Chapter 4:

2024 Words
"You can start in the next two weeks," anang pa nito sa kanya dahil bakasyon iyon ng mga estudyante. Napakasaya niya nang palabas na siya sa opisina ng mga ito nang sumunod sa kanya si Raymond. "Welcome to the family," ‘di pa rin matanggal ang pagkakangiti nito. "Thank you," tugon dito. "See you soon," pahabol pa nitong turan sa kanya na sinuklian nang ngiti at isang kaway. Dahil maaga pa ay nagpasya siyang lakarin na muna ang isang kalapit na mall doon. Bibili siya nang kakailanganin niya para sa kanyang pagtuturo. Medyo may kalayuan din konti pero hindi naman mainit kaya napagpasyahan niyang lakarin na lamang. Dalawang pinapatayong building ang nadaanan niya ng biglang mahagip ang mata ang isang lalaking may suot na hard hat at may hawak na mahabang rolyo ng papel. "Grae," aniya sa kawalan ng makilala iyon. Project pa yata ng asawa ang building na pinapatayo sa ‘di kalayuan sa university na pagtuturuan. Binilisan na niya ang paglalakad upang hindi siya nito makita nang sa ‘di malaman kung saan galing ay lumabas din ang siyang babaeng may suot na hard hat at yumakap sa asawa. Bigla ay natulos siya sa nakita dahil pasimple pang humalik ang babae sa asawa. Bigla ay tinambol ang dibdib lalo na nang makilala ang babae. Ito ang babaeng kasintahan umano ng asawa. Wala na siyang nagawa kundi ang bilisan ang pagpatawid nang biglang bumusina nang napakalakas ang paparating na sasakyan. Malakas ang busina ng sasakyang pabulusok sa kanyang kinaroroonan. Biglang namanhid ang buong katawan at nahihintakutang napatingin. Dahil sa ingay ng sasakyan ay maraming tao ang naagaw ang atensyon sa nangyari. Maging ang nasa kalapit na construction. "What the hell!” banas na wika ng lalaking pababa ng sasakyan nito upang tignan siyang bigla itong tumigil. "Mia Bernadette Palafox, right?" tinig ng lalaki na nagpataas ng kaniyang mukha. Doon ay malayang nakita ang mukha ng lalaki. Ito ang lalaki kanina sa eskuwelahang pinanggalingan. "R-Raymond?” turan din niya. "Hey, bakit ka naglalakad na tulala. Bilis sakay ka na at nakakaabala na tayo,” anito saka mabilis na binuksan ang sasakyan nito. Wala na rin siyang nagawa dahil marami ng taong nakikiusyuso sa nangyayari sa kanila. Bahagyang napakunot noo si Grae ng makilala ang babaeng nasa gitna ng daan at nagsisimula ng usyusuhin ng mga tao dahil sa kamuntikan nitong pagkabangga. Nakita niya ang paglabas ng galit na mukha ng lalaki ngunit biglang nag-iba ang mukha nito ng makita ang asawa. At mas lalong nangunot ang noo ng makita ang bahagyang paghawak ng lalaki sa kamay ng asawa at pinapasok ito sa sasakyan nito. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman sa sandaling iyon. "Are you alright?” kuno’t noong untag ni Angelique sa kanya na nakayakap pa sa kanyang likuran. "Yeah," tugon lang pero sa totoo ay nakuyom ang kamao dahil sa pagsama ng asawa sa isang estranghero. Tinignan lang niya ang papalayong sasakyan saka walang sabi-sabing kumalas sa pagkakayakap ni Angelique. "We're at work. Nakakahiya sa mga tauhan ko," aniya sa babae para makaiwas. Doon naman ay napamaywang ang kasintahan kasunod ng pagkunot noo nito. "Dati na nating ginagawa ito. Ngayon ka pa nahiya," anito na may paghihinala sa tinging pinupukol sa kanya. "Stop it! Don't raise your voice here," angil niya sa kasintahan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang epekto ng pagkakita sa asawang sumama sa ibang lalaki. "No! I won't stop. Tell me now Grae. May kinalaman ba ito sa asa-asawahan mo,” gigil na turan ni Angelique sa kanya habang nakapamaywang pa ito. "You’re talking nonsense. Pwede ba? May trabaho ako," giit dito. Nakita niya ang minsanang paglingon ng mga trabahador sa direksyon nila. Ngumisi si Angelique sa kanya. "Don't tell me your falling into your nerd wife," sarkastikong turan nito. Wala siyang panahong makipagbangayan dito. "As I said, I'm at work. Umuwi ka na at magpahinga," aniya sa kasintahan saka iiwan na sana ito nang habulin siya nito. Hinawakan nito ang kanyang braso. She knows Angelique. Ito ang tipo ng babaeng hindi nagpapatalo. "Don't