"Oh! Natahimik ka. Sinasabi ko na nga ba?" pangangantiyaw pa nito sa kanya.
"No! Iniisip ko nga kung papaano makawala sa kasal na iyon. Nahihiya lang ako kay tita kaya ‘di ako nakaangal," katwa sa kaibigan na siyang nagpatahimik naman dito.
"Naku! Mahirap iyan. Tiis-tiis ka muna dahil isang buwan pa lang naman ang kasal ninyo. So, anong reaksyon ni Angelique?” dagdag na tanong pa ng kaibigan.
"As usual. Galit pero wala na ring nagawa. Nangyari na eh," aniya.
Marami pa silang napag-usapang magkaibigan at hindi namalayan ang oras at patapos na pala ang office hours nila.
"Hoy! Grae. Tama na iyan at baka ‘di ka na naman makapag-drive. Gagambalahin mo na naman ako. At kailan pa naging bar itong opisina ko aber?” paninita na nito sa kaniya.
Napangiti siya sa kaibigan. Galit-galitan lang ito pero alam niyang concern na concern ito sa kanya. Kagaya niya ay nag-iisa lang din anak kaya tila kapatid na ang turing sa kaniya.
"Hin—di pa a—koh lashing noh!" turan niya.
"Hay naku! Ni magsalita nga ng deretso ‘di mo magawa?" sermon na nito nang tumayo sa upuan nito at nilagay sa trash bin lahat ng bote ng alak na nainom.
"Putcha!" malakas na wika nito sa ‘di kalayuan. "Inubos mo ang alak ko!" anang nitong wika.
Napangiti si Grae sa reaksyon ng kaibigan.
"Hoy Grae!" untag nito sa kaniya.
Medyo pinaglalabanan na ang pagpikit ng mata niya. "Hmmmmmm.”
"Grae! Huwag mo akong tulugan dito kung hindi dito ka matutulog hanggang umaga," banta nito sa kanya.
Automatic time lock ang buong opisina nito. Kaya alas diyes ng gabi ay lock na at magbubukas na lang alas otso ng umaga.
Pinilit niyang tumayo ng biglang umikot ang paningin niya mabuti na lamang at maagap siyang naalalayan ng kaibigan.
"Sabi ko na nga ba! Graeson!" inis na wika ni Vince. Mapipilitan na naman kasi itong ihatid siya lalo na't may pagka-nagger din ang asawa nito.
Humampay pa siya.
"Bro pasen—siya ka na. May pi—nagdadaanan lang hek—hek," lasing na turan dito.
"Ano pa nga ba? Mahihirapan na naman akong mag-explain kay Bianca nito,” napapakamot ng ulong turan nito.
Kahit medyo hilo ay napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Maloko ito noon ngunit nang makilala ang asawa ay tila bahag ang buntot dito.
"Sige. Manukso ka pa at iiwan na talaga kita rito," anis na wika nito habang inaayos ang ilang gamit nito upang makaalis na sila.
Habang nasa daan ay panay ang pagtunog ng cellphone ng kaibigang si Vince. Alam na niyang ang asawa nito ang natawag.
"Yes. Sorry honey. I'm with Grae. Yah, lasing kasi kaya ihahatid ko muna. Oo, I will be home in a bit,” sunod-sunod na paliwanag nito sa asawang halatang pinapagalitan na naman ito.
Naiinis na pinatay ng kaibigan ang cellphone nito at bumaling sa kanya.
"Pahamak ka talaga. Kung hindi lang kita kaibigan ay kanina pa kita hinihulog diyan!"
Lulugo-lugong nagpasalamat sa kaibigan.
Nang makarating sila ay agad siya nitong pinababa. Hindi niya alam kung bakit tila namanhid na rin yata lahat ang buong katawan at hindi niya maigalaw.
"Seriously Grae!" tuluyang inis na wika nito saka bumaba sa sasakyan nito at akayin siya.
May kataasan ang floor kung saan ang unit niya. Kumatok ang kaibigan dahil alas dies pa lang naman. Hindi niya rin kasi alam kung nasaan ang spare key niya.
Ilang sandali rin silang nakatayo bago marinig ang pag-click ng seradura ng pintuhan.
Papikit na si Mia ng marinig ang pagkatok. Medyo late siya natapos sa ginawang research para sa mga gagamitin niya sa nalalapit na pagtuturo niya. Excited siya sa bagong trabaho.
Isinuot ang roba at agad na tinungo ang pintuhan. Baka nakalimutan ng asawang dalhin ang susi nito.
Pagbukas ay nagitla siya ng tumambad ang dalawang mukha.
"Ahhhhmm!” tikhim ng lalaking nakaalay sa asawang halos hindi makatayo ng tuwid. "Sorry, nagambala ka pa yata," ani ng ‘di kilalang lalaki.
"Okay lang. Salamat," tugon dito.
Ngumiti ito saka binigay na sa kanya ang asawa. Nang matutumba ito ay agad niya itong inalalayan. Saka sinara ang pintuhan. Ngunit pagkasara ay agad siya nitong piniksi.
"Kaya ko ang sharili ko!" anito na bulol-bulol pa.
Napalunok si Mia. Pinilit nitong maglakad mag-isa ngunit bigla itong natumba. Mabilis niya itong inalalayan pero mas lalo pa itong nagalit sa kaniya.
"I said. Kaya kooo sharili ko ‘di ba? Bi—ngi ka ba?" anito na nagpatigil sa kaniya.
Pinilit nitong tumayo kahit pasuray-suray. Nang makuha nito ang panimbang ay muli itong nagsalita.
"Hu—wag kang umastang asawa kita. Sha pap—pel lang tayo kasal," turan saka nito pinilit na makapasok sa silid nito.
Hindi malaman ni Mia kung iiyak ba siya o magwawala sa malamig na pakikitungo sa kaniya ng asawa. Alam niyang kasalanan niya kung bakit siya naroroon sa sitwasyong iyon kaya dapat ay magtiis siya. Ika nga ng kaibigang si Fiona. Dapat handa siya sa naumang kahihinatnan ang ginawa niya.
Kahit wala na ang asawa sa pintuhang pinasukan nito ay nakatitig pa rin siya doon.
"Mia. Magpakatatag ka. ‘Di ba sabi mo nga, kapag kinasal na kayo ay gagawin mo ang lahat maibigan ka lamang niya,” suweto sa sarili saka mabilis na pumunta sa kusina upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo.
Huminga muna siya bago hinawakan ang seradura. Buti na lamang at hindi niya iyon ni-lock. Siguro ay dahil sa kalasingan nito.
Tulog na tulog na ito nang pasukin niya. Masusing pinagmasdan ang guwapong mukha ng asawa. Hindi na rin nito nagawa pang magpalit ng damit dahil sa pagod at kalasingan nito.
Maingat na hinubad ang sapatos nitong may mga alikabok pa marahil ay nakuha nito sa trabaho. Isinunod ang pagkalas ng buckle ng sinturon nito.
Natigilan pa siya sa ginagawa. Bahagya siyang napalayo sa asawa at nag-alangan kung huhubaran pa rito. Ngunit ng makitang tila hindi ito komportable ay muli niyang tinuloy ang ginagawang paghubad dito.
Nang mahubad ang pantalon nito ay itinaas niya ang paang nakalaylay sa kama upang makahiga ito ng maayos.
Pigil ang paghingang kinukumutan ito saka sinunod na alisin ang suot nitong polo shirt.
Medyo nahirapan siya dahil may kabigatan ang asawa. Nakitang nagalaw ang asawa kaya napatigil siya.
"Pwede ba Angelique, huwag ngayon!” usal nito na nakapikit.
Napatda siya nang marinig ang pangalan ng kasintahan nito. Muli ay napatingin siya sa asawa. Hanggang sa unti-unti ay naglandasan ang mga luha sa mata.
Masuyong tinadampi ang bimpo sa buong katawan nito habang buhos ang pagluha.
"Grae,” usal sa pangalan ng asawang tulog. "Bakit hindi mo ako kayang mahalin."
Maayos na ang asawa ay iniwan na niya ito. Gustuhin man niyang tabihan ito sa pagtulog ay hindi magawa dahil baka paggising niya ay masasakit na sumbat na naman ang sapitin buhat rito.
Muli niya itong pinasadahan ng tingin saka humakbang.
Nakakadalawang hakbang na siya nang marinig ang tinig nito.
"I told you, hindi mo na dapat ginagawa ito. I can manage!" maigting na wika nito.
Hindi na niya sinagot ito. Bagkus ay tumuloy na lamang siya sa paglabas ng silid nito. Pagkasara sa pintuhan nito ay napasandal siya kasunod ng impit na pag-iyak.
Mabilis na lumipas muli ang buwan. Nakakasanayan na rin ni Mia ang kaniyang pagtuturo sa mga college student. Natatawa pa nga siya dahil iyong iba ay halos kaedad lamang niya.
Ngunit kung gaano niya nakakasanayan ang trabaho ay hindi pa rin niya makasanayan ang malamig na pagtrato ng asawa sa kaniya. Tila ba kasi isa lang siyang board mate nito. Nakatira lang sila sa iisang bahay pero halos hindi sila nagkikita o nagkakausap man lang.
Mabuti na lamang at laging naroroon si Raymond. Masaya itong kasama at hindi nagsasawang kausapin siya sa sitwasyon nila ng asawa.
Break time nila iyon at may dalawang oras pa bago ang sunod na subject niya ng yayain siya nitong kumain.
"Saan?” agad na tanong niya.
"May dalawang oras ka pa naman ‘di ba? Sa mall tayo,” yakag nito na agad na pinaunlakan.
Sa Gerry's grill sila napunta. Masaya silang nagkukuwentuhan ng maalala ang fianceè nito.
"Hala ka! Baka magselos na fianceè mo sa dalas nating magkasama ha," pasaring dito na mabilis nitong kinatahimik.
Maging siya ay natahimik. Sa dalawang linggong nakakasama ito at nakakabiruan sa faculty ay ngayon lang ito natahimik.
"Is there something wrong?" nag-aalalang tanong.
"Hmmmmm!” tila nagdadalawang isip pa kung sasabihin o hindi ang nais.
Muli itong tumitig sa kanya. Kaya nailang na siya. Nagbawi naman ito ng titig ng magbaba siya ng tingin.
"Lately kasi ay napapasin kong nawawalan na siya ng oras sa akin. For two years, hindi naman siya ganoon," anito.
Naramdaman niya ang pangungulila sa tinig nito.
"Baka busy lang,” pangungunsola rito.
"Sana nga lang Mia. Hindi ko kayang mawala siya sa akin."
Batid ni Mia ang pagmamahal ng lalaki sa girlfriend nito. Sana ganoon sana ang asawa sa kanya. Napakaswerte ni Cristina dahil may isang Raymond na matiyagang naghihintay sa kanya.
Hinawakan niya ang balikat nito tanda ng pakikisimpatya sa nararamdaman nito. Nang bulabugin sila ng isang maarteng tinig.
Papasok pa lamang sina Grae at Angelique sa restaurant na napiling kainan ng mamatan ang isang pares sa sulok. Tila seryoso ang mga ito base sa ekspresyon ng mga mukha.
"Hindi ba asawa mo iyon?” tinig ni Angelique na nakatingin din pala sa tinitignan niya. "Tignan mo nga naman. Nerd na nga, malandi pa!" anito saka mabilis na sinugod ang asawa.
"Babe wait!" awat rito ngunit mabilis itong nakarating sa kinaroroonan ng dalawa.
"What a scene! The beauty and the beast este, the handsome and the best!" nang-uuyam na tinig buhat sa likuran nila.
