"Kirsten…" napalingon ako sa kamay kong hinawakan niya upang pigilan ako sa pagbaba ng sasakyan. I felt that familiar sparks again, for the nth time, na agad naglakbay sa buong sistema ko. Kay tagal ko na iyong nararamdaman, may kakaiba sa tuwing nagkakadikit ang mga balat naming dalawa ngunit pilit ko iyong winaksi at isinawalang bahala dahil alam kong mali, napakalaking kamalian ang makaramdam ng bagay na iyon… Nalipat ang tingin ko sa mga mata niya, kay lungkot ng mga iyon, his eyes plead. "Let go, Kier. I'm going to be late." ngunit kailangan kong magmatigas, kailangan na may isa sa amin ang paninindigan ang tama. Pilit ko binawa ang kamay kong hawak niya ngunit mas humigpit ang hawak niya lalo. "Kier, please!" gigil at may diin kong pakiusap sa kanya. "Hanggang kailan tayo ganito? H