dare, Grae. Kilala mo ako at kung hahanap ka rin lang ng ipapalit sa akin pwede bang iyong ka-level ko naman o mas maganda. Nakakababa ng dignidad dahil ipagpapalit mo na lamang ako sa isang nerd pa," anito saka siya binitawan at walang lingon-lingong iniwan siya. Angelique is a tough woman. Sabagay doon niya naman ito nagustuhan. Kabaligtaran ito ni Mia. Very vulnerable at gullible. Sa mall din pala ang punta ng lalaki kaya minabuti na niyang sumama na lang rito. Hindi pa masyado kabisado ang lugar kaya mas mabuti na iyong may kasama siya. "Bakit parang wala ka yata sa sarili mo kanina?" untag nito sa kanya. Napangiti siya sa lalaki para maitago ang totoong damdamin sa nakitang eksena kanina. "Ah wala. Hindi ko lang napansin ang trafffic light," kaila rito na tila naniwala naman ang lalaki. "Okay. But next time, be careful. Buti kamo at napansin agad kita,” paalala naman nito. Ngumiti siya rito saka nagpasalamat. "Naku wala iyon. Gusto mo bang kumain? Nagugutom kasi ako," anito sa kanya. "Ha?” agad na turan. Nabigla siya sa biglaang pagyaya ng lalaki sa kanya. Nakita siguro nito ang pagdadalawang isip sa mukha niya kaya agad itong nagsalita. "No worries. Libre ko. If iniisip mong date ito,” putol nito saka ngumiti. "I'm engage," anito saka tinaas ang daliri. Doon ay lumuwang ang mga ngiti nito. Hanggang sa madako ang tingin nito sa daliri niya. Nahihiyang tinago niya iyon rito. "You’re married, right?” tanong naman nito. Tipid siyang ngumiti rito. Na tila nahulaan pa nito ang sitwasyon nila ng asawa niya. Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Okay. I understand. I know na ngayon lang tayo nagkakilala but if you need someone to talk. I am here,” saka giniya siya papasok sa isang restaurant sa mall na iyon. Mukha namang mabait ang lalaki kasi una pa lang ay sinabi na nitong engage to be married ito. Alam niyang hindi ito magti-take advantage sa kanya. "Basta ba libre mo,” game na niyang turan saka sumunod rito. "Iyon lang ba? No problem basta next ikaw naman,” natatawang balik nito sa kanya. Ngumiti na lang siya rito dahil sa totoo lang ay magaan ang loob niya rito. Bukod kasi sa alam niyang safe siya dito ay hindi siya nito kinakahiyang kasama. Lalo na't may ilang kababaihan na ang napapatingin sa kanila. Na tila may pagkadismaya sa mukha. Guwapo ang kasama at nahihinuha na niya ang mga nasa isip ng mga ito. "Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah," untag nito sa kaniya ng makapasok sila. "Hindi ka ba nahihiyang kasama ako?” Wala sa sariling natanong sa lalaki. "Ha!" Gulat na turan nito ng marinig ang tanong niya. "Bakit naman ako mahihiya?" Sunod na tanong rito. "Kasi alangan tayo," aniya. May pagtataka sa mukha ng lalaki sa kanyang sinabi. "What do you mean alangan tayo?" "Alangan tayong tignang dalawa. Na—na na,” hindi maituloy-tuloy ang sasabihin. "Na mukha kang nerd. Ganoon?” pagtutuloy nito. Nagbaba siya ng tingin. "Come'on Mia. Makaluma ka lang manamit but you're beautiful,” anito sa kanya nang maya-maya ay lumapit ang waiter at kinuha ang order nila. Hinayaan na lamang niyang ang lalaki ang um-order para sa kanya. "My sister looks like you. She dresses like you kaya hindi ako nahihiyang kasama ka. In you ay naaalala ko siya," lumamlam ang mata nito. Natahimik na lang siya "It’s been two years nang mamatay si Alex sa brain cancer," wika nito. Kaya pala nakitang tila lumungkot ang mga mata nito ng mabanggit nito ang kanyang kapatid. "I'm sorry," mahinang turan dito. Muling ngumiti ito. "It’s okay. Tanggap na naming wala na siya," dagdag pa nito. "Let’s eat!" anito ng nilapag na ng waiter ang kanilang order. Sinaluhan na rin ang lalaking magana sa pagkain. Infairness masasarap ang pagkaing inorder nito para sa kanila. "Nagustuhan mo ba?” tanong nito. "Yeah, masara siya,” aniya habang panay ang subo. "My friend own this place," bigay alam nito. "Really? Kaya pala malakas ang loob mong manlibre noh," natatawa na niyang wika rito. Tila ba nawala lahat ng hiya niya sa katawan at hindi na siya nag-aalalangang kausapin ito. Tumawa na rin ito kasabay pa ng mahina nitong pagdighay tanda ng kabusugan. "Oo naman. 