Agad silang napalingon ni Raymond. Bakas sa mukha ni Raymond ang pagkabigla sa babaeng sumugod sa kanila.
Nakita sa likuran ng babae ang kaniyang asawa. Hindi niya pinatulan ang babae dahil wala naman siyang ginagawang masama.
"Pangit na nga malandi pa!" may kalakasang wika nito.
Na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon. May ilang naawa sa kanya pero mas marami ang natawa.
"Matapos mong akitin ang boyfriend ko at pakasalan ka kahit hindi ka mahal. Heto ka at nanghaharot ng ibang lalaki. Iba ka!” dagdag na wika nito.
Nakita niya ang pagtiim ng titig ni Raymond dito. Mabilis niya itong hinawakan sa braso upang sabihing huwag na niyang patulan.
"Wow! Mukhang papalag pa itong nadinggoy mo. Sabagay, mukhang may pera naman,” kutya pa nito.
Lumingon siya sa babae.
"Say whatever you want. I won't stoop down into your level. As a matter of fact! Mas malandi ka kasi asawa ko na pero pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo. I didn't do anything,” matatas na wika rito.
Nakita ang pagngalit ng mukha ng babae at mukhang susugurin na siya.
Agad siyang hinila ni Raymond habang hawak naman ng asawa si Angelique. Nagkatitigan sila ng asawa. Nakita ang madilim nitong mukha saka hinila ang kasintahan nito at lumabas sa restaurant na iyon.
"Okay ka lang ba?” agad na tanong ni Raymond sa kanya.
Nanginginig siyang napaupong muli sa kaniyang upuan. Hindi niya sinagot ang tanong nito at pinagsilahop ang palad aa mukha.
"So, siya ba?" untag ulit nito. Tumango lamang siya bilang tugon.
Habang nasa dyip pauwi ng bahay ay hindi mapakali si Mia. Alam niyang galit sa kanya ang asawa dahil sa nangyari sa restaurant. Dalangin niya na sana ay wala pa roon ang asawa.
Kumatok siya ngunit walang nagbukas.
"Thanks God," usal niya dahil alam niyang wala pa roon ito.
Mabilis na hinanap ang susi sa shoulder bag at binuksan niyon. Pagbukas ay tumambad sa kaniya ang asawang tila kanina pa ito naghihintay sa kaniya.
Napatigil siya kasunod ng pagtahip ng dibdib.
"Hi!" simpleng turan dito saka dumeretso sa silid ngunit maagap siya nitong hinarangan.
"Tell me, may relasyon ba kayo ng lalaking kasama mo!" matiim na turan nito.
"Wala,” mabilis na sagot. "Iyon lang ba? So, pwede na ba akong pumasok sa silid ko," aniya rito.
"Stay away from him."
"What?” bulalas niya.
"You heard it right Mia. Stay away from him," pag-uulit nito.
Bumalik siya sa harap nito at nakipagsukatan ng titig.
"Gaya ng sabi mo kasal lang tayo sa papel. Wala kang pakialam kung sino ang kakaibiganin ko,” matigas ding wika.
Hinablot nito ang kaniyang braso.
"Huwag mo akong subukan Mia,” banta nito.
Naiiyak na si Mia ngunit ayaw niyang ipakita ritong mahina siya.
"Bitiwan mo ako. Wala kaming ginagawang masama. Bakit hindi ikaw ang lumayo sa ex mo," balik rito na mas lalo pang kinagalit nito.
"Girlfriend ko siya."
"Girlfriend? Eh ako Grae. Asawa mo!" sumbat dito.
Muli ay diniin nito ang pagkakahawak sa braso.
"Kasalanan mo kung bakit nasa sitwasyon tayong ganito. Girlfriend ko si Angelique at mahal ko siya," anito.
Sa huling sinabi nito ay halos madurog ang puso niya. Doon ay nagbaba na siya ng tingin saka piniksi ang kamay nitong nakahawak sa kanya.