Maghapon ay binantayan niya ang kalagayan ng kaniyang anak. Marami ang tubo na nakakabit rito kahit napakaliit pa lang nito. Nakakahabag ang kalagayan nito habang nakasilip siya sa maliit na salamin sa pintuhan ng silid na kinaroroonan nito. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng tumunog ang kaniyang cellphone at napakunot ang noo niya ng ang tiyahin ang nasa kabilang linya. "Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko!" tila galit na tinig nito. "Tita." "Alam na namin ang lahat, Grae. Sana umayaw ka na lang noon kaysa sa ganito ang ginawa mo. Alam mo bang inatake ang Lola ni Mia ng malaman ang kalagayan ng kaniyang apo. Nanganak na si Mia pero nasaan ka?” putol na wika nito nang bigla ay sumabad siya. "Nanganak na si Mia," ulit sa narinig buhat rito. "Oo, kani-kanina lang at naririto kami sa o