Napangiti si Mia sa sinabi ng babaeng kaharap. Tama naman ito. Nagngitian na lamang silang dalawa. Hindi niya lubos akalain na ang babaeng kahapon ay halos mag-ala tigre ay ngayon ay kaibigan na niya. Kahit papaano ay maayos na ang pakiramdam niya. Hinihintay na lamang nila si Grae upang makauwi na sila ni Manang Lara. "Naku, ang batang iyon talaga. Gabi na eh wala pa!" turan ni manang Lara na tila nababagot na. Ngumiti na lamang si Mia. "Manang siguro kapag wala pa siya hanggang mamaya eh mag-taxi na lamang tayo," suwesyon dito. "Siguro, ganoon na lamang ang ating gagawin. Aba'y dapat kanina pa tayo alas kuwatro nakaalis eh mag-aalas sais na," anito na may himig pag-aalala. Kanina pa aligaga si Grae. Lalo pang pinag-iinit ng ulo niya ang ilang ulit na pagtawag ni Angelique sa ka