Umuwi kaming dalawa sa bahay na hindi magkaayos ngunit kailangan naming magpanggap upang hindi makahalata ang mga magulang naming dalawa. Nang ihinto niya ang sasakyan sa loob ng bakuran ng mansion ay kay bilis kong binuksan ang pintuan at bumaba mula sa sasakyan. Kay laki ng mga hakbang ko patungo sa main door ngunit ilang hakbang paakyat sa sementadong hagdang papasok ng main entrance ay naramdaman ko ang braso niya sa balikat ko, just like he always did. Nang akmang alisin ko ito ay tsaka naman lumitaw sina mommy at daddy sa bungad ng mansion para salubungin kami. Ngumiti ako, yung totoong ngiti, yung hindi pilit, yung ngiting pangbungad ko sa mga magulang ko sa tuwing nasisilayan sila ng mga mata ko. At least I don’t need to pretend my smile while looking at them. Pasipleng kong tin