maipangkain tayo dito. Kung maampon kaming lahat hindi na kailangan manatili nina sister dito o magtrabaho pa si kuya Paxton para sa ibang tao," dagdag ng bata na kinatahimik ng mga tao na nandoon.
7 years old pa lang si Bea pero aware na ito sa kahirapan na nararanasan nila. Naiyukom ni Paxton ang kamao na nasa ibabaw ng lamesa.
"Bea, hindi niyo dapat iniisip ang mga ganiyang bagay. Dapat iniisip niyo ngayon ay kung paano kayo lalaki hindi iyong paano kayo makakatulong," ani ni Paxton bago tiningnan ang batang babae.
"Masyado pa kayong bata para isipin ang mga ganitong bagay. Hindi din dapat niyo iyon ginagawa dahil paano kung masamang tao pala ang pumunta dito at walang kakayahan maging magulang niyo? Bea masisira ang buhay niyo," dagdag ni Paxton at matamang tiningnan ang mga bata na nandoon.
"Hangga't wala pa kayo sa mga tamang gulang hayaan niyo muna ang mga ganitong bagay sa mga adult," ani ni Paxton sa mga bata. Pumalakpak ng isang beses ang madre.
"Tama na iyan. Mabuti pa kumain na tayo— Bea ikaw ngayon magle-lead ng prayer diba?" tanong ng madre. Agad na sumagot ang batang babae at nag-lead ng prayer.
Lahat ay nanahimik at taimtim na nagdasal. Sa ganoon na mga scenario lumilipas nag araw ni Paxton.
Isa si Paxton sa mga batang nadala sa orphanage at hindi sinukuan ng mga madre na nandoon. Patuloy ang paglaki ng bilang nila ngunit paunti naman ng paunti ang mga mabubuting tao na nagbibigay ng tulong sa kanila.
Karamihan sa mga madre doon ay umaalis dahil sa bigat mg trabaho at hirap ng buhay doon. Kahit papaano nagpapasalamat na lang si Paxton na wala sa gobyerno ang naiisipan na bawiin ang lupa na tinitirikan ng orphanage.
"Pax— kaya mo ito. Walang susuko," bulong ni Paxton matapos itaas ang kamay habang nakahiga sa higaan na kahoy.
Napahawak siya sa tiyan ng kumulo iyon. Gutom na siya— tumagilid si Paxton at pumikit.
Kulang ang pagkain para sa lahat kaya iyong dapat na sa kaniya ay binigay niya sa iba pang bata na nandoon.
"Mawawala din ito. Matutulog na lang ako," bulong ni Paxton bago pumikit ng madiin.
—
Kinabukasan,
Maaga si Paxton umaalis sa orphanage para humanap ng trabaho. Naglalakad ang binata habang hawak ang tiyan. Kahapon pa siya hindi kumakain. Gutom na siya.
Patuloy lang sa paglalakad si Paxton at napatigil siya matapos may makitang sampung piso sa daan. Kinusot ni Paxton ang mata at napatigil.
Agad niya iyon dinampot matapos makita na sampung piso nga iyon. Agad siya humanap ng tindahan na mabibilhan ng tinapay.
"Mukhanh swerte ang araw na ito para sa akin," natutuwa na bulong ni Paxton bago tumawid at lumapit sa isang bakery para bumili ng tinapay.
Maraming bumibili kaya naghintay muna doon si Paxton. Umupo siya sa upuan na bato.
"Alam mo ba iyong malaking bahay doon sa side kung nasaan ang mga subdivision? Naghahanap daw ng butler— iyong pinakamalaking bahay doon 50k monthly," ani ng isa sa mga matandang babaeng nandoon.
Napatingin si Paxton matapos marinig iyon. May mayamang naghahanap ng butler. Parang pumalakpak ang tenga ni Paxton matapos marinig iyon.
"Iho bibili ka ba?"
Napatayo si Paxton matapos marinig ang boses ng tindera. Agad siya lumapit at bumili ng tinapay na tigpipiso.
"Kaso diba maraming kasambahay na nagsisialisan doon dahil sa batang babae na anak ng mga Calderon?"
"Oo nga daw— mahirap daw kasi ang trabaho tapos madalas daw nagwawala iyong batang babae."
Kinuha ni Paxton ang tinapay matapos magbayad. Nawalan na ng pakialam si Paxton sa ilan pang impormasyon— ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang pera.
Kahit pa putulin ng magiging amo niya ang mga daliri niya sa kamay at paa— titiisin niya para sa pera.