"Hmmmmm!" tikhim na narinig. "Excuse me, Sir. Pwede niyo na pong tignan ang pasyente," wika ng attending nurse. "Ah, sige. Salamat," aniya rito saka pumasok. Napatingin muna siya sa magkasintahan bago niya binukas ang pintuhan. "Gusto niyo bang pumasok?" lakas loob na tanong sa mga ito na nakatingin sa kaniya. Alumpihit ang mga itong sumunod. Nabungaran nila ang natutulog pang si Mia. "I'm sorry," mahinang tinig na narinig ni Grae. Si Cristina iyon. "It’s my fault. Muntik nang mawala ang anak ninyo. Buti na lamang at nailigtas kasi kung hindi ay habang buhay kong sisisihin ang sarili ko,” anito. "Shhhh! Enough, babe. Everything is okay. Mabait si Mia. Mapapatawad ka niyan," alo ni Raymond sa kasintahan ng maya-maya ay gumalaw si Mia na tipong naaalimpungatan. "Hmmm! Hhmmmmm!" an