50% off kaya,” natatawang wika nito na sinakyan ang biro niya. Nagkatawanan sila ng lalaki ng mahagip ng mata niya ang dalawang lalaking papasok sa restaurang kinaroroonan. Bigla siyang natigilan ng mapagsino ang isang lalaki. Hindi siya maaaaring magkamali. Ang asawa niya ito at ang lalaking kasama nito ay isa sa lalaking nakainuman ng asawa noong nagdaang gabi. Saktong nakatingin din pala sa kanya nito. Nagtama ang mga mata nila dahilan upang yumuko siya. "Hey! Are you alright?” untag ni Raymond sa kanya. Hindi tuloy siya makasagot sa tanong nito lalo na't tila galit ang mukha ng asawa. "Dude!" untag ng kaibigang si James sa kanya na nakatingin din sa direksyong tinitignan. Tila sinisino rin nito ang babaeng kaniyang tinitignan. "Hindi ba't ang asawa este si Mia iyon?” anito sabay nguso sa direksyon ng kinaroroonan ng asawa. Napatigil lamang siya. Nang muling marinig ang tinig ng kaibigan. "Infairness. Guwapo ang kasama at mukhang mayaman dude," tila nang-aasar pang turan nito. Muling napakuyom ang kamao niya. Doon ay nakilala ang lalaki. Ito ang muntik nang makabangga rito kanina. "Mukhang close pa dude," muling saad ng kaibigan na wala na yatang ginawa kundi ang bantayan ang bawat galaw ng dalawa. Nang makitang tumayo ang dalawa ay agad na sumunod sa mga ito. "Hey! Saan ka pupunta? Gutom na ako, hoy!” angal ng kaibigan pero hindi na niya ito sinagot at patuloy sa pagsunod sa isang pares. "Naman! Bahala ka na nga. Basta ako kakain na," dinig pang angal nito habang papalayo siya. Nakitang pumasok ang mga ito sa national book store. Muli ay napakunot noo siya. Anong gagawin ng mga ito sa book store. Matiyaga siyang naghintay na inabot pa ng halos kalahating oras. Nang muling mamataan ang pares na sinusundan. Tila nag-usap pa ang dalawa nang kinukuha na ng asawa ang isang plastic bag na hawak ng lalaki ngunit timanggi ang lalaki at tila walang balak pakawalan ang asawa. Gustong-gusto na niyang sigurin ang lalaking kasama ng asawa ngunit nagpipigil lamang siya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naiinis sa nakikitang pag-uusap ng dalawa. Nakita niyang naglakad ang mga ito at patungo iyon sa parking lot. Sakto namang iyon din ang kinaroroonan ng sasakyan niya kaya mabilis niyang nasundan ang mga ito. Banas na banas siya habang tuon ang mga mata sa pagsunod sa mga ito. Ayaw niyang makawala sa paningin niya at kung saan pa pumunta ang mga ito. Medyo nakahinga lang siya ng maluwang ng makitang pamilyar sa kanya ang lugar na tinutugpa ang mga ito. Saka tuluyang humimpil ang sasakyan ng mga ito sa baba ng condominium building nila. Mabilis na umibis ang lalaki at pinagbuksan ng lalaki ang asawa saka nagngitian pa ang mga ito. Nang makaalis na ang lalaki ay nakitang papasok na ang asawa ay mabilis na pinasibad ang sasakyan. Dahil nawalan na siya ng ganang bumalik sa trabaho ay pinuntahan na lamang ang kaibigang si Vince. Isa sa matalik niyang kaibigan na laging karamay. Nang makarating sa opisina nito ay nabigla pa ito sa biglaang pagbisita. "Woooohhh! Anong anghel naman kaya ang nagdala sa isang Graeson Villa Ruiz sa aking munting opisina?" buska nito sa kanya. "Leave it dude!” inis na wala sa mood na sakyan ang pambubuska nito. Nakitang tumayo ang lalaki at kinuha sa gilid ng opisina ang dalawang baso at isang bote ng wine saka iyon nilapag sa harap niya. Nangingiti siyang napatingin rito. "Kilala na kita. So, anong problema?" anito matapos ilapag iyon sa harap. Mas matanda ito ng dalawang taon kaya tila ba nakakabatang kapatid ang turing sa kanya. "Babae ba?" dinig na tinig nito na tila alam na niya ang kanyang problema. "Grae! Grae! Graeson. Babae lang iyan,” natatawang saad nito. "Angelique or your wife?” "How did—” Tumawa ito ng malakas. "Chismoso ang kaibigan mo ‘di ba? Walang balita ang hindi ko nasasagap," anito. "Tell me. Sa isang buwan ninyong nagsasama. Lumalambot na ba ang puso ng isang engineer Graeson Villa Ruiz?” patuloy na pang-aalaska nito na nagpatahimik naman sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD