Natawa naman ang kaniyang tiyahin sa kaniyang sinabi. "Okay, sige na. Ibibigay ko na. Siguraduhin mong matutuwa siya sa surpresang iyan, Iho. Oh siya send ko na lang sa'yo," anito saka pinatay ang kaniyang tawag. Ilang saglit lang ay nakatanggap na siya ng mensahe galing dito. Nagpasalamat muna siya rito bago tinawagan ang numerong binigay. Nag-ring ito. Kinakabahan siya ngunit desidido siyang malaman kung nasaan ang kaniyang asawa. "Yes. Hello, this is diyosang Fiona anu pong maipaglilingkod ko?” maarteng tinig ng bakla ang nasa kabilang linya. "Hmmmmp!" tikhim niya. "Yes?" "Hmmmm!" muling tikhim. "Oh my God. I'm too busy-busy why not talk-talk na para matapos na itey. Who you ba?" anito. "Fiona ah si—si—” ani ni Grae. "Si? Si? O-oh my god! Wala akong kilalang sisi," tila napip